10

10 6 0
                                    

Humigpit ang kapit ni Kim sa balikat ni Rajin. Takot na baka mahulog dahil sa kapayatan nito. Halos magkasing tangkad rin sila pero mas malaman si Kim kaysa kay Rajin. Naalala nito ang ginawang pagtatanggol ng binata kanina. Nang suntukin nito ang locker para pagbantaan si Eliz ay natigilan na siya. Ang lakas nito. Parang nakakita siya ng isang super hero na may powers sa katauhan ni Rajin. Hindi ni Kim alam kung saan bahagi ng patpatin nitong katawan kinuha ang lakas na iyon. Pero kahit nagulat ang dalaga sa ginawa ni Rajin ay natutuwa ito. Pinagtanggol siya ni Rajin. Hindi siya pinabayaan.

Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito upang ikubli ang ngiti. Ang bango nito. Nakakaadik. Hindi masamang tao ang prince charming niya. Mabuti ito. Marahil suplado ang pinapakitang image nito sa lahat pero deep inside may malambot itong puso. Na siya lang ang nakakakita sa ngayon. Siya lang ang hinayaan nitong makakita ng side nitong iyon.

Sulit ang pakikipaglapit niya rito. Sulit ang sampal na inabot niya noon sa Cafe. Napansin na siya ng kanyang crush. At karga pa siya nito ngayon. Na parang bagong kasal sila. Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang kilig na dumadaloy sa himaymay ng pagkatao niya. Kahit anong pagsusungit pa sa future ang abutin niya mula rito, hindi niya ito lalayuan. Ipagsisiksikan niya ang sarili kay Rajin hanggang sa mahalin siya nito. Hanggang sa manligaw ito sa kanya at syempre sasagutin niya. Hanggang sa maging boyfriend niya ito. Isiping boyfriend na niya ang binata ay mas nag umapaw ang damdamin niya sa kilig. Nagawa tuloy niyang mas isiksik ang sarili sa matigas nitong dibdib.
Ang bango talaga!

"Kapag naglikot ka pa ihuhulog na talaga kita." 

Nagsusungit na naman ang Prinsipe niya kaya pumirmi na siya at hindi na naglikot pa. Nasa tono nito na hindi ito nagbibiro at baka tuluyang mabali ang buto niya kapag ibinagsak nito. Binalikan na lang niya sa alalala ang unang pagkikita nila. Ang unang pagbilis ng tibok ng puso niya, nasa unang pagkakataon ay hindi na dahil sa takot mabully, kundi dahil sa paghanga sa katapangan nito. Kahit pa noon na ipinagtulakan na ito ni Mr. Rodriguez sa pila ay magalang pa rin itong sumunod. Hindi rin ito nagpatinag kahit pa sinasaktan na nila Vince. Tinanggap nitong lahat ang mga pambubully ng mga kaklase niya. Sa totoo lang, hindi niya akalain na tatagal ito. Lalo pa at unang araw palang nito ay nakaranas na nang mga suntok. Akala niya naduduwag lang ito kaya hindi lumalaban. Pero matapang ang prinsipe niya. Nagtitimpi lang pala ito. Hanga siya sa mahabang pasensya nito ng tanggapin lang ang mga masasama at below the belt na pangungutya ng mga kaklase nila. At hindi siya nagkamali ng taong hinangaan ng sagipin siya nito kanina. Habang tinuturuan niya kasi ito sa library ay nakaramdam na siya ng cramps sa abdomen. Irregular ang menstruation niya kaya hindi niya namalayan na ngayong araw pala siya magkakaroon. Last month kasi ay hindi siya dinatnan.

Nang iwan siya ni Rajin kanina dahil ipapasa na nito ang report kay Sir Rodriguez ay agad niyang sinilip ang palda sa likuran. May malaking bahid na ng dugo roon. Lumingon si Kim sa paligid. Nag alisan na ang mga mag aaral. Tanging ang librarian na lang na abalang nagbabasa ng libro ang naiwan roon. Malayo ito at hindi mapapansin ang gagawin niya. Pasimple niyang pinihit patagilid ang palda. Dinakot at nilamukos ang may tagos at pasimpleng lumabas matapos isauli ang aklat na ginamit. Kabadong kabado siya habang bumababa ng hagdan. Nagbubutil butil ang pawis sa noo sa sobrang kaba. Huwag naman sanang may mambully sa kanya at baka mabitawan niya ang palda at makitang may tagos siya. Tiyak na lalo siyang bubully hin. Kung dati mga kaklase niya lang, baka kapag nakita ng mga ito ang dugo niya ay buong University na ang magtawa sa kanya. Magagalit na naman sa kanya ang Mama niya kapag kinaladkad niya sa kahihiyan ang apelyido nila. Ikukumpara na naman siya nito sa nag iisang kapatid niya. Ang kuya Uriel niya. Na laging magaling at perpektong anak para sa mga ito. Kahit papaano ay gusto niyang makatanggap ng recognition sa mga magulang kaya hindi na siya umangal ng ipasok siya sa Vince University nang mag high school siya. Marami raw mayayaman roon at doon siya nababagay sabi ng kanyang ina. Inutusan rin siya nitong makipaglapit sa kahit na sinong lalaking mayaman para raw may maipagyabang naman ito sa mga amiga nito na kahit hindi siya maganda ay may pumatol pa rin sa kanya. Naiinis na raw kasi ito na pagnasasali siya sa usapan ng mga ito ay nalalait siya dahil sa mga tigyawat niya na kahit anong gawin niya at gamiting sabon ay hindi na nawala. Imbes ay nadadagdagan pa. Harap harapan rin siyang ikinahihiya ng ina dahil pakiramdam daw nito lulubog ito sa kahihiyan kapag nakikita ang mga magagandang anak na babae ng mga amiga nito. Ikinahihiya siya nito kaya kahit kailan ay hindi pa siya naisama sa mga gatherings o sa tuwing anniversary ng kumpanya nila. Lagi na lang ang kuya niya ang kasama para ipagmalaki sa madla. Naiiwan siya sa bahay kasama ang mga katulong. Nalulungkot man sa trato ng ina ay ipinagsantabi niya na lang iyon. Mas pinagbuti niya ang pag aaral para kahit siguro papaano ay makaramdam siya ng pagkilala mula rito kapag ipinakita niyang kahit hindi siya maganda ay may talino naman. Ang Papa naman niya ay sunud sunuran sa kanyang Mama. Pero tuwing tatalikod ang ina niya ay yayakapin siya nito at sasabihin kung gaano siya nito kamahal. Sapat na iyon sa kanya kahit pa hindi siya nito maipagtanggol sa ina dahil ayaw nitong may pag awayan sila. Mahal na mahal nito ang ina niya at ayaw na magkasamaan sila ng loob. Kaya lang tuluyan ng nawalan siya ng kakampi ng mamatay ang ama two years ago dahil sa heart attack. Mula noon mas naging mapakla pa ang trato sa kanya ng kanyang ina. Pinagbubuhatan siya nito ng kamay kapag bumaba ang marka niya. Inaakusahan na nagbubulakbol sa klase. Pero ang totoo ay naapektuhan lang ang grado niya dahil sa mga bully, lalo na nang minsang agawin ng kaklase niya ang kanyang answer sheet noong mismong periodical test nila. Gusto kasi nitong mangopya sa kanya kaya lang malayo ang pagitan ng upuan nila. One seat apart. Mahigpit rin ang teacher nilang bantay. Akala siguro ng classmate niya ay pinagdadamutan niya lang ito nang umiling siya bilang sagot kaya hinatak nito ang papel niya. Nakitang nang bantay na nag aagawan sila ng papel kaya pinalabas siya kasama nito. Hindi na siya pwedeng mag exam. Automatic na naibagsak niya ang isang subject. Nasayang ang ilang gabi niyang pagpupuyat sa pagrereview. Ipinatawag ang Mama niya. At sa mismong harap ni Madam Principal, sinampal siya nito. Sinigaw sigawan at ipinahiya. Ilang araw rin siyang ikinulong sa kwarto. Pero kahit anong kalupitan pa ang danasin niya sa may nito ay mahal pa rin niya ang ina. Mama pa rin niya ito kahit hindi niya maramdamang anak siya nito.

Not A Typhical GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon