1

152 21 0
                                    

Diretso ang tingin habang tinatalunton ni Raj ang daan papunta sa flag ceremony. Late siya nang dating dahil sa mga inasikaso kaninang madaling araw. Nagsi hintuan ang mga estudyante na mga nagmamadaling pumila nang kantahin ang Lupang hinirang, samantalang siya ay tuloy pa rin.
May mga ilan na umaagaw na ng pansin nya para patigilin sa paglalakad ngunit tila wala siyang naririnig.

Bitbit ang isang backpack na nakasampay lang sa kaliwang balikat nya habang ang kanang kamay ay may hawak na certificate of registration, dumiretso sya sa paglalakad sa gitna sa harap ng pila ng daan daang estudyante at guro upang tunguhin ang room nya para sa first subject. Iyon lang ang daan na walang taong nakaharang, mas madali niyang mahahanap ang daan.

Muli niyang sinuri ang hawak na papel. History ang first subject. Nanatili ang tingin nya roon habang naglalakad, kahit di sya nakatingin alam niyang may makakasalubong siyang isang lalaki na naka asul. Kakaiba sa mga suot ng estudyante na naka puti. Kanina pagbaba niya ng kotse may ilan siyang nakasalubong na mga may edad na lalaki at pare parehong naka asul. Sa tingin niya ay mga guro ito base sa mga laptop at aklat na dala dala.
Batid niyang kung di siya iiwas ay mag kakabanggaan sila ng guro na dama niya ang mainit na titig sa kanya kaya naman mabilis syang umiwas habang tinitignan ang next subject nya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Tigil!" sigaw nito ng makalagpas sa kanya.

Mabilis tumahimik ang lugar ng huminto sa pagkanta ng pambansang awit ang mga estudyante.

"Hindi kayo! Ikaw ang kinakausap ko, lalaki na may itim na bag!"Galit nitong sigaw na nagpaugong ng bulungan ng mga tao.

Batid niyang siya ang tinutukoy nito dahil kahit di siya lumingon sa kanya nakapako ang tingin ng lahat.

Huminto siya pero di ito nilingon.
Ilang sandali pa'y mabibilis ang hakbang nitong lumapit kasabay ang mabigat nitong paghinga dulot ng matinding galit. Ramdam niyang hahawakan nito ang balikat niya. Mabilis siyang humakbang ng isang beses at humarap. Muntik pang sumubsob sa semento ang guro habang nakataas ang kamay pantay sa balikat niya. Umugong ang tawanan at bulungan dahil sa nasaksihan. Mabilis itong umayos ng tayo upang mabawi ang nauubos na dignidad sa bastos na estudyante.

"Silence!!" Pahiyang pahiya ang namumulang guro. Bumaling ang malaking mata nitong nanlilisik sa kanya.

"At ikaw!"dinuro siya nito."Wala kang modo! Wala kang galang! Kita mona na inaawit ang pambansang awit na dapat ay hihinto ka kahit ano pang ginagawa mo bilang paggalang! Tapos diretso ka lang sa paglakad at late kana nga ang lakas pa ng loob mong sa gitna pa dumaan!"

Tahimik ang lahat tanging mabigat na paghinga lang ng guro ang maririnig. Hindi siya kumibo o nag angat man lang ng tingin.

"Itaas mo yang ulo mo at sumagot ka!"

Kaysa gumawa ng gulo ay tinalikuran niya ito upang ipagpatuloy ang naudlot na paghahanap ng room.

"Bastos ka talaga- papuntahin mo ang magulang mo ngayon din!!"

Tumigil siya at muling hinarap ito.

"Ano bang ipinuputok ng butse mo? Hindi ako tumigil kanina para gumalang? Ikaw nga nagsisigaw at pinatigil sila diba? Samantalang guro ka. Estudyante lang ako." Malamig at walang emosyon niyang turan.

Sukat sa narinig mariin itong pumikit habang hawak ang sumasakit na batok. Sandaling nawalan ng sasabihin dahil sa di inaasahang pagpapahiya. Nang dumilat ito'y mamula mula na ang mga mata.

"Anong pangalan mo?!"

"Rajin."Bagot niyang sagot.

"Full name!"

"Rajin--"tinignan niya ang apelyido sa papel na hawak. "Ledesma. Grade ten. May tanong ka pa?"

"Aba't-"

Not A Typhical GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon