Buwan

621 28 13
                                    

Rita's POV






"Lara, pakitawagan ako kung dumating na si Ken. "







"Noted po ma'am! "




Napabuntong-hininga ako habang pinaglalaruan yung ballpen ko..



Ngayon kasi kukunin ni Ken yung mga personal na gamit na naiwan niya sa office. Next week, magiging pormal ng Marketing Manager si Mich. Yes. Si Mich ang napiling  bagong Marketing Manager ng Alpha'Chan..








"Good Afternoon po Ma'am Rita, paakyat na po ng elevator si Sir Ken. " sabi ni Lara..







Pagsilip ko sa pinto ng department nila, pasimple itong kumatok bago pumasok doon.. Mabilis akong pumunta sa TechRoom at sinarado ito.. Sisilipin ko lang siya sa pamamagitin ng CCTV ng office niya..




Nakatutok ang mata ko kay Ken.. May maliit na pa farewell party palang hinanda sila Jake.. Medyo naluluha ako habang nakatingin sa monitor..
Napangiti ako ng mag grouphug sila.. Kahit na may mga bad experience ang mga staffs ni Ken sa kanya, di naman maitatanggi na mamimiss din nila ang kasungitan nito..







Nang pumasok na si Ken sa office niya, nilapag nito ang isang box kung saan  ilalagay ang mga personal na gamit niya..



Nagulat ako ng may kunin itong folders.. Mga reports ko iyon na pinasa sa kanya. Naka segregate kasi yung reports namin at sa box na kulay dilaw, andodoon yung akin..


Tuluyang umagos ang mga luha sa mata ko ng makita ko kung paano yakapin ni Ken yung mga folders.. Alam ko umiiyak din ito.. Mabilis akong nag iwas ng tingin sa monitor.. Napasandal ako sa upuan.. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko..








Sabi ko na nga ba na bad decision ang panonood ko sa cctv ng mga gagawin niya eh. Ilang minuto akong nag stay sa Techroom..

Nagpasya na akong bumalik ng office.. Bago ako makarating doon, sakto ang paglabas ni Ken sa department nila , dala na nito yung box...








Saglit itong ngumiti at tuluyan ng umalis..










Hindi ako sanay. Hindi pala ako sanay na hindi niya sinusungitan..






















Mabilis akong pumasok sa office ko.








Ito. Ito yung trabahong pinili ko. Gagalingan ko para  kay Lolo. Para sa kumpanya.. Kahit na hindi ko alam kung saan pa nga ba patungo yung buhay na meron ako ngayon.










After a month, pinadala na sa akin ni Lolo ang Annulment papers... I texted Ken na magkita kami sa isang coffee shop malapit sa office.. He immediately replied naman na pupunta ito.





Kinakabahan akong nakatingin sa envelope na kinalalagyan ng mga papers..

















Ito na iyon.













"Hi. Umabot naman ako sa time no? " tanong nito at ilang akong napatango.. Umupo ito sa harap ko..













"Ito na ba yung papers? " tanong nito at kinuha niya agad.













"Hindi rin kasi ako magtatagal. May mga lalakarin pa ako.. " sabi nito habang binubuksan ang envelope..









Remorseless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon