Maagang sinundo ni Errant si Audacity sa bahay nito. Magsisimba nga daw kasi sila at kahit mag pupusta pa siya ng isang milyon alam niyang tulog pa ito.
"Hi manang Inday. Pupusta ako ng two pesos tulog pa ang reyna no?"natawa sakanya si Manang Inday na kasambahay ni Audacity.
"Opo tama po kayo."napa iling nalang si Errant at nagpa alam na papasok na siya.
Ganyan talaga si Audacity magpaplano tas tutulugan niya lang rin. Noon nga nag sabing mag jo-joggong daw sila ng alas kwatro. Pero ayun humihilik.
Nang makarating si Errant sa ikalawang palapag sa kwarto ni Audacity ay kumatok ito.
"Dang?"yan ang madalas na tawag niya kay Audacity.
"Daaaang?"kumatok pa ito.
"Papasok na ko ha?"dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto ni Audacity.At nakita niyang nakahalita parin ito at mahimbing na natutulog.
Napatingin siya sa orasan niyang pambisig.
Hayy 6:30 palang naman may 30 minutes pa siyang mag prepare. Mabuti nalang talaga at maaga pa siyang nagpunta rito.
Nilapitan niya ito at tinitigan.
"What are you looking at?"napabalik sa wisyo si Errant nang magising na si Audacity.
"Ah...bilisan mo na dyan magsisimba pa tayo."
"K."tumayo na si Audacity at tumungo na sa cr kaya naiwan si Errant na nakaupo sa gilid ng kama.
Napabuntong hininga siya nang makita ang picture nilang dalawa sa side table ni Audacity.
Kinuha niya ito at napangiti.
They both happy together back then. Yung genuine, totoong totoo na masaya. Sixteen palang dito si Audacity at Fourteen naman si Errant. Mas matangkad pa si Audacity rito kaya siya ang naka akbay kay Errant. At pareho silang nakangiti sa camera.
Kung pwede lang sanang ibalik yung dating masaya pa silang dalawa.
"Hoy! Baka matunaw ang picture frame."napa angat siya ng tingin kay Audacity na tapos na pala at nakapag bihis na rin.
Napatitig siya ng ilang segundo.
Naka peach nanaman ito na long sleeves homecoming dress na hanggang tuhod at naka stilleto.
"Dang, simbahan ang pupuntahan natin hindi prom."suway niya rito.
"Dong! Wala akong pake."natawa nalang si Errant dahil sa tinawag sakanya ni Audacity.
Siniringan lang ito ni Audacity at dumiretso sa vanity table niya kung saan nakalagay ang malaking salamin na naka dikit sa wall at may isang table na puno ng pampaganda at mga alahas at kung ano ano pa.
"Maganda ka naman na hindi na yan kailangan."
"Wag mokong bolahin at baka ihampas kita."nakapoker face nanaman si Audacity habang naglagay ng light make up at inayos ang buhok nito.
Kumuha siya ng maliit na sling bag sa cabinet sa ilalim ng vanity table at hinila na si Errant na nakatayo lang.
"Manang Inday aalis na muna kami at baka hindi kami rito mag tatanghalian."sabi ni Audacity kay Manang Inday na mo-mower sa labas.
"May date kayo maam?"nakangiti si Manang Inday dahil parang nagiging ok na si Errant at Audacity.
"Yes."ngumiti na ito at umalis na silang dalawa ni Errant.
BINABASA MO ANG
MISS AUDACITY #mus-alonlymAward20
ChickLitSi Miss Audacity ay isang mayamang babae kung saan naka takapos siya sa kursong Pol-Sci. Habang hindi pa siya nakakapag aral ng abogasya ay pansamantala siyang pina assign sa isang Prestihiyosong paaralan ng Manila na pagmamay-ari rin ng pamilya nil...