Ilang beses akong kumurap sa harap ng salamin. Kinabog ng kaba ang aking dibdib sa aking nakita. Bakit nakikita ko ang exact eye color ng pinuno ng tribe, sa aking mga mata? Sa ilang beses na pagsara ng aking mga talukap, hindi ko mabilang kung ilang beses ngunit hindi pa rin natatanggal ang kulay ng buwan sa mga pinto ng aking kaluluwa.
Nagpatuloy ang matinding pagkabog ng aking puso, napuno ito ng magkahalong takot, kaba at curiosity. Puno ng tanong ang aking utak. Sa huling pagkakataon, kumurap ako at marahang kinusot ang aking mga mata, hoping that I just saw those eyes kasi bagong gising pa lang ako. Sa muling pagtatama ng mata ko sa salamin, tila hangin sa bilis na muli kong namasdan ang aking mga normal na mata. Nakahinga ako ng maayos.
In the middle of my relief, nadako ang focus ko sa mga kulay ube na pasa sa aking balikat na lumilinya hanggang sa dulo ng aking spine. If it was a really a dream, why do I have these bruises? Naputol ang mga rumaragasang agos ng tanong sa aking utak dahil sa pangmalakasang pagtawag ni Jane na animo'y reporter sa pagbato ng tanong.
"Vera, ano? Buhay prinsesa. Remember, hindi tayo dugong bughaw. Kapag hindi tayo nagtrabaho wala tayong kakainin at tiyak na pupulutin tayo sa kangkungan. Tara na at malalate na tayo."
"Oo, ito na." sigaw ko pabalik kay Jane. Bahala na, saka ko na lang ulit iisipin kung saan nanggaling ang mga pasa sa aking likuran.
Dali-dali akong naligo at nagbihis. I just picked a random business attire. I am not a kind of girl that likes dresses, so all my attires look the same. Jumpsuits, coats, and slacks build my wardrobe. After picking a nude color coat and pairing it with a white high waist trousers, I just grabbed my boots. I wrapped my hair in a bun and put some blush in my pale face. I finished it with a red lipstick. Then, I carried my bag and decided to run away from the bathroom.
Pagkalabas na pagkalabas ko palang ng banyo, sinalubong agad ako ni Jane. Hindi na siya nag-aksaya ng oras, binanatan niya agad ako ng talak.
"Vera, what took you so long? Hindi pa ba sapat ang mga monologue ko kanina? Dahil late na tayo, sa kotse ka na magbreakfast. Thank you because we only have 15 minutes before tayo malate. Okay lang talaga ako. Wala lang sa akin kung late ka. Wala lang talaga." sarkastikong sambit ni Jane habang nagmamadaling pumasok sa kotse. Gusto ko pa sanang sumagot sa kanya but I realized that in this moment, I just need to follow her instruction para hindi na mas lalong mag-init ang kanyang ulo.
Don't get me wrong. These kinds of events are perfectly normal. I knew Jane for years and I am living with her since the moment I move here in Manila. I met her when I applied to my current work. Jane is a simple woman and currently on her early thirties. Hindi nagkakalayo ang edad namin because, next year, I will turn thirty. This is the reason siguro kung bakit magkasundong magkasundo kami. Her eyes are partially squinty. Hindi masyadong chinita, pero mababakas mo ang Chinese blood na dumadaloy sa dugo niya. She is pretty. We are sisters at kabisado ko na ang ugali niya. Tumatahimik at sumusunod ako agad sa kanya when she looked annoyed, katulad kanina, kaya I kept myself silent when she is driving towards our office.
Mabilis na nagdrive si Jane patungong Bonifacio Global City kung saan nagtatrabaho kami bilang mga developmental and substantive editor sa isang publishing company, ang The Unified Literature.
"Vera, go ahead, I will just park the car. See you, upstairs." sambit ni Jane. Mabilis akong lumabas ng kotse at patakbong tinungo ang building. Our company was located at the seventh floor. Agad akong sumampa sa elevator and when I reached the 7th floor, pagbukas na pagbukas palang ng elevator, tumambad sa akin si Angelo, ang writer ng story na ineedit ko. He is a young man, in his mid-twenties. He looks nerdy and he dress like a writer in a middle of a crisis, if you know what I mean? Haggard na haggard ang lalaki at mukhang hindi nakatulog ng ilang araw.
BINABASA MO ANG
The Woman, The Dreams and The Moon
FantasyIt all started with the woman, named Vera and her dreams. Then, the secrets that lies beyond the beauty of the moon. Come and see, The Woman, The Dreams and The Moon on their full beauty and splendor.