Ken's POV
"Anong oras na, dito ka ba matutulog? " tanong ni Tristan sa akin.
"Ako lang tinatanong mo? Bakit itong si Dammas ayaw mong tanungin? Paalisin mo na din.
"Baka hinahanap ka na ng asawa mo. " sabi ni Dammas sa akin.
"Sus. "
"Kailan mo ba kami bibigyan ng inaanak? " tanong ni Tristan.
"Gago. "
"Bakit? Ilang years na kayong kasal ah, wala pa din ba?? "
"Hinding hindi ko siya bibigyan ng anak! At hindi ako magkakaanak sa kanya! " galit na sigaw ko.
"Relax.. Eh bakit naman? "
"Hindi ko mahal si Rita. Alam niyo yan. Kaya saan nanggagaling mga tanong niyo ngayon? "
"Eh bakit hanggang ngayon, di mo parin hinihiwalayan? " tanong ni Dammas.
"Hindi. Hindi pa pwede. "
"Dahil? "
"Hindi pa pwede dahil hindi ko pa nakukuha ang posisyon ni Dad sa company. Bwisit nga eh, ginawa ko naman na yung sinabi niya na pakasalan ang isa sa Castillan pero hanggang ngayon, hindi parin ako ginagawang CEO ni Dad. "
"Wala akong naiisip na idea kung bakit hanggang ngayon, kinukulong mo parin si Rita sa buhay mo. Like, Ken! Aanhin mo ba yung posisyon ng kumpanya? Hah? Eh diba wala ka namang pinaghahandaang future? Ikaw na nga nagsabi na ayaw mong magkaanak sa kanya?" sabi ni Dammas.
"Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa ibang buhay hah?? " inis na sabi ko.
"In hospital, we saved many lives." sabi nito.
Gago.
"Alam mo, palayain mo na si Rita. Mas magiging maayos ang buhay niya na wala siya sa puder mo. "
"Umamin ka nga, may gusto ko ba sa asawa ko?? " gigil na sabi ko .
"Concern lang ako kay Rita. Alam mo naman na isa ako sa naging sandigan mo nung panahong muntik mo ng mapatay si Rita. Humingi ka ng tulong sa Hospital ko. At tinago natin yun. Walang balitang nakalabas mula sa hospital regarding sa nangyari kay Rita. Isang buwan sa hospital si Rita nun at isang buwan nagpagaling sa bahay. Binigyan kita ng private nurses nun. Tapos pinalabas mo sa kumpanya na nasa bakasyon kayo? Tangina Ken Chan. Ayoko ng maulit iyon. "
"Naduduwag ka na ba hah? Bakit nung highschool tayo? Sanay ka sa kalokohan? " tanong ko dito.
"Magkaiba yun Ken. Ito, buhay na ng isang tao yung pinag uusapan. I hope hindi mo na naulit yung pambubugbog mo kay Rita.." sabi nito.
"Uuwi na ako. " seryosong sabi ko.
"Bakit ba hindi mo kayang mahalin si Rita? "
BINABASA MO ANG
Remorseless Love
FanfictionNakatali ako sa makapal na kadenang bakal, Mahigpit, masakit ang pagkakasakal 💔 -Rita.