"Grabe ang nangyaring car accident kila Ryan at Regine. Sunog na sunog ang katawan nila. Yung mga kaibigan naman nila ganon rin daw ang nangyari."
"Ewan ko. May nabalitaan naman ako na nagpatayan daw ang mga lalaking iyon dahil kay Regine. May ilang parts rin daw kasi ng buto nila ang nabali."
"Hindi naman na iyon nakapagtataka. May kalandian rin naman kasi talaga yung si Regine."
"May point ka girl. Hindi ba at last year lang nahuli ni Ryan na may kahalikan sa locker room si Regine? Tanga lang sa pagmamahal si Ryan kaya tinanggap niya pa rin."
Lumapit ang mukha ng isang babae sa tainga ng kaibigan nito. "Ang sabihin mo wala lang nagawa si Ryan dahil si Drake ang kahalikan ng girlfriend niya."
"Hindi nga man lang pumalag si poor guy nang tapikin pa ni Drake matapos mahuli. Well... Lahat naman takot sa kanila."
"Lahat ng lalaki, oo. Pero tayong mga babae, takot na may pagnanasa sa kanila!"
Impit na naghagikgikan ang tatlong babae sa kabilang table. Tuluyang nabaling sa mga lalaking hinahangaan nito ang usapan. Tahimik naman na kumakain si Rajin sa isang sulok habang pasimpleng nakikinig sa mga ito. Pinindot na niya ang buton sa earphone para ipagpatuloy ang pakikinig sa music ng hindi na nabalik sa mga pinatay niya ang topic ng mga ito.
Maasahan talaga si Ricardo sa paglilinis ng krimen. Plantsadong magtrabaho. Isang linggo na ang nakalipas bago ang huling pagpatay niya subalit hindi pa rin namamatay ang balitang iyon. Sabagay. Mula kindergarten ay kasama na nang mga nasa kabilang mesa ang mga iyon kaya inaasahan na rin niyang matatagalan pa bago humupa ang balita.
Napaangat siya ng tingin ng umupo sa tapat niya si Kim. Sa unang linggo niya roon ay wala man lang ni isang nagtangkang lumapit sa kanya o umupo sa tabi niya sa cafeteria na iyon. Hindi sa may concern siya sa pag iwas ng mga tao, sa katunayan pabor nga iyon sa kanya dahil mas nakakapag isip siya ng maayos sa mga lesson. Lalo na sa subject nilang Values na kung saan lagi siyang pinag iinitan ng prof niyang panot na lantaran ang galit sa kanya. Hindi pa rin maka move on sa pagsagot sagot niya rito sa flag ceremony. Kaya pagkatapos niyang kumain ay magpupunta pa siyang library para sa research paper na pinagagawa nito. Take note, siya lang ang pinagagawa nito no'n. Lahat naman ng prof ay masama ang trato sa kanya. Liban na lang sa isang babaeng guro niya. Mabait ang isang iyon. Speaking of tatlong hambog, nakakahinga pa siya ng maluwag nitong mga nakaraan dahil mula ng tinawag si Vince ng tita nito ay hindi na ito bumalik pa. Hindi na rin pumasok ang dalawang pinsan nito kinabukasan.
"Huwag mo nang masyadong intindihin si Sir Rodriguez."
Sino naman may sabing iniintindi niya ang panot na yon?
Ramdam niyang pinagtitinginan na sila ng mga nasa paligid. Nagbubulungan na rin ang mga ito.
"Talagang tumabi pa si nerd sa lowly son of gardener na iyon ha."
"Bagay naman sila. Isang nerd at isang duwag."
"Sa ginagawa nang Kim na iyan parang kinakampihan niya pa si Mr. Poor kaysa kay Vince the prince."
Namumutla na ngayon si Kim na natigil sa pagsubo. Apektado sa mga naririnig at nang mapansin na sinulyapan niya ito ay kimi itong ngumiti sa kanya.
"Tutulungan kita. Wag kang mag alala."
Totoong matalino itong nerd na ito. Kanina lang ay naka perfect ito sa quiz sa Values. Pero hindi niya kailangan ang tulong ng kahit sino. Kahit pa muntik na siyang mabokya sa quiz nila.
"Wag mo na lang akong lapitan."
Saglit itong nagulat ng magsalita siya, kapagkuwan ay matamis itong ngumiti. Mas na emphasize tuloy ang malalaking tigyawat nito sa cheekbone.
BINABASA MO ANG
Not A Typhical Gangster
Fiksi RemajaShe was heartless. He was heartless. Pumasok si Rajin Ledesma sa isang University para sa isang misyon. Nakilala niya ang tatlong notorious na magpipinsan. Pinaglaruan siya. Ginawang impyerno ang buhay niya sa school. Oo.Impyerno dahil kahit ga...