EPILOGUE

92 21 15
                                    

One week lang nun naburol si Miss. Lahat pa ng kulay simula sa kabaong at decorations ay kulay peach pati yung damit niya na hanggang talampakan ay color peach rin. Pati yung mga bulaklak ay tulip na peach. Kung hindi peach ay pink. Wala ng ibang kulay kundi iyon lang. Kaya nagmukhang aesthetic ang burol niya.

Pwede mo ng gawing background pang instagram.

Hindi makamayaw sa ganda si Miss kahit pa nasa loob na siya ng kabaong. Para lang siyang natutulog. Mukha siyang so Snow White na may pagka Maleficent. Hayy. Namiss ko na siya. I miss those roll eyes, her bad words, her 'wala kang pake' and 'I dont care'.

Hindi ko parin lubos maisio na wala na siya. Sobrang sakit parin.

Kahit na ganun hindi parin siya nawawala sa puso't isip ko. Siya lang ang teacher na naclose ko. Kung alam ko palang yun na yung last hug ko sakanya sana sinulit ko na.

Kung alam kong yun na yung huling chika ko sakanya sana di ko na tinapos pa.

Kung alam kong yun na yung huling picture namin sana pala inubos ko na ang huling storage ko.

Nagsisisi ako na dapat sinulit ko na lahat.

Hindi namin iniwan si Errant. Tumulong kami sakanya. Para malaman niyang nandito parin kami para sakanya. Na kami ang magiging pamilya niya. Sakanya narin nabigay lahat ng mana ng ate niya. Sumama narin kami sa mga hearings.

At syempre nanalo ang panig namin. Thanks to god. Nabigyan rin ng hustisya si Miss.

Sa isang memorial inilibing si Miss.

Audacity Blood
1990-2020

Yun lang ang nakalagay sa lapida niya simple lang iyon.

Marami rin ang dumalo sa libing. Mostly teachers and students.

"Alam niyo ba kung bakit siya pumasok sa pagiging teacher at iniwan ang firm niya?"nasa paanan kami ngayon nakaupo sa may bermuda grass.
"Because she see herself in you guys. Matagal na siyang naglilibot sa school kaso nga hindi naman kayo lumalabas kaya hindi niyo siya nakikita. Enjoy na ejoy siya kapag may napapa alis kayong teachers. Pinag iisipan na nga siyang baliw. Hanggang sa ma bored siya at naisipang maging teacher niyo nalang. You're so special guys. Nagawa niyo siyang pangitiin."nakaka warm ang sinabi ni Errant hindi ko talaga makakalimutan si Miss.

"Seeing you all happy makes her so happy as well. Kaya nung tinuring niya kayong pamilya ay ganun na rin ang turing ko sainyo."

Di namin mapigilang magyakapan pagkatapos nun.






It's been eight year since Miss Audacity died. Nasa amin parin ang mga alaalang binigay niya.

Nasa amin parin yung bracelets na pinamigay niya.

Yung sakin ay suot na ni Kiera yung kay Ken suot na ni Kyram.

"Dito  muna kayo kina lola at lolo ha?"iiwan namin muna ang mga bata kina mommy dahil pupunta kami ngayon sa Manila para dalawin ang puntod ni Miss ito yung time na nakaka reunion kami.

"Bye mommy, bye daddy."sabay sabay silang humalik sa mga pisngi namin.

Kyram is just 5 years old and Kiera is 3.

Kumayaw muna kami sakanila bago umalis. Tinupad ko ang pangarap ko noon na dito sa Baguio maninirahan. Binili ko ang rest house nila Miss. At binilhan ko naman ng bahay sina Mommy at Daddy.

Nagkita kita kaming magkakaklase sa puntod ni Miss.

Nakalatag na doon ang mga pagkain.

Dito kami annually nag cecelebrate ng reunion namin. Para makasama si Miss.

"Wassup!?"napatingin kami kay Errant na ngayo'y doctor Errant na. Ngunit wala paring girlfriend. He just kept his promise na si Miss Audacity lang ang magiging babae niya.

"Wassup Attorney!"bati niya sakin. Napailing nalang ako.

Attorney na kasi ako ngayon bukod sa idol ko si Miss ay eto talaga ang pangarap ko sa buhay.

"Lieutenant!"Ken and Errant do some hand shakes. Yep na abot na ni Ken ang pangarap niyang maging Lieutenant.

"Wassup bitches!"gayang gaya ni Laine na ngayo'y teacher na ang boses ni Miss. Kaya nagtawanan kami!

"Am I late?"si Fara na ngayo'y psychologist na.

"Chef Mary!tulungan na kita!"hindi parin nasasagot ni Mary Ann si Red HAHAH. May dalang foods si Chef kaya tinulungan namin siya.

"Thanks architect!"natatawang sambit ni Mary kay Red.

"Sheeet mangangak nako!"dali dali kaming lumapit kay Jheralyn na buntis na ngayon sa ikatlo niyang anak.
"Char."sinamaan namin siya ng tingin.

Dentist si Jhe tas Manager sa isang bangko si Kenneth. Nagkatuluyan pa sila.

"Hola!"sa wakas dumating na rin sina Marlyn at Fynn. Mag jowa silang dalawa. They are both working on the airplane. Flight attendant si Mars at Pilot si Fynn.

"Engineer Lance!"natatawa ako ng mag hand shake nanaman sila yung mga maangas na something.

"Mag mano kayo sakin!"sabay sabay kaming natawa nang dumating si Arve.

"Good evening father."hindi talaga kami makapaniwala na magiging pari to si Arve. Sa sobrang suplado ba naman nito at chickboy naku naku!

Nang makompleto kaming lahat ay  nagdasal kami para sa kaluluwa ni Miss at nag start ng kumain.

Gabi na nyun nang mag picture kaming lahat. Syempre may pa photographer na kami ngayon. Anyayaman na namin tas walang photographer? Di pwede yun char.

"Sandali lang po ah?"sabi ni manong camera man. Matanda na siya eh.

Napapatingin pa siya samin at babalik ulit sa camera tas balik ulit samin.

"May problema po ba? Nangangawit na yung bibig ko kakangiti."asik ni Father Arve. Bat pa napasok to sa kombento!?

"May sumasama po kasi sa picture."halos mapatalon at tumakbo kami sa kung saan saan. Dahil sa sinabi nung camera man.

Natatawa nalang ako sa itsura ng mga kaklase ko noon.

Hindi ko mawaring maisip na maaabot na namin ang mga pangarap namin. Sa pagkatarantado ba namin ano? Andami na ring nangyari samin. Kaya mapapangiti nalang sa katarantaduhan namin noon.

Napangiti ako nang maalala ang palaging sinasabi samin ni Miss Audacity. At patuloy naming inaalala at ipapamana sa susunod na henerasyon. . . . .

"If you want your fucking dream to fucking happen, then you have to wake up bitch."

S. Y. 19-20






                    -THE END-







Spreadlove




Lovelots


-paperjean-

MISS AUDACITY #mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon