Simula

276 14 11
                                    

'Nasaan ka na?'

Napangiti naman ako sa text ng girlfriend ko'ng si Kyline. Alam kong galit na yan kasi kanina pa dapat ang usapan naming pagkikita, it's been like what?

15 minutes? Napaka-inipin talaga ng babaeng yun, pasalamat siya mahal ko siya eh.

"Ano? Aalis ka na? Hinahanap ka na ng jowa mo? Weak mo talaga, Ken," biglang sabi ni Duke ng mahuli niyang nakatingin ako sa cellphone ko.

"Mama mo, weak. Diyan na nga kayo," sabi ko sa mga tropa ko at tumayo na mula sa pagkakaupo.

"UNDER!" rinig ko pang sigaw ng mga ito nang makalayo na ako sa tambayan namin, natawa na lang ako at nagmamadaling tumakbo papunta sa gate ng school namin kung saan ang usapan naming pagkikita ni Kyline.

Patungo sa gate ng school ay biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Zeoh. "Oh?" sagot ko rito habang patuloy pa rin na naglalakad.

"Uuwi ka ng maaga?" tanong nito, mukhang tapos na ang ginagawa nilang project ng groupmates niya.

"Pauwi na ko ngayon, bakit?"

"Pasabay," sagot nito.

"Ayoko, ihahatid ko pa si Kyline, naghihintay na sakin yun, mamaya na lang," sabi ko, hindi ko na hinintay pa ang sunod niyang sasabihin at agad na binaba ang tawag.

Nakita ko naman ang maganda kong kasintahan at nakasimangot ito, mukhang inip na inip na sa kahihintay sa akin. Nakangiti naman akong lumapit dito.

Agad kong pinulupot ang braso ko sa bewang niya at hinalikan ang pisnge niya. "Nag-hintay ka ba ng matagal?"

"You're 20 minutes late," masungit na sabi nito at masama akong tinignan

"Sorry na, ayaw pa ko paalisin nila Ram eh," sabi ko at hahalikan sana siya sa labi kaso umiwas ito. "Ayos ka lang?" tanong ko at hinalikan na lang siya sa noo niya.

Pagkalayo ko, matapos siyang halikan sa noo ay inalis nito ang braso ko mula sa pagpulupot ng bewang niya at bumuntong hininga.

"Let's stop this, Ken," sabi nito, kita sa mga mata niya ang pagsisisi o baka iniisip ko lang iyon.

Napatigil ako sa sinabi nito at mapait na tumawa. "Stop joking, babe. Late lang ako eh, sorry na nga eh, promise di na mauulit," lalapit pa sana ako sakanya para yakapin siya kaso tinulak niya ako.

"I'm not kidding, ayoko na, Ken," muling sabi nito.

Halos madurog ang puso ko nang mapagtanto kong seryoso siya kaya naman kahit masakit ay nagseryoso na rin ako. "Bakit? Dahil ba 'to sa mga magulang mong homophobic? Ky, matatanggap rin nila tayo, hintayin mo lang," pagpupumilit ko at hinawakan ang mga kamay niya.

"It's not about that, Ken! Ayoko na! Tapos na tayo!" sigaw nito at naglakad, ngunit agad kong hinawakan ang pulsuhan nito.

"Ky, you're not breaking up with me for no reason! Sabihin mo! Hindi yung ganitong nagmumukha kong tanga!" naiinis na sabi ko.

Iniwakli niya ang braso niya. "Lalaki ang gusto ko!" sigaw nito.

Bigla akong natawa pero walang kahumor-humor ito. "Dalawang taon tayo, Ky. Tapos ngayon lalaki?"

"I was curious and I don't love you anymore, Ken. Ayoko na, tapos na tayo," sabi nito at doon na nga siyang tuluyang umalis.

Napasuklay ako sa akin buhok at kinuha ang cellphone ko. Agad kong tinawagan si Zeoh, wala pang tatlong ring ay sumagot na rin agad ito.

"Asan ka?" tanong ko.

"Nasa gate na, bakit?" hinanap ko siya at nakita ko naman ito palabas ng building namin.

Sa Bawat HalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon