Announcement: Editor's Pick!

7.3K 106 9
                                    

Henlo!

Today, NOVEMBER 12, 2021, I'm happy to share with all of you that this story, ROOMMATE ROMANCE, has been chosen as part of EDITOR'S PICK SWIMLANE!

Today, NOVEMBER 12, 2021, I'm happy to share with all of you that this story, ROOMMATE ROMANCE, has been chosen as part of EDITOR'S PICK SWIMLANE!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

When I received the good news, hindi talaga ako makapaniwala. Ilang beses ko pa ngang binasá yung email bago ako nakapag-reply. Just to make sure lang na tama nga yung pagkakaintindi ko. Tapos double-check pa kung para sa akin nga 'yon. Mamaya kasi wrong send lang pala! Haha. Pero hindi. Para sa akin talaga---para dito sa Roommate Romance.

Nung tinanggap ko na yung offer, ang unang pumasok sa isip ko ay: Mukhang kailangan ko na ngang i-edit 'tong RR.

This story has a lot of room for improvement. There are certain obscene scenes that makes me cringe or regret ever writing whenever I reread this to entertain myself in the comment section. With that said, I just want to let you know that starting today, I'll come back here from time to time to edit stuff in and out in order to make your reading experience better. Huwag kayong mag-aalala because I'll do it at morning or midnight naman para walang masyadong nagbabasá, at para na rin hindi makasagabal sa pagbabasá ninyo.

Isa pa, isinulat ko lang talaga 'to for fun. Hanggang sa magkaroon na nga ng purpose along the way. I was only 18 when I first drafted this story kaya nga ang unexpected talaga na ang layo na nang narating nito ngayon. And I believe, I've grown as a writer since then, so please pardon the errors and dialogues.

At bago pa humaba 'to, magpapasalamat na ako sa mga espesyal na taong 'to:

Kina Gian at Gwen na kasama ko sa pagsusulat nito. Sa mga komento nilang nakaka-motivate. Sa halos isang taon na pagsusulat nito, hindi talaga nila ako iniwan, at sobrang thankful talaga ako sa kanila.

Kina Jeybi at Juswa na walang sawa talaga ang pagsuporta sa akin. When I've told them about this, parang mas masaya at excited pa sila sa akin. Solid nung reactions nila! Haha. Ramdam ko rin yung sincerity nang pag-support nila.

Sa Chikading (, Deng, Yassie, Adi) na una kong sinabihan tungkol dito. The best din talaga 'tong mga 'to. Lulubog-lilitaw ang ganap ko nitong mga nakaraan dahil nga sa dami nang pinagkakaabalahan ko, pero nandiyan pa rin sila---to show an all-out support and to make me feel that I really deserve it. Sa sobrang clingy nila, ayaw na nila akong iwan.

Sa RomancePH na unang naging daan para marami pang makakilala sa istoryang 'to. Mula kasi nang mapasama ito sa Rainbow Romance reading list nila, biglaang dumami rin ang nagbasá nito.

Kay Ate Rayne na palagi akong pinapakaba kapag pangalan niya ang bubungad sa akin sa email.

At special mention na rin si Madam Raice na i-"go for it!" ko na raw itong opportunity na 'to. Kahit basher ko 'to, ramdam ko pagmamahal nito at pag-support sa akin. Kaya love (ew) ko 'to---pati na ang Kalat Gang!

Syempre, hindi ko kalilimutan ang nagbihis nitong RR---Nyx! Salamat ulit sa lahat-lahat! Pasensya na kung ang sabog at demanding kong client. Until now, kinikilig pa rin talaga ako sa kinalabasan nitong bagong book cover ng RR---ang angas talaga nang pagkakagawa mo! Ang guwapo pa nina Victor, Chie, at Eliseo. Huhu. Next time ulit!

Thank you ulit sa inyong lahat! Hindi 'to makakamit ng RR kung hindi dahil sa inyo kaya salamat talaga! Ang awesome ninyong lahat! Labyu all! <3

Ayon, sa mga magbabasá pa lang nito, maraming salamat na agad! Sana mag-enjoy kayo!

Manatiling healthy (physically, emotionally, and mentally), safe, at hydrated!

XO,
Endee

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon