ONS-"no choice"

671 19 0
                                    

Nagkukumahog na pumasok agad ng bahay si JC pagdating na pagdating nito. Agad itong dumiritso sa mini bar at kumuha ng isang boteng alak at tinungga ito.

Halos nangalahating bote na sya bago ito tumigil sa paglagok.

"Young Master ok lang po ba kayo.?
Nag alalang tanong ng may kaedaran ng lalaki.

Ito ang nagbabantay at naglilinis ng bahay nya dito sa Busan.Binata pa rin at wala ng balak pang mag asawa mula ng kinuha nya ito bilang care take care ng bahay.

Umiling iling lang sya.Hindi nya kayang bigkasin dito ang dahilan kung bakit parang ramdam nyang may mga bumabara sa kanyang lalamunan.Pakiramdam nya kasi namamaga any lalamunan nya at parang hindi nadudurog ang mga kinakain nyang inihaw na atay.

"Haist kung bakit ba kasi kumain pa ako non."

Bulong ni JC sa sarili at muli na naman nyang tinungga ang natitirang alak sa bote.

Samantala,hindi rin mawala sa isip ni Eunji si JC.Napapansin kasi nito kanina na parang napipilitan lang itong kainin ang inihaw na atay.Pero hindi nito gusto ang pagkain bakit kinain pa rin nya?

----

"Maraming salamat po sa pagkain."
Anas ni JC.

Walang anuman talagang niluto ko talaga yon para sayo.
Turan naman ng ina ni JC.

Sige aalis muna ako pero babalik din ako agad.
Paalam nito.

Hindi na sya nito hinintay na magsalita at tinungo na ang pinto palabas.

Pagkabukas nito ng pinto ay bumungad dito ang ina.Nasurprisa din ito ng makita sya.

"Nabalitaan ko ang nangyari kaya pumunta ako dito.Sya nga pala may dala akong Pizza alam ko kasing paborito mo ito.
Narinig nyang turan ng bagong dating.

"Naku mukhang hindi nya na makain yan ngayon marami-rami rin kasi syang nakain sa dinala kung inihaw na atay ng baboy.
Anang ina naman ni Eunji.

"A-atay ng Baboy?
Ulit ng ina nito.

"Pero hindi sya---
Hinawakan nito ang braso ng ina at sandali itong nagtinginan.Muli sya nitong sinulyapan bago tuluyang umalis.

"Kahit itong banana milk nalang ang inumin mo,!
Pahabol pa ng ina.Ngunit hindi na ito nag abala pang lumingon.

---

Sinubukan ni Eunji na tawagan ito sa personal number ngunit hindi nito sinasagot.She try again for the second time but he didn't answer the phone call.

"Ma, may pupuntahan lang ako ikaw muna bahala kay Eunsan."paalam ni Eunji sa ina at lumabas na bitbit ang paper bag na may laman na pizza.

ONE NIGHT STAND (UPDATE-ng)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon