3

21 14 0
                                    

Sumunod na siyang pumasok. Ngunit bago pa siya tuluyang makapasok ay malakas nitong isinara ang pinto. Nakita pa niya ang ngisi nito bago tuluyang sumara iyon. Mabuti na lang maliksi siyang nakaatras. Kung hindi ay paniguradong ilong naman niya ang dumudugo ngayon.

Binuksan niya ang pinto ngunit hindi pumasok sa kwarto. Pinag iisipan kung dapat pa bang maupo sa tabi ng  nakayukong lalaking kasalukuyang nagddrawing, na naman.

Sumipol ang may gray na buhok. "May isang natatakot."

Nag angat ng tingin sa kanya ang may blonde na buhok. Tumaas ang kabilang sulok ng labi nito. "Scared? Too soon."

"Ano? Hindi kapa ba mauupo sa tabi ni Vince? Wala ng bakante." Ang may gray na buhok.

Sinundan nito ng tingin ang tiningnan niyang bakanteng upuan sa tabi ng wirdong babaeng nanginginig pa rin.

Humalakhak itong muli. "Mamaya wala na yan. Tabi kana ulit kay Vince. Okay lang diba Vince?"

"Okay lang yon kay Vince." Ang katabi ni Vince ang sumagot.Dahil hindi kumibo ang kausap nito. Patuloy lang sa ginagawa. Kaya nilingon siyang muli nito. "Wag kang matakot. Hindi naman kami masyadong nambubugbog."

"Drake, natatakot na yata." Sabi ng may blonde na buhok saka siya binigyan ng naghahamon na tingin. "Ikaw ang nagsimula nito. Ikaw ang naghamon, bakit ngayon nag aalangan ka yata?"

Wala siyang mapapala kung makikipag away. Takaw gulo na talaga siya mula kaninang umaga. Hindi na niya mababago iyon. Ayaw niyang minamaliit siya pero hanggat maari ay dapat siyang magtimpi. Para na rin sa mga plano niya.

"Nalunok na yata niya ang dila niya Kent."

"Kung hindi lang kita narinig na hinamon kami iisipin kong pipi ka."

Ang daldal ng dalawang ito para sa isang lalaki. Hindi gaya ng Vince na iyon na walang pakialam sa nangyayari.

Muntik na siyang madapa ng may bumunggo sa kanya.

Nagdatingan na ang iba niyang kaklase. Alam niyang sinasadya ng mga ito iyon dahil iba ang dating ng mga ngisi nito sa kanya ng lumampas.

"Ano, hindi kana ba papasok?" Si Drake. Nilingon nito ang nasa likuran. "Julius, itapon mo yung bakanteng upuan, sa tabi ni Kim."

Walang pag aatubiling sinunod ng lalaki ang utos nito. Naunang nilabas  ang nasa unahang upuan kung saan siya dapat na uupo kanina. Babalyahin pa sana siya ng lalaki, maliksi lang na siyang gumilid.
Saglit siyang natigilan ng bigla na lang nitong hinagis sa baba ng building ang dalang armchair. Sumunod nitong kinuha ang nasa tabi ng nerd, tulad ng sa unang upuan, ganon rin ang ginawa nito. Wala man lang pakialam kung may matamaan sa ibaba.

Ano bang paki nya, wala rin naman siyang pakialam.

"Ano d'yan kana lang makikinig sa lesson mamaya? Parang kawawa ka naman yata kung nakatayo ka lang."

Nagtawanan ang mga nasa paligid sa sinabi ni Drake.

"Ayaw mo bang tumabi kay Vince?"

Nilibot niya ang paningin sa paligid, lahat ng upuan okupado na. Maliban sa tabi ni Vince. Wala naman magbabago sa trato ng mga ito kung tatayo lang siya roon. Hindi siya matututong lalo. Pagpapasensyahan niya na lang ang mga ito. Sa loob. Sa labas ng university, siya naman ang gaganti.

Nagsipulan ang ibang kaklase niya ng lumakad siya palapit sa tabi ni Vince. Nakaabang sa susunod niyang hakbang. Tinantiya nya kung magkakaroon ng violent reaction si Vince sa presensya niya. Nang hindi ito nagtaas ng mukha ay nagpasya siyang umupo sa tabi nito. Wala siyang balak tumayo sa buong taon ng klase.

Not A Typhical GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon