Ako

530 30 4
                                    

Rita's POV





"Bakit ba dito kana nag gigig? " tanong ko kay Mich habang nakatingin sa isang performer na kumakanta sa stage.













"Lumipat ako dito kasi mas malapit lang sa office. Oh diba, after duty diretso na agad dito. " sabi ni Mich.











"Halatang tense siya." sabi ko habang nakatitig sa alak na kaharap ko.












"Rita, usap-usapan na kanina sa Department yung secret marriage niyo ni Ken.. "
















Natawa ako.












"Kung nakita mo lang yung reactions ng mukha niya. Sasabog na sa galit.. Muntik pa nga yatang sabibin kay Lolo na hindi na ako nakatira sa bahay niya. Huh. Takot din."












"Dapat inamin mo na? Or bakit di siya nagsumbong? "












"Kapag ginawa niya yun, parang ginisa na rin niya ang sarili niya sa sarili niyang mantika.. Huh. And what if sabihin niya yun, so magtatanong si Lolo sa akin. Syempre sasabihin ko ang lahat. Lahat lahat. Makukulong siya. " sabi ko sabay inom ng alak..













"Hmm, Rita, sigurado ka na ba sa plano mo? Mas ok na siguro yung sabihin mo na lang kay Lolo ang totoo. Para makulong na si Ken.."









"Hindi. Hindi sapat ang kulong sa lahat ng ginawa niya. Masyadong mabilis kapag nakulong siya. Gusto kong magdusa din siya.." seryosong sabi ko..











"Pero Rita.. "














"Mich, please  .. Hayaan mo na lang ako. Wag mo muna ako pangaralan ng mga Religious tactics mo..  Hayaan mo na lang ako.. "









Magsasalita pa sana si Mich ng tawagin na siya sa stage para kumanta.


















Isang buwan. Ano nga ba ang nangyari sa akin sa loob ng isang buwan.














Tinulungan ako nila Dammas na makarecover sa sakit ng pagkawala ng anak ko... Pero yung sakit na yun, hindi na mawawala.. Nakatatak na sa puso ko iyon..








Iyon siguro yung paraan ng Universe para magising ako sa katangahan. Iyon ang paraan ng Universe para makawala sa makapal na kadenang bakal..









Hinding-hindi niya makukuha ang gugustuhin niya. Isa siyang walang kwentang tao.







Dapat niyang pagdusahan ang pagpapaikot at pananakit sa akin o sa kahit na sinong tao.











He's a devil, an evil, a demon.















Tipsy na akong nakauwi sa bago kong unit.. Mabilis kong tinapon ang bag ko sa kama at pumunta sa banyo para mag shower..













Napatingin ako sa katawan ko.










Wala na ang mga bakas ng sugat at pasa.












Remorseless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon