14

13 7 0
                                    

Sinuyod ni Rajin ang paningin sa loob ng library. Dahil tanghali ngayon ay halos puno ang silid. Pati ang sulok kung saan siya umupo kahapon ay isa na lang ang bakante. Busy sa pag aaral ang iba.
Ang iba naman ay ginawang dating place ang lugar. At doon nga sa sulok na iyon naroon ang tatlong couple. Panay ang bungisngisan. Walang pakialam sa mundo kahit masama ng pinagtitunginan ng mga masisipag mag aral. Lumapit siya sa mga ito at basta na lang umupo sa bakanteng tabi ng lalaking nakikipaghalikan. Tumigil ang lalaki sa ginagawa at galit na hinarap siya.

"Naghahamon kaba Ledesma?" Kinwelyuhan siya nito at umamambang susuntukin na siya ng may ituro siya sa itaas. Agad siyang binitiwan nito ng makita ang cctv sa ceiling.

"May araw ka sakin." Banta nito bago hatakin ang nobya paalis. Maging ang ibang kasama niya sa table ay umalis na rin at iniwanan siya nang nagbabantang tingin.

Saka na niya papatulan ang banta nito. Mananaginip na lang muna siya. Ilang segundo pa lang siyang nakayuko ay nagsikibuan na ang mga babae na nasa likuran.

"Ang iingay kasi ng mga iyon. Buti na lang umalis na."

"Ginagawa ng motel itong library. Hindi na nahiya sa mga nag aaral."

"Pero di ba iyan si Ledesma? Iyong mayabang?"

"Oo nga. Alam niyo na ba na iyan iyong nambastos kina Eliz kahapon. Type daw si Eliz at minanyak."

"Grabe naman. Bakit ba nandito pa iyan? Dapat ginawan na nang aksyon ng Principal."

"Hindi pwedeng hinahayaan lang magpagala gala iyan."

"Pero diba sabi ng iba si Kim the nerd ang girlfriend niyan. Ipinagtanggol pa daw yon sa pambubully nila Lisa."

"Si Kim? Iyong pangit?"

"Oo."

"Bagay naman sila. Isang pangit na bobo at isang pangit na matalino."

Naghagikgikan ang apat na nag uusap sa likuran niya. Paano siya makakatulog nito kung maingay pati sa pwesto niya.  Nagtaas siya ng ulo at nilingon ang mga babae. Agad tumahimik ang mga ito at nagsi alis at nakisiksik sa ibang grupo sa kabilang sulok.

There. Tahimik na. Makakatulog na rin siya sa wakas.

"Rajin nandito ka lang pala. Matutulog kaba? Hindi ba tayo mag aaral ngayon akala ko...." Pahina na ang boses ng katabi niyang si Kim nang mag angat siya ng tingin mula sa pagkakayukyok. Tinakpan nito ang bibig at sunenyas na inizipper iyon. Dapat yata talaga inihulog niya na kanina.

Wala pa yatang limang minuto siyang natutulog ng may tumapik sa balikat niya. Hinawi niya iyon. Tumapik na naman. Hinawi niya ulit iyon subalit mas malakas na ang tapik kaya napilitan siyang mag angat ng masamang tingin.  Nagbuga siya ng hangin ng makilala ang istorbo.

"Ledesma. Silid aralan itong pinasukan mo hindi kwarto sa bahay mo." Nakapamewang na sita ng babaeng librarian." Kung gusto mong matulog umuwi ka sa inyo. Naabala mo ang mga gustong matuto rito." Nilingon niya ang mga tinutukoy nito na pasimpleng nagtatawanan  habang nagbubulungan na nakatingin sa kanya. Ang isa sa mga babae na napaalis niya kanina ay inilabas ang dila sa kanya. Tuwang tuwa na nasisita siya.

Pwede niya sanang isagot sa librarian  na ito na bakit hinayaan nito ang mga magsyotang inabutan niya kanina na hindi man lang sinita tapos siyang natutulog lang pinapakialaman. Kaso wala siya sa mood magsalita. Kaya dinampot niya na lang ang bag at tinalikuran ito.

"Bastos ka nga palang talaga." Pahabok nito ng masagi niya.

Hindi naman niya sinasadya iyon. Inaantok lang siya. Pero wala siyang balak humingi ng tawad.

Not A Typhical GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon