Sakal

1.2K 44 24
                                    

Rita's POV



"KINAKABAHAN AKOOOOO!" sigaw ni Mich habang nasa loob kami ng room niya dito sa hotel.




"Ano ka ba! This is your day! Dapat kalma ka lang kasi magiging Mrs. Lim ka na! "



"Sure ka Rita hah? Nasa kabilang room na si Dammas! Pag ako talaga hindi niya sinipot sa kasal!! Ay naku!! "




"Naku, wag ka mag isip ng ganun.. Wag mo naman ipahalata na patay na patay ka sa kanya!! "




Natawa ito at inayos ang gown niya..




"Akala ko hindi na to mangyayari sa buhay ko.. " medyo umiiyak na sabi ni Mich.





"Hoy! Pinapahirapan mo talaga yung makeup artist mo hah! Wag ka na nga umiyak! "



"Kasi naman, alam mo bang nung kisakasal ka kay Ken nun, pinapangarap ko na ring ikasal sa taong mahal ko.. Pero nung nasaksihan ko yung naging hirap mo noon, sabi ko sa sarili ko hindi na ako magmamahal ng lalaki.. Kasi baka saktan lang din ako pero iba si Lord.. Iba siya magbigay!! "




"Teka Mich hah, pinapractice mo ba sa harap ko yung wedding vows mo? " naguguluhang tanong ko dito.





"Medyo.. "






Pinisil ko sa pisngi si Mich at pinakalma ito..








Ken's POV


"Brad, bakit parang hindi ka kinakabahan? Chill ka lang talaga?" tanong ko kay Dammas.




"Kinakabahan ako pero di ko lang pinapahalata.. Hinaan mo yung boses mo, baka marinig ka ng makeup artist.. "




Napatingin ako sa makeup artists na babae.




"Loko ka Dammas, ikakasal ka na nga, mambababae ka pa talaga? Gusto mo bang isumbong kita kay Mich? "




"Grabe naman Brad. Nambabae agad? Hindi ba pwedeng iniisip ko lang yung sasabihin ng makeup artist na yan pag nalaman niyang kinakabahan ako.. Ang gwapo gwapo ko tapos kakabahan ako? "





"Ewan ko sayo Dammas! Diyan ka na nga! "









Lumabas ako ng room ni Dammas.





Sakto ang paglabas din ni Rita sa room ni Mich.






Mabilis kong kinuha ang kamay ni Rita.








"Kinakabahan si Dammas. "





"Actually pati si Mich. Hahaha.. "




"Sobrang masaya ako para kay Dammas. Finally,  napatino din siya ng isang babae."




"Mahal na mahal yan ni Mich eh. "





"Bakit ba kayong mga babae, patay na patay kayo sa lalaki? "



"Hoy! OA! Hindi lahat ng babae ay patay na patay sa mga lalaki! Meron ibang kahit saksakan ng kagwapuhan yung kaharap nila, wala silang pakialam.. May mga babae paring matigas ang puso.. "




"Alam ko na kung bakit hindi yun nafa-fall dun sa saksakan ng kagwapuhan!! "






"Bakit? "





"It's either, malabo ang mata niya or bulag siya! " biro nito at mabilis ko siyang pinisil sa kamay.






"Ken Chan! Puro ka kalokohan!!!!! "









"Atleast! Ang swerte ko! Kasi yung babaeng napunta sa akin, napakalinaw ng mata!!"








Mas lalong hinigpitan ni Ken ang pagkakayakap sa akin..















Hindi man naging maayos ang simula ng aming kwento, humantong parin kami sa puntong ito ng aming buhay.. Ang sarap palang makulong, ang sarap masakal. Makulong sa mga yakap ng taong mahal ko at masakal ng nag uumapaw na saya at pagmamahal dito sa puso ko ❤






















End.






💋

NAKAKAIYAK! Salamat sa mga sumuporta sa kwentong ito. Sa mga nakisabay sa pag-iyak at awa sa karakter ni Rita. Sa mga nagalit at nainis sa karakter ni Ken. Sana kahit papaano ay nakaramdam din kayo ng kilig at saya hanggang sa matapos itong isorya.



Ito yung isa sa hindi ko makakalimutang story na sinulat ko. Ang dami kong emosyong nailabas dito lalo na nung sinusulat ko ito.. Ang dami kong narealize, may mga natutunan, may mga "Ay oo nga"  "Ay teka lang? " "Ay bakit ganoon" . Hehe.


Abangan ang aking next story. Doon muna ako sa light & fun para mahimasmasan dahil dito. Charrot. Hanggang sa susunod na istorya! Salamat! -Author

4.12.2020

Remorseless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon