What

573 38 17
                                    

Rita's POV








LUMIPAS ang isang buwan, ganoon parin ang set up namin ni Ken. Madalas na kaming magkasama nito lalo na't may ginagawa kaming presentation para sa Singaporean Investors. Actually, presentation lang ito ni Ken. Tinutulungan ko lang siya..

During breaktime, lagi kaming nag lalunch out para sa pagtapos ng presentation. Hands on talaga si Ken dito..













Napatingin ako sa orasan. 11pm na.













"Ken? Matulog ka na kaya? "





















"Tinatapos ko pa tong last page. Malapit naman na."











"Ako na tatapos niyan. Matulog kana. Maaga pa ang gising mo bukas. " sabi ko dito.












"Thank you." sabi nito at hinalikan ko siya sa labi.













Ako na ang tumapos ng presentation niya para bukas...
























Ken's POV








ITO ANG ARAW NA PINAKAHIHINTAY  KO. Ngayon gaganapin ang presentation for our Singaporean Investors.. Ngayon ko mapapatunayan kay Dad na kaya ko.  Na deserving ako sa position niya.







"Congratulations Mr. Ken! " bati ng ilang board members.










"Son. Good Job! You closed the deal! " sabi ni Dad at ngumiti ako.









"Congratulations Ken! " bati ni Mr. Castillan.









Pagpasok ko sa training room kung nasaan sila Dammas at Tristan..









"Brad! Congrats! Ang ganda ng presentation mo! " sabi ni Dammas.











"Ako pa ba? Kayo lang naman tong walang bilib sa akin eh! " sabi ko dito.








"So saan ang celebration niyo ni Rita niyan mamaya?" tanong ni Tristan. Nawala yung kaninang ngiti ko.










"Bakit naman kami mag cecelebrate? " tanong ko sa kanila.










"Pre? Sabi ko na nga ba! Hindi totoo yang pinapakita mo kay Rita! " sabi ni Dammas.












"Anong akala niyo sa akin? Tanga? Hindi ba obvious na ginamit ko lang siya. Napakinabangan ko pa yung galing niya. Madami siyang naambag  sa presentation ko. " sabi ko. Nagulat ako ng suntukin ako ni Dammas.













"Gago ka talaga Ken! Hayop! " sigaw nito.










"Ano ba!"










"Kailan ka ba magkakaroon ng puso hah!! "









Napatayo ako at napahawak sa sugat ko sa labi.










"Umalis kayo sa kumpanya ko! " sigaw ko.














"Ken, teka lang naman--" hindi ko na pinatapos pa na magsalita si Tristan.











Remorseless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon