Rita'sPOVNEW YEARS EVE. kasabay naming magcecelebrate si Mommy Lou, ang mom ni Ken. Andito kami sa dati naming bahay..
"Naku Mommy! Ang sarap niyo po pala magluto! Sakto, mukhang madami po akong ipapaturo ! " sabi ko dito.
"Naku Iha, sure! Kahit anong putahe pa yan! "
"Naku Mommy, alam mo bang masarap ang kaldereta ni Rita! Lahat ng mga kaibigan ko, nagayuma ng pagkain na yun! Ayun ang binabalikan dito !"
"Kasi po si Ken, Spam lang po at Omelette lang ang kayang iluto! " pagsusumbong ko dito..
"Oy, namiss mo siguro yung spam at omelette ko no?? " inirapan ko ito.
"Naku, iha.. Maiwan ko muna kayo dito sa bahay, may prutas pa akong nakalimutan bilhin! "
--
"Anong tingin mo sa akin? Hindi marunong maglaro ng scrabble? Aba, sa lahat ng board games, dito ako pinakamagaling!! " sabi ko dito at umiling siya"Hindi mo ako matatalo. Pustahan! "
"Wag mo akong subukan Ken Chan! "
"Diba Ken, nabanggit mo na promoted ka na bilang Marketing Manager sa Australia? Ibig sabibin ba nun, babalik ka pa doon? "
Umiling ito.
"Nag resigned ako. "
"Sayang yung opportunity.. " malungkot na sabi ko.
"Yes. Tama ka. Sayang yung opportunity. Pero hindi ako nahirapan mag decide. Alam mo kung bakit? Kasi inisip ko na lang na pag nagtagal pa ako ng Australia, baka ikamatay ko. "
Nahampas ko siya sa last niyang sinabi.
"Hoy! Anong ikamamatay? "
"Syempre, pag nagtagal pa ako ng Australia, mamatay ako dun. Naiwan ko kaya dito sa Pilipinas yung Puso ko!! " banat nito..
Bumabanat yung Ken Chan!!! Aba!
"Infairness, napakilig mo ako sa banat na yun hah! "
"Sabi ko naman sayo eh, isang banat pa lang yun hah! "
"So anong balak mo dito? "
"To live a simple life with you."
Nanggigilid na yata yung mga luha ko.
"And to start a growing family! Alam mo bang apat ang gusto kong maging anak? "
"Hoy Ken Chan! Nakakaloka yung apat.. "
"Hindi ko naman sinabi na apat sayo, isa sayo, isa dun sa ----" hindi na niya natuloy yung sinabi niya ng halikan ko siya.
"Subukan mo lang mag anak sa iba, puputulin ko yang pagkalalaki mo! "
"Syempre, hindi ko yun gagawin.. Sayo lang ako! " sabi nito at muli niyang nilapat ang mga labi niya sa labi ko hanggang sa mas lumalim ang bawat halikan..
BINABASA MO ANG
Remorseless Love
FanfictionNakatali ako sa makapal na kadenang bakal, Mahigpit, masakit ang pagkakasakal 💔 -Rita.