23

7 1 0
                                    

Bago tuluyang nakalabas si Rajin sa hotel, hinarang siya ni Kim. Nasa mukha ang pag aalala nang habulin ng tingin ang kotseng pinagsakyan kay Vince na hindi niya alam kung anong naging dahilan.

Kunwari hindi niya napansin si Kim at nilagpasan ng hawakan nito ang dulo ng manggas niya. Nang huminto siya'y binitiwan na rin naman nito kaya iniwan niyang tuluyan.

"Rajin! Rajin! I like you!"

Diretso siyang pumasok sa humintong kotse sa harap.

"Who's that cutie girl? She likes you."
Bungad ni Ricardo. Nakasilip ang ulo sa nagtapat sa kanyang pinamulahan ng mukha ng hindi niya lingunin.

Tinabihan niya ito sa limo.

Hindi siya kumibo para sa tanong nito at isinandal na lang ang ulo para magpahinga.

"How's the party? Parang isinakay ng magpipinsan si Vince na walang malay. May ginawa kana naman ba?"

Wala siyang pakialam kahit mamatay pa ang Vince na iyon. Sana nga mamatay na lang.

"Hey, ilang babae naman ang naisayaw mo?" Usisa muli nito nang hindi siya kumibo.

"Isa."

"Isa? Hina naman."

"Isang tanong mo pa paglalakarin na kita."

"This is my car!" Natatawang tinapik siya nito.

Minulat niya ang isang mata. "Inaangkin ko ba?"

"May sumpong kana naman. Bakit ba? Anong nangyari? Is it because of that lady in pink?"

"Drix, stop the car."

Sumunod naman sa utos ang driver.

"Fine. Sabi ko nga matutulog na lang ako."

Natapos ang linggong iyon ng klase na ang nangyari kay Vince ang mainit na topic. Hindi na rin kasi ito nakapasok ng thursday at friday. Si Kent lang ang kasama niya sa hilera na tinatabihan ng mga kaklase niyang babae. Ang bakanteng upuan nga lang ni Drake ang ipinagagamit nito. Nanatiling bakante ang kay Vince kahit wala ito. Wala rin namang nagtangkang gumamit. Dahil sa panandaliang pagkawala nito ay nakapag aral siyang mabuti ng dalawang araw na iyon.  Naintindihan  niya na rin ang mga lesson dahil wala ng istorbo. Huling niya hindi na bumalik ang sistikong yon kahit pa malabong mangyari.

At tungkol naman sa walang kwentang pagtatapat ni Kim, hindi niya na kinausap o pinansin pa ito kahit pa todo sa pag papansin. Habol ng habol kahit nasaan siya. Daldal ng daldal kahit tahimik lang siya. Hinahayaan niya na lang dahil malaki rin naman ang naitulong nito sa pagtigil ng pagpapahirap sa kanya ni Panot.

Sumapit ang Lunes. Normal pa rin ang araw niya dahil wala parin si Drake at Vince. Nakapakinig siya ng maayos kay Panot. Na bawat lingon sa kanya ay may kasamang irap. Immune na siya sa pagtataray ng mukhang baklang panot na ito kaya balewala lang sa kanya iyon.

Natapos ang boring na pagtuturo nito na sinundan ng mas boring pa na Filipino subject

"Robert nakikinig kaba?"

Lalong naging singkit ang mata ni sir Ramos ng hikab lang ang isinagot ng inaantok na nasa unahan niya.

"Gusto mo bang matuto o matulog na lang?"

"Matuto." Humikab ulit ito.

"Kung gano'n makinig ka. Itigil mo rin ya'ng paghikab mo nakakabastos ka!"

Nahinto si Kent sa pagsusulat sa pagtaas ng boses ng guro.

Wala si Vince kaya nakaka akto ng gano'n si Sir Ramos. At hindi sanay ang mga kaklase niya na nakakapag paandar ng batas ang mga guro kaya nakipagsabayan ng init ng ulo si Robert.

Not A Typhical GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon