Ano

515 36 15
                                    


Rita's POV









PAGPASOK ko sa kwarto, nagulat ako ng makita kong nakatumba na yung side table..







"Anong nangyari? " tanong ko kila Dammas.








"Ang likot kasi niyang asawa mo. Sinipa ba naman yung side table."











"Sige na, ako na bahala kay Ken. " sabi ko sa kanila.









"Sigurado ka? " tanong ni Dammas.











"Oo.. Pwede na kayong umuwi."








Naiwan akong nakatingin sa nakapikit na si Ken..






"Alak na naman? Kailan ka ba iiwas diyan.." sabi ko dito pero syempre hindi nito naririnig..







Pinunasan ko yung mukha niya ng maligamgam na tubig..








"Paano kita iiwan? Kung di mo kayang alagaan yang sarili mo." bulong ko kay Ken at medyo naiiyak ako.








Tumigil ako sa pagpunas sa mukha niya ng hawakan niya yung kamay ko.










"dito ka lang. " rinig kong sabi ni Ken.















Hindi ko alam kung gawa ng kalasingan niya kung bakit niya nasabi iyon..










Kumuha ako ng pampalit ng damit nito.








"Ken, bibihisan kita. Wag kang magpabigat. "sabi ko dito pero no response parin. Dali dali kong hinubad yung damit niya ng medyo tumagilid ito..









At ng mabihisan ko na siya, inayos ko yung pagkakahiga niya sa kama..

























Kinabukasan












Ken's POV








F*ck!








Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng kirot..









Mukhang napadami ang nainom ko kagabi..











6am pa pala..












Bumalik ako sa pagtulog at padapang humiga sa kama..









Idinilat ko ang isang mata ko at napatingin sa suot ko.









Bakit ako naka sando?









Napatayo ako at lumabas ng kwarto.












Mabilis akong tumungo sa kusina dahil napansin kong may magpiprito dito.













Rita?












Umuwi na pala ito.












"Oh, bakit bumalik ka pa? " sabi ko dito pero hindi ito sumagot. Pinagpatuloy lang niya ang pagpiprito ng itlog.









Remorseless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon