ONS-"Katotohanan"

542 11 1
                                    

                  
                  CHAPTER -53

        Halos nabingi si JC sa sinabi ni Eunji dahilan na naapakan nyang bigla ang preno na kamuntikan na silang masubsob.Mabuti na lang at nakaseabelt silang pareho.Ngunit naroon pa rin yong kahungkagan o pagkagulat ni Eunji kasama ang takot sa biglaan na lang nitong pag preno.

  Inis nyang nilingon ang gawi ng binata,gusto nya itong pigilan at pagalitan dahil sa ginawa nito pero natigilan sya. Matapang ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Nakatuon ang mga mata at titig na titig sa kanya.
Pakiramdam nya ay may apoy ang mga mata nito.

Anong sinabi mo?"
tanong nito sa kanya na hindi man lang inalis ang pagkakatitig nito sa mga mata nya.

"M-may sinabi ba ako"
kinakabahan namang sagot ni Eunji.

Ang totoo ay nakaramdam  na rin kasi sya ng takot dito. Iba kasi itong makatitig sa kanya.Parang anumang oras ay lalapain sya nito o hindi kaya ay sapakin sya.Tinatanong ang sarili kong may hindi maganda ba syang nasabi dito.

"Ano yong sinabi mo ngayon lang?"
muli nitong tanong.

"Ang sinabi ko?Ano,..
pambibitin ni Eunji na kinagat pa nya ang pang ibabang labi para kahit papaano ay maibsan ang kaba sa dibdib.

Humugot at huminga ng malalim ang binata bago sya tinanong nitong muli.

"Ulitin mong sinabi mo,.

"Ang sabi ko bakit hindi mo na lang sundin ang gusto ng lolo mo. Para din naman sayo yong--Ano bang alam mo?
JC cut her off.

"Gusto mo sundin ko si lolo sa ano mang nais nya?Wala kang alam sa buhay na kinagisnan ko kaya wag mo sabihin sa akin na para iyon sa ikabubuti ko!" he said in slow voice and  trying to be calm but deep inside he feel devastated.

"Bakit sa tingin mo ba masaya ako sa naging buhay ko?Siguro yon ang nakikita ng lahat,tulad ng sinabi mo I can go where ever I want to go, I can get what I want to get because of money,Pero hindi lahat ng bagay natutumbasan ng pera.Tama ka roon.Simple lang ang gusto ko pero hindi ko pa rin makuha ng buo.Kaya anong silbi ng yaman kong hindi naman ako masaya?"

"Handa kong iwan ang lahat makasama lang kita kaya huwag mo naman ako pinagtulakan palayo sayo." nangingig ang boses na turan ni JC.

"Naroon ako,... Nandoon ako nang nakipagsagutan ka sa lolo mo!
pagtatapat ni Eunji na kinagulat ng reaksyon ni JC.

"Sinundan kita dahil nararamdaman kong pupuntahan mo si Chairman at hindi nga ako nagkamali.
patuloy pa nya.

"Tama naman si Chairman,ano nga ba naman ang magandang maidulot ko sa buhay mo kung sakaling ako ang pakasalan mo.Hindi ako nagmula sa mayamang pamilya wala rin akong magandang natapos na pwedeng ipagmalaki, wala akong magandang reputasyon.Ang tulad ko ay hindi nababagay sa mga tulad mo."
habang sinasabi ni Eunji ang mga salitang yon ay parang sasabog ang dibdib nya.Masakit,na kahit alam mo na sa sarili mo kong gaano ka kaliit ay may mga tao pa rin talagang ipapangalandakan yon at kung minsan ay ipapamukha pa talaga sayo.

"Pakasalan mo si Sammi,iyon ang nararapat, tama iyon ang dapat mong ga--Shut up! putol ni JC.Napasabunot na ito sa sariling buhok matapos ay sinapak nito ang manibela.

"Tulad mo nagmula din sya sa mayamang pamilya at tagapagmana ng LG Company,maganda,sexy sigurado ako magkakaroon kayo ng--Kung wala kang magandang sasabihin tumahimik ka na lang! JC gritted his teeth.

"Makinig ka naman sa akin!
sigaw na rin ni Eunji sa kanya.

"Sinabi ko na sayo ayaw kong makasal sayo!

ONE NIGHT STAND (UPDATE-ng)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon