"T*ng ina." Ang salitang mura na namutawi sa bibig ni Rajin ng matapat sa kanya ang spotlight habang nakatingala kay Ricardo na ang lawak ng ngisi habang itinuturo ang kanyang direksyon.
Kasabay ng kislapan galing sa camera ay hinatak niya ang pulis sa harap upang gawing pangubli sa mga taong nasa kanya na ang atensyon. Ang kaninanang propesyonal na mga reporter ay naging asong sunod ng sunod sa kanya sa paghabol. Nagbabalyahan makakuha lang ng matinong larawan niya. Ang iingay rin na kung anu ano na ang mga pinagtatanong.
"Mr Rajin Ledesma ano po ang masasabi niyo sa pahayg ni Mr. Jimenez?""Marami pa po ba kayong assets?"
"Anong plano niyo po at bigla na kayong lumantad sa publiko?"
"Bakit po mas pinili ninyong magpaka low profile at magpunta sa event ninyo ng hindi naka formal attire?"
Mura sa isip ang sagot ni Rajin sa lahat ng mga katanungan ng mga tsismosong reporters na ito. Nagkakabalyahan na kaya napakinabangan niya ang pulis ng ito na mismo ang magkusang humarang sa mga ito.
"General Gevarro, ano po ang kaugnayan niyo kay Mr. Ledesma at magkasama po kayo ngayon?"
" Business partner po ba kayo?" Hindi ito sumagot at patuloy lang sa pag alalay sa kanya.
Nakayuko siya ng kumaliwa sila habang ipinanghaharang nito ang kamay sa kumukuha ng pictures. Nakita niya ang pagbukas ng isang pinto. May isang lalaking palabas roon at pabalya niyang hinatak palabas saka siya pumasok kasama ang panangga. Ito na mismo ang naglock ng pinto at sumandal upang pigilan ang pagyanig sa balyahan sa likod niyon.
Dumiretso si Rajin maghugas ng mukha sa lababo para maibsan kahit kaunti ang galit. Ilang ulit pa siyang nagmura ng malutong at ang mga daliri ay mahigpit ang kapit sa gilid ng lababo. Doon ibinubunton ang nararamdamang init ng ulo. Tumingin siya sa salamin at nakita ang marungis pa rin niyang mukha. Ngunit wala sa repleksyon ang isip niya. Naglakbay na sa mga naganap ngayon lang. T*ng ina talagang Ricardo iyon. Pinlano nito ang lahat para ipahiya siya at ipagngalandakan ang kung anu ano sa tao makaagaw lang siya ng atensyon. Alam nitong ayaw niyang sa kanya nababaling ang pansin ng iba kaya sinadya siguro nitong idawit siya sa Hotel para magtagumpay. H*yup talagang lalaki na iyon, paano na siya magkakaroon ng normal na buhay matapos ng ginawa nito? Bukas pagpipyestahan na ng madla ang larawan at issues tungkol sa kanya."T*ng ina talaga."
Humupa ang ingay sa labas hanggang sa nawala na rin ang mga kumakatok na gustong maka kuha ng interview.
Bumukas ang pinto at nakita niya sa salamin ang pagpasok ng nakangising si Ricardo.
Kasabay ng pagharap ni Rajin ang paglipad ng kamao niya sa mukha ni Ricardo. Napaatras ito sa lakas ng tama. Sapo na ang dumudugong bibig ay nagawa pa rin ngumisi sa kanya. Na lalong nagpakulo ng kanyang dugo. Nagtaas na ito ng dalawang kamay ng akmang uulitan pa niya. Marahas siyang huminga. Dinaluhong niya ito at malakas na itinulak sa pader. Nagawa pa nitong tumawa kahit iniihit na ng ubo sa sakit ng likod."Easy ka lang bata. Hindi ako lalaban." Taas ang kamay na sabi nito ng kwelyuhan niya.
"Alam mo ba ang ginawa mong t*ng ina ka!" Nang mga sandaling iyon ay nabubulagan na siya nang emosyon. Naglaho na sa alala niya na ilang beses siyang tinulungan nito at iniligtas ang kanyang alaga. Ang gusto niya lang ng mga sandaling iyon ay basagin ang mukha nito para mawala na ang Put*ngn*ng ngisi nito!
"It's a prank!" Malakas na sabi nito habang pinagtatawanan ang galit na mukha niya.
"Ano...?" Unti unti siyang nalinawan sa itinakbo ng eksena kaninang pakulo lang pala nito.
Lumuluwag na ang hawak ni Rajin sa leeg nito ng may isa pa siyang napagtanto. Pinagtripan talaga siya nito! Muling bumalik ang inis niya.
Naputol ang tawa ni Ricardo ng malakas na suntukin ni Rajin. Sapul ito.
BINABASA MO ANG
Not A Typhical Gangster
Teen FictionShe was heartless. He was heartless. Pumasok si Rajin Ledesma sa isang University para sa isang misyon. Nakilala niya ang tatlong notorious na magpipinsan. Pinaglaruan siya. Ginawang impyerno ang buhay niya sa school. Oo.Impyerno dahil kahit ga...