15

13 6 0
                                    

"Bakit?" Nakapagitan ang cellphone sa tainga at kanang balikat ni Rajin habang kausap si Ricardo sa kabilang linya. Kasalukuyan siyang nagbibilang ng pera para sa babayarang pintura. Nasa isang shop siya ngayon na medyo malapit sa kanyang apartment. Holiday ngayon at hindi niya alam kung anong meron sa espesyal na araw naiyon basta ang alam niya wala siyang pasok. Kaya naisipan niyang trabahuhin ang pagpipintura sa nababakbak niyang pader na tuwing pupunta si Ricardo sa kanya ay walang palya nitong pinupuna ang pader niya. Pwede niya namang ipagawa iyon sa tauhan ni Ricardo, kaya lang bored siya ngayon at walang magawa. Tapos na rin kasi siyang maglaba bago umalis ng bahay.

"Anong bakit? Sinabi ko sayo noong isang araw pa na ngayon ang anniversary ng R's Hotel." Ang tinutukoy nito ay ang pinakamalaking five star hotel nito. "Ilang taon ka nang hindi pumupunta.—"

"Sabi ko nang wala akong hilig sa mga ganyan eh."

"Akala ko ba nagkaintindahan na tayo dito—"

"Wala akong natandaan na pinagusapan natin sige na busy pa ako."

"Hoy Ra—" Ini off niya ang gadget para masigurong hindi na ito makapangulit pa. Kagabi pa nito pinaalala ang gatherings sa hotel , pero wala talaga siyang hilig na makipag plastikan sa mayayaman kaya mag hihintay sa wala si Ricardo. Para makasigurong hindi nga siya makukulit na nito ay isinama na niya sa sinunog na basura ang dinala nitong suit. Maganda at mamahalin ang leather shoes na pares niyon kaya itinira niya.

"Brad okay na ba itong lahat?"  Tanong niya sa boy ng shop.

"Okay na boss, salamat."

Saglit siyang natigilan nang may maalala, kapagkuway tumango na lang rito at binitbit na ang binili.

Inuna niyang pinturahan nang kulay luntian ang pintuan ng tirahan niya. Dalawang oras ang nakalipas ng makadalawang kwarto na siya. Puro labas lang naman ang inuna niya para magandang tingnan sa labas. Madungis na rin siya at may mantsa ng pinturang kulay yellow green ang itim na T shirt sa harap. Sa likod naman niya ay pink ang pinturang nakadikit na gawa ni Pinky ng biglang nagpabuhat kaya napasandal siya sa pinto nitong bagong tinta lang.
Kumikiskis na naman sa binti niya  ang alaga. Kakain lang nito ng paboritong karne kaya may sauce pa sa bibig. Tinigilan niya ang ginagawa sa pader saka nilagyan ng pintura ang ilong ng pasaway na ito.
Bumahing ito at dinamba siya.
Gusto niya itong asarin kaya tinalikuran niya. Pero maparaan ito nang isampay nito ang dalawang paa sa unahan nito sa kanyang balikat saka ipinatong ang baba sa paa na nakapatong sa kanya. Kaya ang nangyari hindi na siya makakilos sa ayos nila. Umupo na lang siya at ipinasyang magpahinga.

Alas tres pa lang ng hapon kaya matatapos niya ang labas bago lumubog ang araw. At ang mabisyo niyang alaga, hindi na umalis sa pwesto nito at natulog na nang tuluyan sa kanyang balikat.

Sabay silang naging alerto nang marinig ang tunog ng buzzer mula sa gate. Tumayo siya at ipinasok sa kwarto ang alaga bago tinignan kung sino ang kanyang bisita. Dalawang beses pang nag buzz iyon bago niya mapagbuksan. Bumungad sa kanya ang apat na malaking lalaki na may ternong black suit. Lahat rin ay may suot na shades. Napailing lang siya ng makilala ang mga tauhan ni Ricardo. Dumali na naman ang pagiging sigurista ng isang iyon.

"Busy ako." Pinigilan nang nasa harap niya ang pagsara niya ng pinto.

"Kailangan niyo raw sumama sa amin."

"Sabihin mo sa amo mo marami akong ginagawa." Ipinakita niya ang obvious na pintura sa damit. "Obvious naman?" Sa ikalawang pagkakataon ay muling pinigilan siya nito. Mas malakas ang pwersa kaysa sa unang pagharang.

Nawalan ng emosyon ang kanyang mukha. "Hwag ninyo akong pilitin na lumpuhin kayo." At hindi siya nagbibro.

Lumapit sa kanya ang nasa likuran nito at inabot ang cellphone na tangan. Hindi niya iyon tinanggap at ipinasyang makipagsukatan ng tingin na lang nang magsalita ang nasa kabilang linya.

Not A Typhical GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon