18

9 1 0
                                    

"Bukas ang bahay ko sayo Rajin kahit kailan mo gustong pumunta."

Panay tango lang ang sagot ni Rajin sa mga sinasabi ni Mrs. Gomez.

Alas quatro na nang matapos ang pagrereview niya at talagang masakit na ang ulo niya dahil sa dami ng natutunan. Sana lang ay maalala niya iyon pagdating ng lunes.

Napainam rin ang pagyakag niya kay Kim na sa kwarto nito sila magpatuloy sa pagrereview. Sinigurado niyang naka lock ang pinto para hindi na mag usisa ang ina nito na sumisira ng concentration niya. Pero nang silang dalawa naman ni Kim sa loob ay hindi na ito makatingin sa kanya at parang sasabog na sa pula ang mukha. Nagkakanda utal na rin ito sa pagsasalita kaya hindi niya maintindihan ang ibang explanation.

Kaya ang ginawa niya sa inis sa katangahan na naman nito ay binatukan niya ng malakas.

Saka pa lang tumino.

Kung makaasta akala siguro papatusin niya. Kung hindi lang matalino ang babaeng iyon ni hindi niya ito papansinin. Ni susulyapan man lang.

"Bukas Rajin babalik ka?" Ang daldal ng plastik. Kasing plastik ng mukang halatang retokada.

"Hindi. Alis na ako."

"Wait." Pigil nito na hinawakan ang braso niya. Binigyan niya ito ng bagot na tingin.

"Iuwi mo ito." Kinuha nito ang plastic sa kamay ng nakamatang si Kim.

Saglit niyang tinapunan ng tingin ang pagkain.

"Marami ko n'yan." sinipa niya pataas ang stand ng bisikleta at handa ng umalis ng pigilan na naman nito.

Nagpigil lang siyang h'wag pilipitin ang kamay nitong humawak sa balikat niya.

"Gusto mo ipahatid na lang kita sa driver ko ilagay mo na lang sa itaas ng kotse ang bike mo. Hapon na ngayon at baka gabihin ka pag uwi kapag iyan lang ang gamit. Delikado na panahon ngayon, baka mapagtripan ka pa sa daan."

Lahat talaga sa babaeng ito fake. Fake concern. Fake na pakikitungo sa kanya. Puro kaplastikan.

Ipinagkamali nito ang pananahimik niya. "Payag kana. Pahahatid na kita." Nilingon nito ang anak na may pag aalalang nakatingin sa kamay nang ina na nasa balikat pa rin ng naka kunot noo nang si Rajin. "Kim tawagin mo si Gimo, ipalabas mo ang kotse."

"Ma..." Ang mata nito ay nagpalipat lipat sa kamay at mukha ng ina. Natatakot na kapag iniwan ang dalawa sa labas ay sa ospital ang bagsak ni Mrs. Gomez. Kahit na mabait si Rajin sa kanya, mainit ang dugo sa Mom niya. Walang kinakatakutan si Rajin at iyon ang ikinakatakot ni Kim.

"Kumilos kana. Baka gabihin na si Rajin."
Nang tumaas ng bahagya ang boses nito ay saka kumilos si Kim.

Bago tuluyang pumasok sa gate muli itong lumingon kay Rajin na may pagmamakaawa ang mata.

"Bakit ba kasi Rajin hindi kana lang dito maghapunan. Hindi mo man lang ginalaw ang meriendang dinala ni Rosa. Pati na rin nong lunch hindi ka daw kumain."

"Alicia." Naramdaman niya ang pagkabigla nito nang tawagin niya sa first name.

"Kahit anong pag arte mo sa harap ko wala kang mapapala sa akin. Hindi ako mayaman. Si Ricardo. Siya ang utuin mo." Flat ang tono at walang lingon niyang turan.

Tila napaso nitong inalis ang kamay sa kanya. Saglit nawalan ng imik sa pagkapahiya, biglang nangapa ng dapat sabihin.

"Hi–hindi naman iyon ang habol ko kaya—"

Nagpedal na siya kaysa pakinggan ang walang kwenta nitong dahilan. Kahit anong gawing paghuhugas kamay ng babaeng iyon hindi nito makukuha ang loob niya.

Not A Typhical GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon