ONS -"Four Bangtan"

484 14 4
                                    


                       CHAPTER 58

       Lumabas si Jhonson para tawagin ang doktor na nag assist kay Eunji.Nagpupumilit na kasi itong umuwi.Ang akala nya ay nagpaiwan si Yohan sa loob pero sumunod pala ito sa kanya.

" Paano mo sya nakilala?"
tanong ni Yohan sa kanya.

Jhonson sighs.
"Diba sinabi ko na sayo kanina sa phone?"

"No.Wala kang sinabi."
malinawng sagot nito.

"Hey we talk later ok? For now kailangan ko munang kausapin ang doktor at itatanong na rin kung pwede na ba syang umuwi.She is my responsibility."
ani Jhonson at tumalikod na kay Yohan,nang may sinabi ito na nagpatigil sa kanyang humakbang.

"I know her.Kilala ko sya!"

Jhonson smirk on him.
"Kilala mo sya pero sya hindi ka kilala?"

"Seryoso ka? Sa tingin ko kanina first time ka rin nyang nakita.Dont tell me---Ani aniyo (No no)
putol ni Yohan.

"Si JC.
usal ni Yohan.

"Mwo?"
kunot nuong turan ni Jhonson.Ang totoo nalilito rin sya kay Yohan.

"And now you mention JC? Mag usap nalang tayo mamaya kasi sa totoo lang kanina pa ako dito eh gusto ko na rin magpahinga."
ani Jhonson sabay talikod sa kanya.

Nang makitang papalapit rin pala ang doktor na tumingin kay Eunji.

"Doc!"
tawag pansin ni Jhonson sa doktor.

"Mr Kim.

"Pwede na bang makauwi ang pasyente sa room 405?"
tanong ni Jhonson.

"Pwde naman. Wala naman naging pinsala sa kanya,dala lang ng pagbubuntis stress at pagod kaya nahimatay sya."
ani ng doktor.

"Buntis sya?"
sabat ni Yohan na dahilan para mapalingon sila dito.

Nagpalipat lipat ang tingin ng doktor sa kanilang dalawa.Maging si Jhonson din ay nangunot na ang nuo.Nagtataka na sya sa reaksyon ng kaibigan.

"Kilala mo ang pasyente sa room 405?"
tanong ng doktor kay Yohan.

"Yes!
sagot nito.Pero agad din nitong binawa kaya napailing na lang din ang doktor.

"Gusto ko man syang puntahan pero kailangan ako ngayon sa operating room.Magpaassist na lang kayo sa nurse. Mas mainam na may mag assist sana sa kanya na kamag anak nya para hindi mailang ang pasyente lalo pa sa kalagayan nya.
Paano naiwan ko muna kayo."
anas nito.

"Sige po doc."

Tinapunan ng masamang tingin ni Jhonson si Yohan.

"Kilala mo ba talaga sya? Sino sya?"
curious nyang tanong.

"Si Eunji Lee,at sa tingin ko kay JC ang batang dinadala nya ngayon.
mahinang pahayag ni Yohan.

Hindi agad nakapagsalita si Jhonson.Nakamaang lang itong nakatitig kay Yohan.

Hanggang sa humalahak na lang itong bigla at pinagsusuntok ng mahina sa braso ang kaibigan.

"Alam mo muntik na akong napaniwala sa biro mong yan ah.
natatawa pa rin na anas ni Jhonson.

ONE NIGHT STAND (UPDATE-ng)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon