"Saan pumunta si Zeoh?" tanong ko sa mga pinsan niya pagkatapos kong kumanta sa unahan.
"Ewan, sundan mo dun," sagot ni Primo.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito at pinanood ang ibang mga taong kumakanta, meron na rin akong bagong inumin na kinuha ni Jarvis para sa akin dahil naubos ko na ang isa kanina at ngayon ay paubos na din ito ay hindi pa din bumabalik si Zeoh. Naunahan pa siya ni Duke na bumalik.
Nag-aalala na ako kung ano na ang nangyari dito dahil halos kalahating minuto na ang lumipas at hindi pa din siya bumabalik.
"Sa patungo si Zeoh nung umalis siya?" tanong ko kay Jarvis.
"Nakita ko siya doon sa loob kanina, giniginaw daw kaya nag-stay na doon sa bar kung saan ako kumuha ng drinks," sabi nito.
Dahil sa sinabi ni Jarvis ay pumunta nga ako sa loob na sana ay hindi ko na lang ginawa, dahil nakita ko si Zeoh na masayang nakikipag-usap sa babae. Hindi ko alam pero parang may kung anong poot akong naramdaman sa aking puso.
Bumalik na lang ako sa pwesto namin kanina. Kinuha ko ang kalahating cocktail na nasa baso ko at agad na inubos yun.
"Huy, nagbabalak ka nanaman ba maglasing?" natatawang sabi ni Jarvis.
I laugh sarcastically. "Why not? Hindi na ulit ako makakapaglasing kapag nagtrabaho ako dahil busy, so habang may oras pa, go!"
Kinuha ko din ang mga drinks na hindi nila naubos at ininom yun. Kumuha din ako ng libreng shot ng gin na siniserve ng isang waiter dito.
Tuloy-tuloy ang hingi ko sa inumin at hindi talaga ako tumitigil, ngunit nang unti-unti na akong tamaan ay patigil-tigil na akong uminom.
"Ano ba nangyari diyan?" tanong ni Primo kay Jarvis. Nagkibit balikat lamang ito.
"Tama na nga yan, Ken," sita sa akin ni Jarvis pero nilayo ko sakanya ang chaser na may laman pang gin.
"Ayoko! Nag-eenjoy ako! Hayaan niyo ko!" sigaw ko at tinungga ang inumin na hawak ko. "Try enjoying too! Huwag kayong killjoy diyan!"
Patuloy akong uminom ngunit dahil pinipigilan nila ako ay tumigil ako. Wala akong nagawa kundi hayaan silang hilahin ako patungo sa kwarto ko.
Nakahiga na ako sa kama ko at nakatulala sa kisame. A tear fell down my cheeks. Nasasaktan ako ngayon, yun ang alam ko sa mga oras na ito. Masakit, ang sakit-sakit.
Ganito rin yung nararamdaman ko nung sinundo namin siya ni Primo sa club at nakita ko siyang may kahalikan na iba. Mali eh, maling maramdaman ko 'to. Hindi pwede, bestfriend ko yun! Mag-bestfriend lang dapat kami!
Tinakpan ko gamit ng braso ko ang mga mata ko at patuloy na lumuluha. Hindi ko namalayan ay humahagulgol na rin pala ako, sumasakit yung dibdib ko dahil hindi ako makahinga ng ayos.
Umupo ako at sinubukan ikalma ang sarili ko pero mas lalo lang akong napahagulgol.
Biglang tumunog ang phone ko na nasa bed side table kinuha ko yan at nakitang tumatawag si Mama. Kahit umiiyak ay sinagot ko iyon.
"Mama," iyak ko.
"Oh? Ano nangyari sayo? Nasaktan ka ba? Naaksidente ka ba? Ano nangyari?" sunod na sunod na tanong nito at bakas sa boses niya ang pag-aalala.
"Hindi ko na kaya..." sagot ko at humikbi.
"Ang alin?" nag-aalalang tanong nito.
"Mahal ko na, Ma. Mahal na mahal ko na."
Hindi ito sumagot at nagulat ata sa sinabi ko.
"Shh, tahan na," sabi nito nang marinig niyang mas napahagulgol ako.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Halik
Romance[Etereo Paraiso #1] Kizeoh Von Hugo is your typical heartbreaker. Never siyang nagpakita ng pake sa mga babaeng nakarelasyon niya or more like wala pa siyang sineryoso na babae. But little do they know, Zeoh is in love with one girl, babaeng hindi...