ONS:"Second Encounter"

501 16 3
                                    

Eunji stand in front of him

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Eunji stand in front of him.

" Paano mo nalaman kung nasan ako,wala akong sinabihan kung saan ako."
anas ni Eunji.

" Dalawa lang naman ang posible mong puntahan,at nagbakasakali ako,..isa lang naman ang mahirap yon ay ang suyuin ka."

"Ayaw ko ng pag usapan ang bagay na yan,pakiusap."
ani Eunji sa mahinahon na boses.Hindi na nya hinintay pang sumagot ito at tinalikuran na nya.

"Bakit nagkapalagayan na kayo? O baka naman hindi mo talaga ako minahal,Ang dali lang sayong sabihin sa akin yan.Hwag mo naman iparamdam sa akin na ako itong nakikisawsaw ngayon.Kung may naging third party man hindi ako yon dahil sa umpisa pa lang tayo na.

Mahal mo sya?O minahal mo na sya? Bakit? Dahil-dahil kay Eunsan?Kaya ko rin gawin yon.

Mabilis nitong hinila ang braso ni Eunji palapit at hinalikan si Eunji.Sa labis na pagkagulat ay tinulak sya nito at sinampal.Ngunit sa ginawa nito ay lalo lang syang naging agresibo.Mas lalo nya itong hinapit palapit pa sa kanya at marahas na humakbang paabante.Diniin nya ang likuran nito sa pader at hinawakan ang dalawang kamay pataas sa ibabaw ng ulo at pinag-ikes hawak lang ng isa nyang kamay.Habang ang kabila nyang kamay ay marahas na nakahawak sa baba nito at pinilit na halikan ito sa labi.

Walang nagawa si Eunji.Hindi sya makagalaw sa sitwasyon nya habang pinipilit syang halikan ng binata.Nakataas ang mga kamay nyang hawak nito at nakadiin sa kanya ang matigas nitong katawan.Kahit anong pilit nyang kumawala ay walang nangyayari lalo lang syang nanghihina.Wala syang ibang nagawa kundi ang umiyak at magmakaawa.

"Xian! Parang awa mo na huwag mong gawin sa akin ito!"

"Ganito ba ginawa nya?
bulong nito sa taenga nya sa baritonong boses matapos itong halikan doon.

Marahas nitong tinanggal ang butones ng suot nyang blouse dahilan para lalong nagwala ang isip ni Eunji.

"Parang awa mo na huwag!"
nagmamakaawang turan ni Eunji dito.Ngunit tila hindi nito naririnig ang pagmamakaawa nya dahil lalo lang itong naging marahas.

"Tulong! Tulungan nyo ako!"
hingi ng saklulo ni Eunji umaasang may makakarinig sa kanya.

Gulat at naghalo ang takot,pangamba at pagkawalang pag asa si Eunji ng punitin nito ang suot nya nang mahirapan itong tanggalin ang mga butones ng blouse nya.

"Xian maawa ka huwag mong gawin sa akin ito parang awa mo na... parang awa mo na huwag!"halos paos ng pakikiusap ni Eunji dito.

Napatitig si Xian sa mukha ni Eunji at doon nya nakikita ang mga luhang dumadaloy sa pisngi nito at narinig ang pagmamakaawa.Unti-unti nyang niluwagan ang pagkakahawak dito dahilan para matulos ito sa kinatatayuan.

Nang bitawan sya ni Xian hindi nya lubos akalain na ganoon na pala kalambot ang mga tuhod nya at napaupo na lamang sya sa kinatatayuan nya.Nanginginig ang mga kamay nya maging ang mga tuhod nya. Sinubukan nyang muling ayusin ang napunit nyang damit ngunit dahil sa kawalang lakas ay hindi man lang nya magawang hawakan iyon ng maayos dahil naroon pa rin yong panginginig ng kamay nya.

Yumukod si Xian at tinukod ang isa nitong tuhod sa sahig sa harap ni Eunji para pumantay sya dito.

"mianhae"(I'm sorry).
anas ni Xian at akmang hahawakan na sana nya ito sa braso ngunit umiling-iling ito at lalong nagsusumiksik sa kinalalagyan.

"Huwag!hwag!
maawa ka,..maawa ka,.. maawa ka."
natatakot nitong turan habang yapos ang sarili na umiiyak pa rin.

"Huwag mo akong hawakan!"

Tumayo si Xian at napasabunot sa sariling buhok. Hindi malaman kung ano ang gagawin habang nakikitang umiiyak at takot si Eunji dahil sa kagagawan nya.

"Eunji sorry nabigla lang ako hindi ko sinasadya."
pag aalo ni Xian kay Eunji nang bigla na lang may kung anong sumapok sa ulo nya mula sa likuran dahilan ng muntikan na nyang pagkabuwal sa kinatatayuan nya.

"Hayop ka anong ginawa mo sa kanya?"
Galit at pasigaw na tanong nito kay Xian. Nilingon nito si Eunji at sinaklulohan.

"Eunji-ah!

Lumuhod ito sa harap ni Eunji saka hinubad ang suot nitong coat at tinakip sa katawan ng natatakot na si Eunji.

Tumayo ito na nag ngingitngit sa galit at hinarap si Xian. Sinugod nya ito at inundayan ng suntok sa mukha.Wala ng mga salitang lumabas dito kundi mga suntok at sipa ang binibigay kay Xian. Hanggang sa natumba na si Xian sa sahig ngunit hindi pa rin nya ito tinantanan.

"JC!"

sigaw ng isang lalaking kakarating lang.Lumapit ito sa kanila at inawat ang galit na galit na kaibigan.

"Tama na yan baka mapatay mo sya!"

awat nito kay JC at pilit na hinihila ito palayo kay Xian.

"Bitiwan mo ko papatayin ko ang hayop na yan!"
galit na anas ni JC na nagpupumiglas pa rin at gusto pang sumunod sa nakahandusay na si Xian.

"Tama na sa tindi ng mga suntok mo sa kanya ay baka mapatay mo nga sya!Hwag kang padalus-dalos."
ani nito sa kanya.

"Sige gawin mo lang kung anong gusto mong gawin sakin, suntukan mo pa ako."
ani Xian habang pinipilit ang sariling tumayo.Duguan ang mukha nito sanhi ng mga tinamong suntok.

"Hayop ka papatayin talaga kita.'

Imbes na matakot ay nakuha pa nitong tumawa na lalong ikinagalit ni JC dahilan para sugurin ulit nito.

Sa pagkakataon na ito ay may ilang na ring umawat sa kanya.

"Bitiwan mo ko Harry!babasagin ko lang ang pagmumukha ng hayop na yan!
nanggagalaiting bulalas ni JC sa kaibigan.Ngunit walang balak si Harry na bitiwan sya.Hinila sya nito palayo kay Xian na noon ay hinang-hina ng nakasubsob sa sahig.

Suminyas si Harry sa dalawang lalaki na itayo ang bugbog saradong si Xian.

Habang si JC ay napaamang na lang habang nakatuon sa kinaroroonan ni Eunji.Awang-awa siya sa hitsura nito.Nilapitan nya ito at dahan-dahang lumuhod sa harapan nito.

Umigting ito nang hawakan nya ito sa kamay.

"Eunji-ah,
mahinang sambit nya sa pangalan nito.

"Ako ito, si JC."
anang nya sa mahinahon na boses.

Unti-unti nitong iminulat ang mata at tiningnan ang kamay nyang ngayon ay hawak-hawak ni JC. At sa pag angat nya ng tingin mukha ni JC ang nakikita nya.Kahit nanlalabo ang paningin nya kitang-kita nya ang gwapong mukha nito.

"Natatakot ako."
umiiyak na anas ni Eunji.

Bakas sa mukha ni JC ang awa sa kaharap.Niyakap nya ito at pinapatahan.

"Wag ka ng matakot nandito na ako kaya tahan na.Simula ngayon hindi ko na hahayaan na may hindi magandang mangyari sayo."







ONE NIGHT STAND (UPDATE-ng)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon