ONS-"Revealing"

501 16 2
                                    

    
                    CHAPTER - 59


        Tanaw ni JC si Eunji at ang ina nito sa kinatatayuan nya hindi kalayuan sa maliit nitong kainan. Nagpapasalamat sya at kahit papaano ay wala itong malubhang naging pinsala ayon na rin sa sinabi ni Jhonson at ganoon na rin sa nakikita nya. Ngunit hindi pa rin nya maiwasan na mag alala. Hindi  man nya naririnig ang pinag uusapan ng mga ito ngunit nakikita nya ang reaksyon ngayon ng ina nito.

       Ang mga paa nya gusto ng humakbang palapit sa kinaroroonan nito.Ang makita itong umiiyak ang labis na nagpapahirap sa kanya. Gusto nya itong lapitan at yakapin. Gusto nyang damayan ito sa anumang dahilan kong bakit malungkot ito ngayon at gusto nyang malaman kong bakit umiiyak ito ngayon.

Pero sa bandang huli ay may pumipigil sa kanya,ang isip nya. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin sya sa tuwing naiisip nya ang mga sinasabi nito sa kanya. At bukod doon ay nakapagdisisyon na sya. Papakasalan nya si Sammi.

    Halos naibsan naman ang pag alala ng ina ni Eunji ng makita sya nito. Wala syang sinabing detalye dito kung bakit halos buong araw syang hindi nito makontak at nagdadahilan na lang sya. Pero hindi nya maloloko ang kanyang ina. Ganon nga talaga siguro pag ina mo kilalala ka at nalalaman nya kung nagsasabi ka ba talaga ng totoo.

      Tela may nais talagang malaman ang ina nya.Pinamamasdan sya nito at maging ang kinikilos nya.At talagang hindi kumbinsido ang ina nya sa mga dahilan nya.Halos buong  araw rin itong nag alala sa kanya muntik na nga itong magpunta ng presento para mag report na nawawala sya. Kaya  ng makatyempo ito ay kinuha nito ang bag nya.

"Ma anong ginagawa mo? Akin na yan!"
agaw ni Eunji sa bag nya dahilan para maglaglag ang mga laman non.

Agad naman na pinagdadampot ni Eunji ang mga laman non.At siniguro nya talaga ang papel na galing sa hospital. Ngunit laking gulat na lang nya nang pagtayo nya at pagharap nya sa mama nya at nakita ang hawak nito sa kamay...

"A-a-no ito?"nauutal nitong tanong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"A-a-no ito?"
nauutal nitong tanong.

"Sayo ito? Buntis ka?"
tanong nito.

Hinablot ito ni Eunji at tinago sa likod nya. Hindi sya makapagsalita hindi nya alam kong paano nya depensahan ang sarili. Hindi rin sya makatingin dito ng diretso. Buko na sya.

"Ano?!Sagutin mo ako buntis ka?!"
sigaw ng mama nya.

"Bakit? Bakit mo hinayaan na mangyari ito? Nag iisip ka ba?"Pambihira naman Eunji.Sino?Yong lalaking yon ba ang ama nyan?"

Nanatiling nakayuko lamang si Eunji habang ang ina nya ay nanlumo na dahil sa nalaman.

"Hindi ka pa ba nadala ha? Ano bang pumasok sa kukuti mo at nagpabuntis ka ulit sa kanya ha? Alam mo naman na simula noong nakilala mo ang JC na yan wala ng magandang nangyayari sa buhay mo!"

"Ma, mahal ko sya!
tumaas na rin ang boses ni Eunji.

"Mwo? "(Ano?)

"Mahal ko si JC. Siguro nga baliw na ako nasisiraan na ako pero anong magagawa ko kong iyon ang nararamdaman ko?"
umiiyak na pagtatapat ni Eunji sa tunay nyang nararamdaman.

ONE NIGHT STAND (UPDATE-ng)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon