X

58 23 25
                                    

Tapos na ang Departmental Test nila at ngayo'y mag ha-halloween na. Isang week rin iyon.

Nung buwan ng wika. Aba ewan nila kung bakit nanalo pa si Errant at Miss. Hakot award kahit mukhang beauty queen na pagod si Miss nang araw na yun. Kung pagandahan lang naman talaga at patalinuhan ay panalo na agad ang pambato nila kaso nga..... Hay nvm basta panalo sila. Mukhang hindi pa nga inaashan yun ng mga taga grade 12. Over confident kasi ayan tuloy.

"Miss saan yung mga patay niyo?"tanong ni Ciara kay Miss na para bang close na close na silang dalawa.

Nang araw na ito naka crop top na peach t-shirt si Miss with matching high waist na short at nike na puting sapatos. Para lang siyang naligaw na estudyante rito sa BI's. Naka mask si Miss kasi naglilinis nga sila sa classroom kaya kapag hindi mo siya kilala aakalain mo talagang bagong salta siya.

"Sa sementeryo."seryosong sagot ni Miss.

Kapwa silang naglalakad papuntang canteen para bumili ng snacks para sa mga taga section nila kasi busy sila sa kakakabit ng mga designs na pang halloween sa classroom nila. Ayaw sana ni Miss kaso pinilit nila ito.

Napabunting hininga si Ciara.

"Ihhh Miss naman eh ibig ko palang sabihin saang sementeryo?"

"Tumahimik ka nga tinatamad akong sumagot."napakamot nalang si Ciara sa ulo nito.

Palagi nalang siyang tamad.

"Ikaw ba si Ciara!?"bigla nalang sumulpot ang isang bitchesang si Den na nanggaling sa ibang section kasama ang mga alagad niyang hipon.

Humalukipkip si Miss na para bang may aabangan na eksena ngayon.

"Yeah."tipid na sagot ni Ciara.

Umikot ikot si Den kay Ciara na parang sinusuri ito mula ulo hanggang paa.

"Is there something wrong here?"napa angat ng tingin si Den kay Miss. Humalukipkip siya at tinaasan ito ng kilay.

Di hamak namang mas matangkad si Miss sakanya.

"Who are you?"napakagat labi nalang si Ciara sa inasal ni Den sa guro nito. Mukhang hindi nga niya kilala.

"The one who'll kill you."nagulat si Den nang tanggalin ni Miss ang mask nito.

"Oh my god."usal nito natakot ata.

"Get out of our way or else you're suspended."dali dali silang umalis na magkakaibigan sa akalaing totohanin iyon ni Miss. Napapailing nalang si Ciara.

"They're wasting our time."isinuot ulit ni Miss ang mask nito at sabay silang pumunta ni Ciara sa canteen.

***

"Trick or treat!!"samut saring candy na ang nakalagay sa basket ni Ciara na ngayo'y witch.

Kasama niya ngayon sina Fara na naka white lady na costume si Mary na naka fairy si Arve na zombie si Laine na ghost, si Ken na vampire.

Yung iba kasi malalayo ang bahay kaya hindi na sila nagkikita kita.

Pumasok sila sa isang subdivision.

"Happy halloween!"bati nung isang bata na nakasakay sa isang bisikletang may training wheel at basket sa manebela neto.

"Happy halloween rin!"bati nila pabalik.

"Ang cute niya no?"napapalingon pa dun si Ciara sa batang babae.

"Mas cute ka."namula ang muka ni Ciara sa sinabi ni Ken.

MISS AUDACITY #mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon