Kabanata 18

59 6 8
                                    

"Ma," bati ni Zeoh sa nanay niya, ipapakilala niya na daw kasi ako.

"Zeoh, anak. Is she here?" masayang tanong nito. Napatingin ito sa akin kaya naman ay agad akong ngumiti. "Ikaw na ba ang nagpatibok sa puso ng anak ko?" tanong nito na ikinatawa ko.

"Hello po." magalang na bati ko, lumapit ito sa akin at nakipagbeso.

"Ma, si Kenzienne. Zienne, si Mama." sabi pa ni Zeoh.

"Kenzienne, such a gorgeous name, just like you." puri nito at ngumiti pa. "Mind if you had a drink with me?" tanong nito. "And you, young man, doon ka muna sa mga pinsan mo habang hinihiram ko ang napakaganda mong nobya." sabi nito.

Tinignan ako ni Zeoh at para bang tinatanong ng mga mata nito kung magiging ayos lang ba ako. I gave him a reassuring smile bago siya tuluyang umalis.

Tumungo kami ng nanay niya sa bar kung nasaan angmga drinks."What kind of drink do you like?" tanong nito.

"Okay na po siguro ako sa juice." nahihiyang sagot ko.

"Oh, come on. Wag ka masyadong KJ, get something hard, how about a whiskey?" tanong nito. Tatanggi pa lang sana ako dahil ayokong malasing ngayon ngunit tinawag na nito ang bartender. "Two whiskey for us, please." order nito, wala na akong nagawa at tinanggap na lang ang inorder niya para sa akin. "Tell me, what kind of boyfriend is my son?"

Saglit akong nag-isip bago siya sinagot. "He's actually sweet and caring. Akala ko magiging cold itong boyfriend kasi ganun yung pagkakakilala ko sakanya but I guess, I'm wrong." pagkwekwento ko.

"He got that from his father." nakangiting sabi nito bago ito uminom ng whiskey na inorder niya. "You know what..." pagsisimula nito matapos niyang uminom. "You were the first girl that Zeoh brought to us, I mean ikaw ang unang babae na pinakilala niya sa amin bilang nobya niya." sabi nito.

"Talaga po?" hindi makapaniwalang tanong ko at tumango lamang ang ina ni Zeoh.

Inisip ko ang mga past relationship ni Zeoh at wala akong maalala na nakatagal siya ng isang buwan sa isang babae. Pareho sila ni Jarvis, tatlong linggo na ang pinakamatagal nila sa isang relasyon.

"I remember asking him once, kung kailan siya magpapakilala sa amin ng girlfriend niya, because alam ko naman na meron na itong kinikita kaso ayaw lang ipakilala sa amin." sabi nito bago sumimsim sa inumin niya. "And I love the way he answered me." nakangiting sabi nito habang inaalala ang usapa nila Zeoh.

Kahit ayoko uminom ay sumimsim din ako ng kaunti sa inoming inorder sa akin ng Mama niya. Napapikit pa ako dahil gumihit talaga ito sa buong lalamunan ko.

"He told me," muling pagsasalita ng ina ni Zeoh. "Ma, kung magpapakilala ako sayo ng nobya, gusto ko yung babaeng mahal na mahal ko, yung alam ko sa sarili ko na siya ang gusto ko panghabang buhay. What's the use kung magpapakilala ako sayo nang alam ko sa sarili ko na pangsaglitan lang, right?" sabi nito at tumawa pa. "He probably loves you a lot, kaya naglakas loob na siyang ipakilala ka sa amin."

Napatungo ako sa sinabi ng mama niya, parang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko. Napabuntong hininga ako, I shouldn't have come here. Hindi na dapat ako pumayag sa plano nilang magpipinsan.

Kung alam ko lang na may madadamay na inosente sa plano ko, sana hindi ko na lang pinilit si Zeoh na makipagrelasyon sa akin. Sana hindi ako nagmatigas at sumunod na lang sa sinabi ni Duke. Sana nag-move on na lang ako kay Kyline. Sana kinalimutan ko na lang siya. Sana hindi ko na dinamay si Zeoh sa larong ginawa ko.

I sighed. Kahit naman anong gawin ko, wala na. Nandito na ako. Nagawa ko na. Nasimulan ko na ang larong ginawa ko.

"Uhm... Tita, excuse po muna, may sasabihin lang ako kay Zeoh." pagpapaalam ko rito.

