Kabanata 3

94 10 6
                                    

(Kizeoh's POV)

Dalawang Oras. Dalawang oras na akong nakaupo sa kinauupuan ko at nagiisip ng iguguhit para sa assignment na pinagagawa sa amin ng propesor namin. Sa dalawang oras na yun ay blangko pa rin ang papel na nasa harap ko.

It's been three days since Duke and Ivy fight because of Kyline. Three days since she asked me a favor, three days since the last time I saw her.

Hindi siya nagpaparamdam, kahit kanila Primo at Ram. Hindi ko rin alam sa tibong yun, ang gulo-gulo. Sana naman magising na siya sa mga sinabi ni Duke.

Suddenly my office's door open wide. Niluwa ito ang walang hiya kong kapatid. "For Pete's sake! Didn't your teachers thought you to knock before coming inside to someone else's room?!"

"Oh yeah, sorry old man, may sakit nga pala sa puso." sabi nito. Bigla naman akong inabotan nito nang isang bouquet ng bulaklak at isang box ng tsokolate.

"Ano 'to? Aanhin ko yan? Nililigawan mo ba ko?" tanong ko.

"Yak! Mandiri ka nga kuya, kung magiging babae man ako, hindi mga isang gaya mo ang type ko." sabi nito at humiga sa sofa na narito sa opisina ko. "May nagpadala daw sabi ni Manang Kris, nagprisinta akong dalhin sayo, para malaman ko kung sino nanliligaw sa magaling kong kuya." sabi nito at nagtaas-baba pa ang mga kilay nito.

Bigla itong bumangon sa pagkakahiga niya sa sofa at tinignan ang bulaklak na ibinigay sa akin, ngunit bago pa ito makalapit ay tinulak ko ang noo niya.

"Tumigil ka." sabi ko at tinignan ang bulaklak, nakita ko naman ang isang sulat na nasa loob nito.

'Roses are red, violets are blue, what would I do without you?'

-Ken ♥

"Ken? Tapos ikaw si Barbie? Bakla ka?!" gulat na gulat na tanong ni Leo nang mabasa niya ang nasa letter na hawak ko.

Agad ko itong binatukan. "Mas bakla ka pa nga saking hayop ka." sabi ko dito at tinago ang letter na natanggap.

"Lul, ako bakla? Magiging bakla lang ako kapag naging lalaki si Mayumi." sabi nito habang hinihimas ang parte ng ulo na binatukan ko.

"Mayumi? Yung kaklase ko?" tanong ko, bigla naman itong umiwas ng tingin at namula pa ang mga pisnge. "Sa tingin mo magiging type ka nun? Nanaginip ka ata nang gising."

"Atleast di ako gaya mo na inlove sa bestfriend niyang tibo na si Ken—" natigilan ito bigla, napangiti na lamang ako nang marealize niya ang dapat na kanina niya pa na realize. "Kay ate Ken galing yan?!" gulat na sigaw niya at tinuro pa ang bulaklak at tsokolateng nakalagay sa lamesa ko.

I shrugged. "Tingin mo? May kilala ka pa bang Ken?"

"Pero tibo yun diba?! Tapos dapat lalaki yung nanliligaw! Bat mo hinahayaan na ligawan ka ni ate Ken?! Isa kang kahihiyan sa lalaki." sabi nito at nandidiring tinignan ako.

"Kahit gustuhin kong ligawan si Ken, alam kong hindi papayag iyon, tibo nga siya diba?" sabi nito at inaayos ang mga natanggap ko. Nagsimula na rin akong gumihit sa kaninang blangkong papel ko.

"Paano nangyari? Paano ka niya nagustuhan? Paano ka umamin? Sabihin mo sakin, dali! Hindi ka na nagkwekwento sa gwapo mong kapatid." sabi nito at niyugyog pa ang katawan ko.

"Sasabihin ko sa iyo kapag napasagot mo na si Mayumi." sabi ko rito at pinagpatuloy ang pagguguhit ko.

"Hindi kita kukuning best man sa kasal namin! Bahala ka diyan! Damot! 'Who you?' ka talaga sa akin pag naging kami!" parang batang sabi nito at lumabas na sa opisina ko.

Paglabas ni Leo ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Ivy. Hindi agad ito sumagot sa unang pagtawag, kaya naman ay paulit-ulit ko itong tinawagan.

Sa panglimang beses na pagtawag ko ay sumagot na ito. "Hey, babe." sagot nito.

Sa hindi malamang dahilan biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napangiwi na lamang ako sa narinig at nararamdaman.

Damn, Ivy.

"What the actual fuck? What's going on with you? Why are you suddenly calling me 'babe' at nagdala ka pa ng mga bulaklak at tsokolate dito sa bahay." sabi ko.

"I don't want to fuck this up. Ayoko rin malaman ni Duke, so let's show everyone like it is real." sabi nito.

She really loves Kyline.

"You really love that girl, huh?" tanong ko.

She giggled like a little girl. "Yeah and I'll win her back, no matter what."

Kung kanina ay napakalakas ng tibok ng puso ko, ngayon ay halos mabingi ako dahil sa lakas nang pagkabasag nito.

I sighed. "You might want to tell me, kung anong gagawin ko sa palabas mong ito 'no? Hindi yung bigla-bigla ka na lang magdadala ng kung ano-ano dito sa pamamahay ko. Huwag mo na ulit gagawin yun, nagtataka si Leo kung paano tayo nagkagustuhan, when you are literally a lesbian. Napakachismoso pa naman ng isang yon." sabi ko rito.

"Just act like you're in love with me, that's it." sagot nito.

Why act? When I'm literally in love with you?

"So what will happen in monday?" tanong ko.

"Sunduin mo ko, ikaw lang, huwag mo isama mga pinsan mo and I'll tell you everything, tomorrow." sabi nito at tuluyan nang binaba ang tawag.

Sa sumunod na umaga ay yun nga ang ginawa ko, sinundo ko si Ken. Nasa harap ako ng bahay nila ngayon, hinihintay siyang lumabas ng bahay.

"Hey." napatingin ako sa tumawag at nakita ko si Ken.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang itsura niya. "You're hair... What happen? How?" tuloy-tuloy na tanong ko.

Ang dating buhok nitong maiksi na hindi umabot sa balikat niya ay umabot na ngayon sa may ilalim nito.

Awe is still written in my face, kaya naman ay pinitik nito ang noo ko. "Hoy, ako pa din to. Tibo pa din ako, si Ken pa din ako. Para kang timang diyan." sabi nito habang sinusuot ang extra helmet ko.

Damn, she looks gorgeous.

Nang makabalik ako sa huwisyo ay sumakay na ako sa motor ko, sumunod naman si Ken.

"Drive safely, babe." bulong pa nito dahilan para lumakas lalo ang tibok ng puso ko.

"Shut up, Ken. Nandidiri ako sa mga pinagsasabi mo." sabi ko at inistart ang motor ko.

"Tss, akala mo ba ikaw lang! Kundi lang para kay Kyline 'to, hindi ko gagawin 'to, kadiri, bro!" sabi nito at humawak na siya sa balikat ko.

Hindi na kami nagsalita nang magsimula na akong magmaneho dahil hindi rin naman kami magkakadinigan.

Hindi naman ganun kalayuan ang school mula sa bahay nila Zienne kaya naman wala pang kalahating oras ay nakarating na kami rito.

Habang pinapark ko ang motor ko ay nagsimula na ang mga bulung-bulungan sa gilid-gilid. Parepareho lang naman ang mga naririnig ko.

'Si Ken ba yun?'

'Jowa ba ni Kizeoh yon?'

'Hala! Babae na pala si Ken?'

'Sila na ba?!'

Napailing na lang ako sa narinig ko. Nasa kolehiyo na't lahat, napaka issue pa din ng mga tao. Hindi ko na lang ito pinansin at hinarap si Ivy.

Inabot nito sa akin ang ginamit niyang helmet. "Kamusta na pala kayo ni Duke? Ayos na ba kayo?" tanong ko bigla kay Ivy.

Umiling ito. "Di pa. Pero susubukan ko ngayon." sabi nito habang inaayos ang sarili. "Ako bahala dun, di rin ako matitiis nun." sabi nito at nginitian ako. "Tara?"

Tinanguan ko lang siya at nagsimula nang maglakad, humabol ito sa paglalakad ko at bigla na lamang niya hinawakan ang kamay ko dahilan para mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko na kanina pa napakalakas.

"Hold my hand. That's a boyfriend's duty." bulong nito habang patuloy kaming naglalakad papasok sa building ng school namin.

Kenzienne Ivy Mireles, why are you driving me crazy?

Sa Bawat HalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon