"First, let's find you something to wear." sabi ni Ate Dawi or also known as Darah Winter, ang nakakatandang kapatid ni Duke.
Isa rin siya sa magpipinsang Von Hugo na ka-close ko, madalas kasi ako sa bahay nila Duke kaya siguro kahit papaano ay naging close kami.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na mag-jowa na kayo ni Kizeoh ngayon, the last time I heard from you was, you keep on asking Duke na samahan ka niya uminom." sabi nito.
"Hehe, sorry na, Ate." nahihiyang sabi ko.
"Tsk, ayos lang naman pero kilala ko kasi yun si Jarvis basta may alak siguradong may balak yan, I just don't want him to keep on sleeping with girls and the next day para bang wala lang sakanya ang nangyari." sabi nito.
"Here." abot nito sa akin ng tatlong mamahaling gown na narito sa boutique na pagmamay-ari niya. "Try them, tapos tignan natin kung ano ang babagay sayo." sabi nito at nginitian niya ako.
Pumasok ako sa fitting room at sinampay ang mga damit na binigay sa akin.
I sighed, hindi pa naman ngayon ang araw ng reunion pero kinakabahan na ako. Magsusukat lang naman ako ng gown pero para bang sasakay ako sa isang nakakatakot na rides sa kaba ko ngayon.
Kinuha ko ang unang gown, it's a blue off-shoulder cocktail gown. Sinuot ko agad yun at lumabas para makita ang reaksyon ni Ate Dawi.
"Try the other two." sabi nito nang makita niya na ang itsura ko.
Sumunod naman ako at sinuot naman ang isang red tube gown na medyo hindi ako kumportable.
First time ko 'to 'no.
"Hmm, okay. Try the last one." tanging sabi nito. Muli akong pumasok sa fitting room.
Grabe, parang wala lang kay Ate Dawi yung itsura ko sa mga gown na yun. Well, bakit naman siya magugulat, right? Sa simpleng puting dress na off-shoulder na suot niya ngayon ay sobrang elegante na niya.
Samantalang ako, suotin ko man ang pinaka magarang damit sa mundong ito ay hindi rin babagay sa akin.
Siguro, tama si Duke, dugyot nga ko.
Bumuntong hininga ako at sinubukan ang huling damit. Ang tawag ata dito ay tulle gown, kulay light blue at mahaba ang sleeves nito.
Hindi na ako nag-expect ng reaksyon mula kay Ate Dawi nung lumabas ako pero nung makita niya ako ay nanlaki ang mga mata niya.
"I knew it!" masayang sabi nito at lumapit sa akin, hinawakan niya ang balikat ko at inikot-ikot ako. "I know you will look gorgeous with this one." sabi nito at pumalakpak pa.
"Let's pick you some shoes now." sabi nito at hinila ako kung nasaan ang mga sapatos niya.
Nang makita ko ang mga sapatos na narito sa boutique niya ay napangiw ako dahil halos puro may mga heels ito. "Ate, ayoko ng heels, baka mapahiya lang ako doon." nagaalalang sabi ko dito.
"Nah, paano ka matututo kung hindi mo susubukan right?" sabi nito at kumuha ng limang sandals at binibigay ito sa isang sales lady niya na kanina pa nakasunod sa amin.
Saglit kaming umupo sa isang sofa na narito habang hinihintay ang mga inutusan ni Ate Dawi para kunin ang mga size ng sapatos na pinili niya kanina, para sa akin.
Pagdating nito ay agad itong pinasukat sa akin ni Ate Dawi. "No, too boring." sabi nito nang suotin ka ang unang sapatos na pinili niya.
"Too much beads." kumento niya naman sa ikalawang sapatos na sinukat ko.
"I don't like the color." sabi niya naman sa ikatlong sapatos.
"Okay, I like that, but also try the other one." kumento niya sa ika-apat.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Halik
Romance[Etereo Paraiso #1] Kizeoh Von Hugo is your typical heartbreaker. Never siyang nagpakita ng pake sa mga babaeng nakarelasyon niya or more like wala pa siyang sineryoso na babae. But little do they know, Zeoh is in love with one girl, babaeng hindi...