"Oh, okay. Doon muna ako sa mga friends ko, it was nice meeting you, Kenzienne." sabi nito at nginitian ako.

"Kayo rin po, Tita." I smiled.

Agad kong nilibot ang mga mata ko at hinanap si Zeoh, nakita ko itong masayang nakikipagusap sa mga pinsan niya.

Naglakad ako patunga doon at muntik pa kong madapa dahil sa suot kong sapatos.

Bwisit.

"Zeoh," tawag ko dito.

Lumingon ito sa akin at nginitian ako. "Oh, guys. May ipapakilala ako sa inyo," masayang sabi nito sa pinsan. "Kenzienne, my girlfriend."

Agad kong nginitian ang mga pinsan nito.

"May paganon?" kumento ni Primo. "As if namang hindi namin kilala yan," sabi nito at umirap pa.

"Hindi ko naman kasi sayo pinapakilala," sagot ni Zeoh dito.

"Edi kanino? Kay Ram? Kay Jarvis? Eh kilala rin naman nila yang tibong yan." sabi pa ni Primo.

"Wait, tibo? As in lesbian?" gulat na tanong ng isang babaeng pinsan ni Zeoh. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang nagiisang babaeng kapatid nila Primo na si Myrtle.

"Yeah, she was a lesbian." kumpirma ni Zeoh sa mga pinsan.

"Then she fell in love with you?! OMG! That's a cute love story! So tell us, paano nagsimula lahat?" kinikilig na tanong naman ng isa pa sa mga babaeng pinsan ni Zeoh.

"Uh, well..." tinignan ako ni Zeoh at kita sa mga mata nito na nanghihingi siya ng tulong kung paano nagsimula ang love story daw kuno namin.

"Ken was heartbroken from her ex-girlfriend then Zeoh helped her to move on and I think, she fall in love with Zeoh, that's their story." pagkekwento ni Duke.

"Ano ba! Hindi naman ikaw ang tinatanong ko! Ikaw ba si Kuya Zeoh? Si Ate Ken?! Napaka-epal mo kuya Duke." sabi ng babaeng pinsan ni Zeoh na hindi ko pa rin alam ang pangalan.

"Just get with it, Tatianna. Buti nga kinwento pa ni Kuya Jarvis yung story nila Ate Ken." sabi naman ni Trese, isa rin sa mga pinsan nila Zeoh na nasa kaedaran ni Blake. "Napakachismosa mo talaga."

"Shut up, Kuya. Akala mo naman hindi ka chismoso! Sayo ko nga nalaman na may girlfriend na si Kuya Zeoh." sabi ni Tatianna, ang babaeng pinsan ni Zeoh na hindi ko alam ang pangalan kanina.

"Which is dinaldal mo naman kay Myrtle," natatawang sabi ni Ate Dawi na narito rin sa mesang kinauupuan namin.

"Ate Dawi!" sigaw nito at pinanlakihan pa ng mata si Ate Dawi.

Nagsitawanan naman sila at ako ay napangiti na lamang sa inaakto ni Tatianna.

"Zeoh, ang sakit na ng paa ko," bulong ko kay Zeoh.

"Ano gagawin ko?" bored na tanong nito.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto ko na umuwi," sagot ko.

"Edi umuwi ka." sagot nito.

Napairap na lang ako sa sinabi niya. Wala akong choice at umupo na lamang doon.

Naramdaman ko ang biglang pagkirot ng paa ko kaya naman ay napahawak ako doon at saglit na minasahe.

Tumigil lamang ako nang biglang tumunog ang phone ko.

From: Mama

Walang tao sa bahay, nsa akin ang susi. Hanp k mna ng matutuluyan mo. Luv u.

Napapikit na lamang ako sa text ni Mama. Ano ba naman tong si Mama eh! Parang timang! Ngayon pa umalis, saan nanaman kaya ang lakad noon at gabing-gabi ay aalis ng bahay.

Napabuntong hininga na lamang ako at muling minasahe ang kumikirot na paa ko.

Napansin ata ni Zeoh ang ginagawa kong pagmasahe ko sa paa ko kaya naman ay saglit niya kaming pinaalam sa mga pinsan niya.

"I'll take you somewhere." napakunot ang noo ko sa sinabi niya ngunit hinayaan ko na lang siyang hilahin ako kung saan.

Sa Bawat HalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon