ONS- "Meet Won Woo"

282 7 3
                                    

                 
                  CHAPTER 69

      Agad na inimpaki ni Eunji ang mga ilang gamit nila ng anak.

      Hindi sya mapakali at pauli-uli lamang palakad lakad sa harap ng anak.

       Maging si Eunsan ay mahihilo na rin yata sa kakasunod ng tingin sa kanya. Gulong-gulo na ang isip nya at hindi na sya makapag isip dahil sa mga nangyayari.Ramdam din naman nyang mabigat talaga ang loob ng mga tao sa paligid nya roon.May ilang araw pa lang silang namalagi roon ngunit pakiramdam nya di na sya makahinga.

     Tatawagan o hindi" anang isip nya habang nakatuon ang tingin sa phone screen nya kung saan contact number ni JC ang nakabungad. Isang pindot nya lang ang hinihintay.

       Saktong pag click nya ng call button bumukas naman ang pinto ng silid.

"Maari ba kitang makausap?"
ayon sa mahinahon nitong boses.Tama ba ang narinig nya?Hindi ito matapang ngayon at tila ba kay hina ng pananalita nito ngayon.

      Dahan-dahan itong humakbang malapit sa bintana,at hinawi nito ng halos kalahati ang kurtina.

"Lumaki si JC na iba ang kinikilalang ina,sa murang isip nya naunawaan nya na kung anong pamilya mayroon sya."panimula nito habang nakatuon ang paningin nito sa labas ng bintana.

"Minsan na rin sila tumira dito noon.Dinig ng bawat sulok ng silid na ito noon ang iyak nya,"Mama...mama...mama yon ang laging bukang bibig nya habang umiiyak sya."

     Ginawa ni Chuna ang lahat para sa pamilya nya para sa anak nya ngunit bigo sya,walang araw na hindi umiiyak noon si JC.Sinisi noon nila ang ama ni JC kung sa umpisa pa lang inilayo na nila ang bata wala sanang naging problema pero may mas mabigat pa palang dahilan kung bakit hindi rin nito mailayo ang anak sa inang nagluwal.

Labag man sa loob ng apo ko pero wala syang magawa,hindi nya sinasabi pero ramdam namin na nasasaktan sya.Ang tanging pamilyang natutunan nyang mahalin at inalagaan ay unti-unting nawala sa kanya dahan- dahan itong inagaw sa kanya ng hindi nya namamalayan.

     Matiim na tumingin kay Eunji ang matanda.

"Sa simula pa lang alam ko na kung gaano ka kahalaga sa kanya,nakikita ko yon sa mga kinikilos nya kung paano ka nya tingnan at pahalagahan.Sino bang mag aakala na ikaw pala ang magiging dahilan ng pagbalik nya dito.Para sa akin parte ng pamilya ko si JC at labis kong ikinatuwa ang paglapit nya sa akin.Hindi ko man masabi pero kay tagal kung hinintay na dumating ang panahon na maalala nyang may isa pa syang pamilyang hinihintay sya."

     Lumapit ito kay Eunsan at hinaplos ang magkabilaang pisngi ng bata.

"Ang apo ko,hindi ko na hahayaan na maulit pa ang mga nangyari noon.Nandito si Granny nangangakong hindi kayo hahayaan na masaktan ng sinuman."

      Humingi ng pasinsya ang matanda kay Eunji at pinakiusapan siyang wag ng ituloy ang binabalak na pag alis at talaga namang hindi rin sila nito hahayaan na makaalis ayon na rin sa sinabi nito.

     Tahimik ang mga nasa hapag kainan habang pinagsaluhan nila ang hapunan.Walang ni isang naglakas loob na nagsalita kahit na halata sa mga hitsura nito ang pagkalito at pagkadismaya.

      Halos naroon ang buong kaanak sa hapunan,ang mga magulang ni Chuna at asawa ng kapatid nito at ang isang anak nitong lalaki.Naroon din ang uncle ni Chuna at asawa nito maging ang dalawang anak nitong lalaki.Bago ang salu-salo pinakilala na sila ng matanda sa mga naroon.Maliban sa first cousin ni JC na kinumusta sila nakipag high five naman ang isa pa kay Eunsan at tila natuwa ito nang makita ang bata.Nabanggit pa nitong kamukha daw si Eunsan sa kanyang ama na ikina irap naman ng mata ng Ginang na nasa harap nito.Ito yong Ginang kaninang umaga na na nagsalita ng hindi maganda sa anak nya laban sa kanya.

     Matapos maghapunan ay niyaya naman sya ng ina ni Chuna na pumasyal sa kabila sa susunod na araw para makapagkwentuhan.Gusto sana nito anang mismo kaso may pupuntahan daw ito at naka schedule na kaya hindi pwedeng kanselahin.Nasa kabilang compound lang naman ito nakatira halos katabi lang din naman kung saan sila dinala ni JC.Nakipag laro muna ang mga ito sa apo nilang si Eunsan sandali bago nagpaalam na umalis.

        Ngayon ay unti unti nya ng nauunawaan ang sitwasyon ng pamilya na mayroon si JC.Mula sa pagiging alila nito sa mga magulang ay may mga pamilya pa pala ito.Medyo komplekado nga lang dahil hindi gaya ng mga normal na magkakapamilya,JC had two mother in different ways and at the same time isa lang ang kinilala nya noon sa hindi malaman na dahilan kung bakit or maybe he thought about his name as Jeon.

      Napag alaman din nyang kakagaling lang din pala mula sa sakit ng lola ni JC na syang ina ni Chuna na biological mom ni JC.

     Nasa malalim sya ng pag iisip nang biglang may nagsalita mula sa kanyang likuran.

"Cant sleep?"
tanong nito.

      Nakilala nya ito,Ito yung nakaupo sa tapat nya kanina sa hapunan.Si Won.

"Nakakatanda daw ang sobrang nag iisip."

     Dahil sa sinabi nito napatingin sa kanya si Eunji at nagkatinginan sila.

   Pilyong napangiti naman ang binata.
Si Eunji ang unang bumawi ng tingin.

" Want some glass of wine?Maganda ito pampatulog."
alok nito pero umiling iling sya tanda ng pagtanggi.

"Isang bote lang hindi naman ito hard."
pilit pa nito sabay abot ng isang baso sa kanyang may kalahating laman ng wine.

     Sa hindi inaasahan, may kumuha ng baso sa kamay nya at walang alinlangan iyon na ininum sa harapan nila.Ubos.At ninamnam pa nito ang lasa.

" Not bad,it taste sweet than bitter.Pero hindi pa rin pwede sa kanya."
komento nito pagkatapos.

    Nasurprisa ang binata sa pagsulpot nya.Even Eunji didnt expect him to be there.

Image of WonWoo

"Sorry,but my woman cant accompany with this matter

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sorry,but my woman cant accompany with this matter.Its not good for her and the baby,tama ba ba ako?"
anas nito na ngayon ay nasa kay Eunji na nakatuon ang tingin.

"Owh Im sorry I didnt know that she is pregnant.Gusto ko lang syang e welcome,"

JC gave him a wide smile.
"Ganon ba salamat nag abala ka pa pero kahit hindi na okay lang naman."

      Nawala ang ngiti sa labi nito nang marinig ang sinabi ni JC.Kahit si JC ay seryoso rin ang mukha nang sinabi ang bagay na iyon.Halos nagtagisan pa sila ng tingin.

Is there anything wrong with them?

Bagay na nag iwan ng tanong sa isipan ni Eunji.

ONE NIGHT STAND (UPDATE-ng)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon