"That's all for today." Palabas na si Panot ng mapatingin kay Rajin. "Ledesma. Until five pm ko lang hihintayin sa faculty ang assignment mo."
"Siguraduhin mong mataas ang grade ko ngayong first grading."
Nanlaki ang mata nito. Hindi inaasahang sasagutin niya. "Hoy Ledesma, hwag kang magdemand dahil laging bagsak ang quiz mo!"
"Na binabawi ko naman sa mga reports and assignment na pinapagawa mo."
"Sumasagot ka pang bastos ka!"
"Kaya nga tayo biniyayaan ng bibig para gamitin."
"Ledesma! Huwag kang umasang makakapag moving up ka!"
Nasa mood siyang patulan ito kaya sisige pa rin siya. Tutal naman nakakaaliw pagmasdan ang paglaki ng butas ng ilong nito.
"Bakit ibabagsak mo ako? Hindi ako nagrereklamo na hindi patas ang pinagagawa mo sa akin sa ginagawa ng mga classmates ko. Masyado mo naman inaabuso ang kapangyarihan mo."
Nakapamewang na ito ng sumugod kay Rajin. "Bakit may angal kaba sa pinagagawa ko sayo?!"
Bagot niya itong tiningala. "Wala. Ipinapaalala ko lang sayo na pwede kitang ireport sa DepEd sa pang aabuso mo sa kapangyarihan mo." Ireport? Hindi siya mag aaksaya ng panahon para magsumbong. Sinabi niya lang iyon para asarin ito.
Saglit itong natigilan at pinagpawisan ng butil butil. Mas lalo itong nagalit ng marealize na nalalamangan niya ito sa pagtatalo nilang iyon.
"Bi-Binabantaan mona ba ako ngayon? ha Ledesma?!"
Nag angalan ang mga kaklase niya sa lakas ng boses nito."Hindi. Pinapaalalahan lang kita."
Tinalikuran na siya nito pero habang nagmamartsa ay naglilitanya.
"Alas tres ang deadline mo! Kapag lumagpas pa hindi kona tatanggapin!"
Gusto niyang mapabuntong hininga sa narinig. Mas kaunti na lang ang palugit nito. Mukhang kailangan niyang umabsent sa first subject niya mamayang hapon para maka abot sa oras. Mas mahihirapan siyang maghabol ng oras. Kaya ngayon mas napasama pa ang lagay niya sa ginawang pagpatol sa panot na iyon. Alam naman niyang ginagantihan lang siya ng panot na iyon dahil napahiya sa mga inasal niya. Kahit nagpipigil siya sa sarili minsan, namamalayan niya na lang na nag eenjoy na siya kapag napapagalit ang kausap.
Nilingon ni Rajin si Vince na nakangising humahaplos sa ulo niya. "Very good." Puri pa nito.
Isa pa ang siraulong ito. Mukhang nasiyahan sa pagsagot sagot niya kaya pinupuri siya ngayon. Inilapit nito ang mukha sa kanya. Saka pinitik ang nag iisang tigyawat sa kanang pisngi niya. Kagabi pa tumubo iyon at medyo masakit pero mas masakit na ngayon sa ginagawa nitong pagpitik pitik.Umiling iling ito habang tila nag iisip. "Alam ko na." Dinampot nito ang ballpen niyang itim at sinimulang gamitin iyon sa mukha niya. Hindi siya makabiling dahil mahigpit na hawak nito ang kanyang panga. Kaya wala siyang magawa kundi tanggapin ang malamig nang tinta na gumuguhit sa kanya.
"Laki lakihan mo pa Vince, yung mas malaki pa sa nunal ni Nora Aunor."
"Mas bagay pala kay gardener ang may nunal. Lagyan mo na rin kaya ng petals para bulaklak na? " Ang mga pinsan nitong todo ang suporta sa obra maestra ni Vince sa mukha ni Rajin.
"There."
Naghagikgikan ang mga nasaunahan na nakakakita sa mukha niya.
Biglang nakita niya ang sariling repleksyon nang tapatan siya ni Vince ng salamin. Kasing laki ng limang piso ang ginawa nito sa mukha niya."Ganyan ang gawin mo pag may pimple ka. Nakakabawas ng pangit."
Hindi na lang niya pinatulan ito. Hindi rin naman siya mananalo hanggat nasa teritoryo siya nito.
BINABASA MO ANG
Not A Typhical Gangster
Teen FictionShe was heartless. He was heartless. Pumasok si Rajin Ledesma sa isang University para sa isang misyon. Nakilala niya ang tatlong notorious na magpipinsan. Pinaglaruan siya. Ginawang impyerno ang buhay niya sa school. Oo.Impyerno dahil kahit ga...