"Mama, aalis na ako!" sabi ko at agad na hinablot ang bag ko.
"Hindi ka susunduin ni Zeoh?" tanong nito.
"Ewan, bahala na. Kung pumunta soya dito sabihin mo nauna na ko. Sige na! Ba-bye!" hindi ko na pinansin ang susunod niyang sasabihin at tumakbo na ako patungo sa sakayan.
Simula noong gabi sa party, dalawang araw na ang nakalipas, hindi ko na pinapansin si Zeoh- no, hindi naman sa ganun.
Talaga ba, Ken? Hindi mo nga ba siya iniiwasan?
Napailing ako sa kabilang side ng utak ko. Hindi kasi pwede ito, mali ito. Nakipagrelasyon ako kay Zeoh para makipagbalikan kay Kyline pero bakit ganito ang nangyayari? Bakit nahuhulog ako sakanya?
Argh! Kinuha ko ang earphones ko sa bag at agad na kinonekta ito sa cellphone ko. Baka sakali sa ganitong paraan ay mawala ang mga iniisip ko.
Hindi naman nagtagal ay nakakuha ako ng sasakyan patungo sa school. Sumandal ako sa kinauupuan ko at tahimik na nakinig sa playlist ko.
[Now Playing: I Won't Say (I'm In Love) from the movie 'Hercules']
Napangiwi ako sa kantang tumugtog. Sa dinamidami kong kanta sa cellphone ko, bakit ito pa? Ganito ba kaayaw sa akin ng mundo? Ano ba ang ginawa ko at pinaparusahan ako ng ganito?
Alam kong pwedeng-pwede ko palitan ang kanta pero pinabayaan ko na ito at hinayaang tumugtog, nakakatawa dahil pinaulit-ulit ko pa ito.
Pagkarating ko sa school ay saka ko lamang tinigil ang pagtugtog sa kantang pinakikinggan ko.
Hindi na ako nagsayang ng oras at dumiretso na sa klase ko pagkatapos kong magbayad sa driver ng sinakyan ko.
Maaga pa naman pero yung paglalakad ko ay parang late na ako sa unang klase ko. Pagkarating ko sa klase ay kakaunti pa lamang ang estudyante na naroon at tahimik sa loob nito kaya naman ay pinili kong matulog muna.
Hindi ko namalayan ang oras dahil sa pagtulog na ginawa ko kaya naman ay paggising ko ay nag-aattendance na pala ang supervisor namin.
Nag-inat ako bago ako tuluyang umupo nang ayos. "Von Hugo." tawag nito kay Zeoh ngunit wala sumasagot. Napalingon ako sa upuan nito at napakunot ang noo ko nang makita kong bakante ito.
Ano nangyari doon?
Kinuha ko ang cellphone ko para i-text siya ngunit noong pipindutin ko na ang 'send' button ay biglang bumukas ang pinto ng klase namin at iniluwa nito si Zeoh na naka poker face.
"You're late, Mr. Von Hugo." bati ng adviser namin dito.
"Sorry, sir." tanging sabi nito. Nagtama ang mga mata namin kaya agad akong umiwas, mula sa peripheral vision ko ay nakita ko itong dumiretso sa upuan niya na kanina ay bakante.
Napabuntong hininga, mukhang kasalanan ko ata na-late siya, siguradong pumunta ito sa bahay bago siya pumunta dito sa school.
Hinayaan ko na lang muna ang ideyang iyon at nakinig na lamang sa lesson na tinuturo ng guro namin.
Mabilis na lumipas ang oras at natapos na ang mga klase ko sa umaga, hudyat na lunch break na.
Tuwing lunch break ay sa canteen ang diretso ngunit iba ang nangyari sa mga oras na ito, imbis na dalhin ako ng mga paa ko sa tapat ng canteen ay nakita ko na lamang ang sarili ko sa tapat ng library.
Tangina, ano bang nangyayari sa akin?
Bumuntong hininga ako bago ako tuluyang pumasok sa loob ng library. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil gagawin ko na agad ang mga assignment sa amin o maiinis sa sarili ko dahil alam ko kaya ko ginagawa ito dahil ayoko munang makita o makausap si Zeoh.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Halik
Romance[Etereo Paraiso #1] Kizeoh Von Hugo is your typical heartbreaker. Never siyang nagpakita ng pake sa mga babaeng nakarelasyon niya or more like wala pa siyang sineryoso na babae. But little do they know, Zeoh is in love with one girl, babaeng hindi...