Rita's POV
Para akong tangang nagtutupi ng damit habang umiiyak.. Saglit akong tumayo para lakasan yung aircon ng kwarto ko.
"Ano ka ba Rita. Muntik mo pang makalimutan kung bakit mo to ginagawa lahat.. Syempre bahay niya yun.. Bakit pa ako nagulat na may makitang babae dun eh diba sanay na ako.. " kinakausap ko yung sarili ko.
"Bakit ang bilis bilis mong bumigay sa mga gestures niya na yun.. Alam mo naman na walang totoo doon. Minsan ka ng niloko, magpapaloko ka ulet. Tanga ka talagaa.." kung may nakarinig sa akin, iisiping baliw na ako.. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko pero tuloy parin sa pag-agos.
Mabilis kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Lolo..
Ken's POV
MONDAY ngayon pero malapit ng mag lunch break, wala parin si Rita.. Kanina pa ako pabalik balik sa tapat ng office nito pero nakasarado parin..
Gustuhin ko mang tanungin kay Mich kung papasok ba si Rita pero hindi ko magawa.. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng hiya..
Si Pam, isa lang siya sa mga naging babae ko.. Pero ito yung pinakamatigas sa lahat. Mula ng surpresa siyang pumunta sa bahay kahapon, pina banned ko na siya na makapasok sa buong village at sa building na ito..
Kinakarma na siguro ako sa lahat ng nagawa ko kay Rita..
Napayuko ako at pinagpatuloy ko na lang ang mga reports na dapat tapusin.
--
Umabot ng Friday. Hindi parin pumapasok si Rita... Pinuntahan ko ang mga staffs ko para iabot ang ilang files na dapat nilang i-encode.. Napansin kong nagbukas na pala ang office ni Rita..Pumasok na siya!
Inantay ko ang 1pm bago ko siya tawagan..
Nagtataka ako kung bakit walang sumasagot sa telepono.. Sinilip ko ang pinto nito pero sarado na. Mabilis akong tumawag sa receptionist kung umalis na ba si Rita.
"Hello, Lara! Umuwi na ba si Rita? "
"Hindi pa po Sir."
Kumunot ang noo ko.
Naka ilang dial na ako pero wala talagang sumasagot hanggang hindi na ito nagriring..
Bakit kaya?
Lumabas ako at tumungo sa harap ng pinto ni Rita. Nakasarado parin ito.. Akmang kakatok ako ng dumaan si Mrs. Layao.
"I think, ka meeting ni Rita si Mr. Kiel. "sabi nito
Eh andiyan naman pala siya sa loob eh. Bakit walang sumasagot sa telepono?
BINABASA MO ANG
Remorseless Love
FanfictionNakatali ako sa makapal na kadenang bakal, Mahigpit, masakit ang pagkakasakal 💔 -Rita.