Folder

535 28 5
                                    


Rita's POV






"In... "











Mabilis akong tumayo at tumungo sa office ni Ken.















Kinakabahan akong nakatayo sa labas  ng pinto nito.
















Pagpasok ko ng office nito, halatang inip siyang nakatingin sa akin.









"Locked the door. " sabi nito.









Sinunod ko ito.






Naiilang akong lumapit sa desk ni Ken.

















"Nasaan yung report?" tanong nito.







"A-ano pong report? Yung----"












"Yung pinasa mo last week! Bakit? May ibang report pa ba akong pinagawa hah?" inis na tanong nito.









"Bi-binigay ko na sayo last week.. " sabi ko dito.








Ibinagsak nito ang mga kamay niya sa desk.









"hanapin mo. " inis na sabi nito














Sa dami ng folders sa table nito at sa nipis ng report na yun, hindi ko alam kung mahahanap ko iyon.









"Ano pang tinatanga-tanga mo diyan??"










Mabilis kong iniisa-isa ang mga folders.. Tulad ng dati, puno ng kaba ang nararamdaman ko.. Ilang akong nag aayos ng mga folders habang nakatingin ito sa akin. Tingin ng may pagnanasa.










Nanlamig ako ng hawakan niya ang kamay ko.















"Ken." kinakabahang sabi ko.












"Oh, kinakabahan ka yata? " natatawang sabi nito.






Iniwas ko ang kamay ko at dumako ako sa mga folders sa gilid.. Nagbabakasakali na mahanap ito doon.













Natataranta akong naghahanap ng folder ng maramdaman kong tumayo ito sa kinauupuan.


















Napapikit ako.






















Napadilat ako ng marinig kong nag ring ang telepono nito.











"Tsk."









"Marketing, Good morning. "












"Ngayon na?"










"Fine!! Give me 5 minutes." sabi nito at ibinagsak ang telepono.




















"Tigil mo na yan at lumabas ka na ng office ko.. Simpleng folder lang, hindi mo mahanap.. Tsss. May meeting ako sa conference. " sabi nito sabay kuha ng files sa gilid nito. Tiningnan ko siyang papalabas ng office niya. Doon ko napansin yung folder na pinapahanap niya! Dala dala na niya! Gago talaga. Pinahirapan lang ako!!!





















Remorseless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon