ONS -"Insecurity"

482 12 2
                                    


                  CHAPTER - 63


           Hindi na nabigla si Chairman Jeon sa kanyang nalaman tungkol sa kinasangkutan na naman ng apo.Katunayan nga hindi nalihim sa kanya ang patago nitong pag subaybay sa babaing kinahuhumalingan nito.

"Nakita mo ba kung anong pinaggagawa ng anak mo? Ginawa ko na naman ang lahat upang mapabuti sya.Ang anak mo tila gusto talagang sumunod sa mga yapak mo? Nagmana talaga sya sayo."
anas ni Chairman Jeon habang nakatingin sa larawan ni JCM na nasa photo album.

Lumapit si Secretary Chui sa kanya at may inabot envelop

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Lumapit si Secretary Chui sa kanya at may inabot envelop.

"Ito na po lahat ng mga pictures na nakuha ng isa sa mga reporter nong mga oras na iyon."
ani nito kay Chairman J.

"Ang original nito nakuha mo ba?"
anang Chairman.

"Ang sabi nya ninakaw daw ang original non ilang araw matapos ang insidenting yon."
sagot ni Secretary Chui.

"Ninakaw?

"Ne,"

saglit na napaisip ang matanda.

" Alamin mo kung sino ang kumuha ng original nito.
utos nito kay Secretary Chui.

Matapos makita ni Chairman J ang mga larawan ay muli syang nagsalita sa kaharap.

"Iharap mo sa akin ang reporter na iyon.

tila nagulat pa si Secretary Chui sa nais ng matanda.

"Sige masusunod po Chairman.

Matapos pirmahan ni JC ang mga documents na nakapatong sa table nya ay bahagyang isinandal ang likod sa kanyang upuan at panandaliang ipinikit ang mga mata.

Ilang araw na rin ang lumipas mula ng bumalik sya ng Seoul.Gustuhin man nyang mag travel pabalik ng Busan ay hindi pwede. Marami syang mga trabaho na kailangan tapusin at harapin at hindi madali yon para sa kanya. Pero hindi nya pweding ipagwalang bahala ang mga obligasyon nya lalo pa at marami nga naman ang umaasa sa kompanya nila. Kahit na may mga isyu na binabato sa kanya ay hindi sya nagpapaapekto sa mga ito.Sadya lang talagang mabulaklak ang mga medya at talagang gumagawa ng paraan para lang may mailathala at may mapag usapan ang publiko.

At laking tuwa na rin nya at hindi nagpapakita si Sammi sa kanya matapos ang nangyari noong isang araw sa Pad nya. Hindi naman sya manhid para hindi maramdaman na nasaktan ito sa mga sinabi nya. Kahit nakainum sya noon ay tanda pa rin naman nya ang nangyari at alam nya kung ano ang pinaggagawa nya.

Mas mabuti na rin yon na hindi nagpakita si Sammi sa kanya o tumawag man lang dahil hindi rin nya alam kong papaano ito haharapin.

Inosinte si Sammi at wala itong alam sa mga nangyari sa kanya pero dahil sa naging set-up ng lolo nya at ng elder ng Founder ng LG Corp.nasama ito sa tinatawag nyang kamalasan sa buhay nya.

ONE NIGHT STAND (UPDATE-ng)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon