ONS -"For The Most Part"

453 13 3
                                    

                     CHAPTER 56



          Simula nong insidente ay hindi na rin nagpakita si Xian kay Eunji.Akala nya ay tatahimik na rin ang buhay nila dahil pati si JC ay hindi na rin nagparamdam sa kanilang mag ina. Ngunit ang totoo ay maingat pa rin si Eunji lalo na kapag nasa labas siya ng tahanan nila pakiramdam kasi nya may mga nagmamasid sa kanya mula sa malayo. Iniisip nyang baka isa ito sa mga reporter na gusto lang makakuha ng scop kaya naman hanggat maaari ay umiiwas na sya.

      Tulad na lang  ng nagdaang araw, may lumapit sa kanyang isang babae at nagpakilala na isang reporter.Kahit na hindi nya ito pinaunlakan ay patuloy pa rin ito sa pagtatanong sa kanya. At isa sa mga tinanong nito ay kong ano ang reaksyon nya sa napabalitang pagpapakasal umano ni Jeon Jhon Carlo kay Sammi Koo,matapos ma involved ang pangalan nya sa binata ay mahalagang malaman din daw ng publiko kung ano ang masasabi nya lalo pa at nagkaroon sila ng anak nito.
At ang tanging naisagot nya ay wala naman daw syang pakialam kung sino o kanino papakasal ang binata dahil maliban sa aksidente lang na nagkaroon sila ng anak ay wala naman silang relasyon ng binata.

        Pero ang totoo sumasakit ang puso nya nang sinabi nya iyon sa nagpakilalang reporter dahil salungat sa mga sinasabi nya kung ano talaga ang nararamdaman nya. Pero ang huling tanong nito ang kinagulat nya at nagpatayo ng mga balahibo nya."Kung totoong wala ngang namagitan sa inyo ano ang meron sa likod ng mga larawang ito?"

See the image:

" Alam mo naman siguro na hindi basta ordinaryong tao si Jeon JC kaya halos lahat ng galaw nya ay may mga matang nakatuon sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


" Alam mo naman siguro na hindi basta ordinaryong tao si Jeon JC kaya halos lahat ng galaw nya ay may mga matang nakatuon sa kanya.Miss Lee kong handa ka ng magsalita tawagan mo lang ako sa number na ito."
Nakatitig lang noon si Eunji sa calling card na inabot sa kanya ng nagpakilalang reporter.

       At ngayon hindi na rin nya alam kong ano ang gagawin matapos nyang narinig mula sa enterview ni JC kahapon na inamin nitong wala silang relasyon.

"Sumasakit ang ulo ko pakiramdam ko hihimatayin ako sa sobrang hilo."
ani Eunji sa sarili habang pinipisil pisil ang sariling sentido.

        Matapos magpunas ng mga lamesa ay minabuti nyang umupo muna sa isang mahabang upuang kahoy sa labas ng tindahan. Nang mapansin nyang may ilang minuto na rin pala syang nakaupo don ay pumasok na sya sa loob ng tindahan.

        Ilalabas na sana nya ang mga nakaplastic na basura nang dumating ang anak nya kasama ang kapitbahay nila.Nagpaalam ito kanina na ipapasyal muna ang anak nya sa tinutuluyan nito para naman malibang din daw ito dahil may pamangkin din itong kaedad lang din ni Eunsan.Hindi na rin naman iba ang turing nya dito kaya nagtiwala na rin  sya.Naniningil kasi ang mama nya ng mga pautang kaya sya lang ang naiwan sa maliit nitong  binuksan na kainan.Hindi rin nya masyadong mababantayan si Eunsan kung may mga costumers na na pumapasok kaya pumayag na sya.

ONE NIGHT STAND (UPDATE-ng)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon