Kumibot kibot ang kilay ng Panot na teacher ni Rajin sa Values habang binabasa ang ipinasa niya. Ilang ulit rin nitong inilayo at inilapit sa nakasalamin na mata ang papel. Tila hindi mapaniwalaan na ang bobong estudyante ang nagsagot ng mga nababasa.
Saktong 2:50 pm na nang ilagay niya ang pinagagawa nito sa table nito. Nagulat pa ito ng magtaas ng tingin sa kanya. Hindi inaasahang matatapos niya ang pinagagawa nito.
"Sigurado ka bang ikaw ang nagsagot nito?" Kunot ang makinis na noo nitong baling sa kanya.
"Kung maganda ang sulat hindi ako ang gumawa niyan." Confident niyang sagot. Wala rin naman siyang matandaan na kinabahan siya kahit pa nasa bingit na nang kamatayan ang buhay niya.
Matagal pa siya nitong tinitigan bago makumbinsi. "Sabagay ikaw lang naman ang nakilala kong napakapangit ng sulat. Parang may digmaan sa papel mo ngayon." Tumatango tango pa ito habang nagbabasa. Nagugustuhan ang mga binabasang sagot niya.Lihim siyang napangisi. Malaki rin ang naitulong sa kanya ni Kim. Sa palagay niya tatalino na siya kapag laging natuturuan nito. Si Kim ang magsasalba sa kanya sa pang mamaliit ng kaklase at guro niya sa mga quiz nila in the future. Kaya pagtitiyagaan niya na lang ang kaingayan nito.
"Himala at maganda yata ang mga sagot mo." Arko ang kilay na puri nito.
"Gumaling kana rin kasing magturo." Simpleng sagot niya.
"Pardon?!" Umahon ito sa kinauupuan. Napatingin na rin ang ibang guro sa faculty sa kanila. Tila naman napahiya ito sa inakto kaya muling umupo at galit na pabulong na nagsalita. "Umayos ka ng sagot Ledesma. Teacher mo pa rin ako. Rumespeto ka."
"Pinuri lang kita, anong masama sa sinabi ko?" Ganting bulong niya.
"Tonto kang bata ka. Pang iinsulto ang sinabi mo!" halos hindi bumuka ang bibig nito habang nagsasalita.
Nagkibit balikat siya at tumuwid ng tayo. "Para sakin papuri iyon, problema mo na kung mali ang intindi mo. Hindi kona kasalanan kung medyo mahina ang pang intindi mo.
"Iniinsulto mo na naman ba ako?!"
Muli na naman itong napatayo at ng makitang pinagtitinginan na sila ay sapo ang batok nitong sumalpak ulit.
"Ngayon at kanina. Oo."
"Bwisit kang anak ka ng hardinerong bata ka. Wala kang manners. Ang tagal tagal ko nang nagtuturo ng Values pero wala kang pinagkatandaan."
"Hindi ka naman kasi magaling magturo kaya hindi ko natandaan."
Isang makintab na pulang kamatis na ito sa paningin ni Rajin. Galit na galit na ito sa pagsagot niya. Para sa kanya wala siyang ginawang mali. Nasa bansang malaya siya kaya malaya niyang sabihin ang obserbasyon niya dito.
"Ang sabihin mo masyadong maliit ang utak mo para maintindihan ang turo ko." Halos mapunit na ang papel niyang hawak nito sa matinding pagpipigil ng inis.
"Hindi ako matuto dahil sa kagagawan ng amo mo."
Bahagyang nawala ang lukot ng mukha nito. Napaisip kung sino ang tinutukoy niya. Nang matanto ang ibig niyang sabihin ay nagalit na naman ito.
"Hindi ko amo si Vince!"
Bahaw siyang tumawa. "Vince na lang ngayon? Samantalang pagnakaharap Sir ang tawag? Konti na lang mukhang handa mo ng sambahin at halikan ang sapatos niya."
Nagliparan sa ere ang mga papeles nito sa mesa ng hawiin nito sa matinding pagkainsulto mula sa kanya. Tuluyang kumawala ang emosyon.
Naagaw na naman nila ang atensyon ng mga gurong kasama sa loob."Siya ang nagpapasahod sa amin! Nagbibigay ng malaking bonus! Kaya anong masama kung respetuhin namin siya?!" At nagpalusot pa ang panot.
"Hindi pagrespeto ang tawag sa ginagawa ninyo. Para kayong aso na kapag inutusan niyang tumahol ay tatahol kayo. Nakapag sinabi niyang tumalon kayo sa bangin susunod kayo."
BINABASA MO ANG
Not A Typhical Gangster
Teen FictionShe was heartless. He was heartless. Pumasok si Rajin Ledesma sa isang University para sa isang misyon. Nakilala niya ang tatlong notorious na magpipinsan. Pinaglaruan siya. Ginawang impyerno ang buhay niya sa school. Oo.Impyerno dahil kahit ga...