7

15 9 0
                                    

"I vote Rajin Ledesma as a song leader."

Napaangat ng tingin si Rajin sa katabing si Vince. Tinigilan na nito ang pagguhit ng tigre. Nasa kanya na ang atensyon nito ngayon. Ito rin mismo ang nag nominate sa kanya sa botohang nagaganap ng mga sandaling iyon.
Base sa pagkaka ngisi nito, gusto nito siyang ipahiya sa lahat.

Panibagong lunes ng umaga ngayon at hindi pa rin matapos tapos ang bwisit na botohan na iyan kada subject. Kanina, hinalal siya ni Kent bilang secretary. Ipinahiya rin ng makitang pangit siyang sumulat ng mag sulat siya sa white board. Last week. Sa Values naman si Drake ang nagnominate sa kanya bilang escort. Trip lang rin nito. Pinarampa siya sa harap para makita ang tindig tinalisod siya ni Robert na nasa unahan. Hindi siya umiwas para makuha ng mga ito ang saya'ng naibibigay niya. Pero hindi naman niya hinayaa ang sariling madapa. Masaya sa pambubully ang mga kaklase niya, kaya hahayaan niya na lang muna. Huwag lang siyang hahamunin sa labas at tinitiyak niyang may paglalagyan ang mga ito.

"Close na ang nomination." Anunsiyo ni Vince, kahit pa hindi naman ito ang class president. Ito nga dapat kaso tinatanggihan nito iyon. Para kay Rajin mabuti ng tanggihan nito ang pwesto. Hindi bagay kay Vince ang title na iyon. Dahil hindi naman ito huwaran na mag aaral. Kahit pa ito naman talaga ang nasusunod sa loob.

Hindi kumontra si Irene. Ang class President.

Hindi tuminag sa kinauupuan si Rajin kaya binatukan  ni Vince. Nagtalsikan ang ilang butones niya ng hawakan nito ang kwelyo niya sa likuran at baltakin pataas. Nang bahagyang umangat siya ay tinulak siya nito. Maagap siyang napahawak sa table sa harap upang hindi mapasubsob.

Nagtawanan ang mga kaklase niya. Si Drake ang may pinakamalakas na halakhak. Inayos niya muna ang nagusot na polo bago humarap sa mga ito. Ang laki ng ngisi ni Vince habang nakakagat sa ibabang labi nito. Nakataas pa ang paa nitong nakapatong sa ulo ni Robert na naiilang man ay hindi magawang umangal para hindi mapag initan.

"Gandahan mo kanta." nang aasar na sabi ni Kent.

Nag iisip siya ng kakantahin ng mag angalan ang kaklase niya.

"Ano ba yan ang tagal naman."

"Pangit naman sigurado ang boses nag iinarte pa."

"Hoy anak ng gardener tatayo kana lang ba dyan?"

Marami pang pangungutya ang mga ito ng may tumamang nilukot na papel sa mukha niya. Nakita niya si Vince na may hawak na crampled paper, bahagyang nakapaling ang ulo nito na para bang inaasinta ang susunod na papatamaang parte sa kanyang mukha.
Sapul si Rajin sa noo ng ibato nito iyon sa kanya.

Sa ginawa nito ay may nabuong ideya sa isip niya. Pinantayan niya ang ngisi nito sa isipan.
Tanggap naman niyang malas siya every monday. Kaya wala namang masama kung gumanti siya kahit kaunti.

When the days are cold and the card are fallen..

Gusto niyang mapangisi ng matunaw ang ngising ipinagyayabang nito. Sabay na napatingin dito ang mga pinsan ng mabali ang ballpen nitong hawak.

Ito ang gusto mo diba? Pwes ibibigay niya

Ipinagpatuloy niya ang pagkanta gamit ang sintunadong boses. Mali mali rin ang lyrics niya pero wala siyang paki, ang mahalaga nagalit niya si Vince.

And the sins we see are...are all made of wolf...

Nagreklamo na ang mga basher niya. Pinagbabalibag na rin siya ng mga nilamukos na papel.

"Ang pangit ng boses."

"Tanga tanga pang kumanta ng lyrics."

"Sakit sa tainga ng boses."

Not A Typhical GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon