Tahimik akong nakahiga sa sofa namin at tamang scroll lang sa cellphone, nang may lumipad na tsinelas at saktong tumama ito sa mukha ko. "Aray!"
"Nakahilata ka nanaman diyan! Maglinis ka nga ng sala! Hindi yung tatamad-tamad ka diyan!" pagsisigaw ni Mama.
Napanguso ako. "Masakit pa ulo ko eh, bukas na lang." pagdadahilan ko.
"Cellphone ka kasi nang cellphone kaya sumasakit ulo mo! Maglinis ka at nang mabawasan mga gagawin ko!" sabi nito at inabot sa aking ang walis at dustpan.
Dahil wala rin naman akong choice naglinis na ako. Nang malapit na ako matapos ay bigla akong may narinig na pamilyar na busina ng kotse.
Napatingin ako doon at napakunot ang noo ko nang makita ko ang mga kaibigan ko. "Sino yan?!" tanong ni Mama.
"Sila Zeoh." sabi ko at tuluyan nang lumabas sa bahay. "Ano ginagawa niyo dito?" tanong ko.
"Magbihis ka, aalis tayo, nagugutom daw si Kuya." iritang sabi ni Ram.
"Ako?" paninigurado ko.
"Hindi! Nanay mo sinundo namin! Aalis kasi kami!" pilosopong sagot naman ni Primo.
Bumalik ako sa bahay at inayos ang naiwan ko at nagbihis. "Ma, aalis ako!" pagpapaalam ko kay Mama.
"San ka nanaman?" iritang tanong nito.
"Nag-aaya yung mga kumag eh. Kakain daw." sabi ko.
"Pasalubungan mo ko." sabi nito at napangiti na lamang ako. Akala ko 'di ako papayagan eh.
Sumakay agad ako sa sasakyan nang payagan na ako ni Mama. "Trip niyo?" tanong ko pagkasakay na pagkasakay ko.
"Eto, bigla na lang kaming pinaghihila." sabi ni Duke at itinuro pa si Primo. "Nagugutom daw siya, gusto niya daw kumain ng sushi."
"Hayop yan eh. Natutulog pa ako biglang nambubulabog." sabi ni Zeoh na nagdadrive.
"Buti buhay ka pa, Primo." pang-aasar ko.
Guluhin niyo na lahat ng bagong gising, huwag lang ang tulog ni Zeoh, baka mapatay ka niyan.
"Paano, nagpaalam siya kay Tito, eh masunuring anak iyan si Zeoh kaya ayun walang nagawa yan." pagkwekwento pa ni Duke na katabi ko.
"Ganyan nagagawa ng walang jowa." bulong ko kay Duke.
"Paano magkakajowa, di pa naman nakakamove-on." sabi pa ni Ram na katabi ko rin, mukhang narinig ang binulong ko kay Duke.
"Hoy, mga hangal, naririnig ko kayo." sabi pa ni Primo na nasa shot gun seat.
Nanahimik na lang kami at hinintay na lang makarating sa paroroonan namin.
Nag-scroll na lang ako sa cellphone ko habang naghihintay. Nang may makita akong post ni Kyline na kumakain sa isang cafe kasama ang mga kaibigan nila.
"Saan ba tayo?" pagbabasag ko sa katahimikan namin.
"Vertex Mall, bakit?" sagot ni Primo, umiling lamang ako.
Napangiti na lamang ako nang malaman kong pareho lang ang mall na pinuntahan nila Kyline at ang mall na pupuntahan namin.
Pagkatapos ng isang oras na biyahe nakarating na rin kami sa mall. Bumaba na ang tatlo sa entrance habang ako ay nagpaiwan para samahan si Zeoh magpark.
"Pre, andito sila Kyline." kwento ko.
"Oh, tapos?" bored na tanong nito.
"May plano ako." sabi ko at ngumisi. Napailing na lang ito at nagpokus na lang sa pagpapark.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Halik
Romansa[Etereo Paraiso #1] Kizeoh Von Hugo is your typical heartbreaker. Never siyang nagpakita ng pake sa mga babaeng nakarelasyon niya or more like wala pa siyang sineryoso na babae. But little do they know, Zeoh is in love with one girl, babaeng hindi...