Drinking starts again. Luckily, mayroong nagbubukas na bar dito sa hotel tuwing alas ocho ng gabi kaya naman ay agad kong niyaya si Zeoh nang malaman ko iyon.
"She has her reason! Why can't she just simply tell it to me?! It's not like she cares about what I feel! Because if she does, she would be here." pagrarant ko kay Zeoh at agad na tinungga ang inumin na nasa baso ko.
"What if I tell you she is here?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kaya naman ay agad kong nilibot ang paningin ko. "I was just asking, hindi ko naman sinasabi na andito siya." sabi nito at tumawa.
Agad kong sinuntok ang balikat niya. "Gago. Paasa ka." sabi ko pa at muli ay uminom.
Paniguradong lagot ako sa guro namin kapag hindi ako sumali sa mangyayaring activity bukas dahil uminom ako. Sana ay kahit papano magkaroon ako ng lakas bukas para makasali sa mga activity namin.
Muli ay sana tutungga na ako sa basong hawak ko nang agawin ito ni Zeoh sa akin. "Tama na yan." sabi nito at ibinaba ang baso sa counter.
Sinamaan ko siya ng tingin at kukunin sana ang basong kinuha niya mula sa akin ngunit agad niya iyon nilayo sa akin.
"Give it to me, Kizeoh." seryosong sabi ko ngunit umiling siya at tumayo mula sakanyang pagkaupo.
"Lasing ka na, marami pang gagawin bukas kaya tama na." sabi pa nito.
Binayaran niya ang mga drinks na ininom namin at hinila niya ako palabas ng bar na iyon.
"Ayoko pa bumalik sa kwarto." parang batang ingit ko.
He chuckled. "Sino ba may sabi na babalik na tayo?" sabi nito.
Hawak-hawak niya ang kamay ko at hinihila niya ko patungo sa- di ko alam kung saan man niya ko dadalhin.
Hindi naman nagtagal ang paglalakad namin dahil sa tapat ng dagat ay tumigil na kami sa paglalakad.
Binitawan niya ang pagkahawak sa kamay ko at humiga sa buhangin. "Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko.
"Star gazing." sabi nito sabay pinikit ang mga mata niya. Napatingin naman ako sa taas ngunit wala naman akong nakikitang mga bituin.
Paano kami magstastar gazing? Eh, wala namang stars.
Dahil ayoko pa naman bumalik sa kwarto at wala naman akong ibang pupuntahan ay tinabihan ko siya sa pagkakahiga niya sa buhangin.
Kinuha ko ang braso nito na pinapatungan ng ulo niya at ginamit kong unan sa akin. "Niloloko mo ko. Wala namang mga bituin tapos nakapikit ka, anong star gazing diyan?"
Tumawa lamang siya at nanatiling nakapikit ang mga mata. "Maghintay ka lang, magkakabituin din diyan. Trust me." sabi nito, napairap na lamang ako.
Tahimik akong nakatitig sa langit at tanging pag-alon lamang ng dagat ang naririnig ko at ang paghinga ni Zeoh na katabi ko, sobrang lapit kasi ng mukha namin sa isa't isa.
"Hoy, baka tinutulugan mo na ko, iiwan kita dito, subukan mo." banta ko at tinusok ang tagiliran niya.
He sighed. "My heart is beating too fast. Hindi ako makakatulog nito." sabi niya na dahilan para kumunot ang noo ko.
"Bakit naman kasi ang bilis ng tibok ng puso mo?" nagtatakang tanong ko.
"You tell me." sagot nito kaya napaikot ang mga mata ko.
"Paano ko malalaman, puso ko ba yan? Parang ewan ka rin minsan eh." naiinis na sabi ko rito.
Pumikit na rin ako dahil napapagod na ang mga mata ko at hinayaan na lang ang ideya na makakatulog kami rito. Bahala na si batman.
Ngunit parang si Zeoh ay mukhang hindi rin ako makakatulog. Thoughts about him came into my mind, he's relationships to be exact.
"How do you do it?" I asked out of the blue.
"Do what?" nagtatakang tanong nito.
I sighed, binuksan ko ang mga mata ko at tinignan siya na nakatingin na rin sa akin. Confusion is written all over his face.
"Not falling in love? Not getting attatched with the girls you're sleeping with? Paano mo napipigilan yon?" tuloy-tuloy na tanong ko.
He stared at me, ang kaninang pagtataka sa kanyang mukha ay wala na, ang blangko na nito, hindi ko na mabasa ang reaksyon niya.
Then suddenly, he laughed, na ipinagtaka ko. Hindi ko alam kung nakasinghot ba 'to o tuluyan nang nabaliw. Kanina pa siya tawa ng tawa.
"Nakakagago ka talaga kapag lasing ka, tawa ka ng tawa." sabi ko rito at umupo mula sa aking pagkakahiga. Nangangalay na ako.
Pagkatapos tumawa ni Zeoh ay umupo rin ito kaya naman ay nagkapantay na kami.
"Hindi ko pinipigilan 'yon, well, atleast hindi ako ang pumipigil sa sarili. May pumipigil sa akin." sabi nito.
Tinaasan ko siya ng kilay. "At ano naman yon? Ano? Sino? Bakit?" tanong ko.
He didn't answer instead nagtanong siya sa akin. "Ikaw? Bakit hindi mo makalimutan? Bakit hindi mo tanggapin na wala na talaga? Na hindi ka na niya mahal? Ano naman pumipigil sayo?" tuloy-tuloy na tanong nito.
I punched him in his arms. "Gago, iba naman yon."
Umiling ito. "Mas lalo mo lang pinapalalim yung sugat na ginawa niya diyan sa iyo. Tigilan mo na, Ivy. Masasaktan at masasaktan ka lang ng paulit-ulit kapag pinagpatuloy mo pa ito. Why not just accept things? Accept the fact that she doesn't want you anymore, the fact that she doesn't love you-" tumigil siya sa pagsasalita at bumuntong hininga.
Hindi ko alam kung bakit siya tumigil sa pagsasalita dahil ba sa pagsisimula nang pagtulo ng luha ko o dahil alam niyang masyado ng masakit ang mga sinasabi niya.
Ang pagpipigil ko sa aking paghagulgol ay nawala nang yakapan ako nito, naramdaman ko pa ang mga labi niya sa tuktok ng ulo ko.
"Oo, masakit, pero kapag tinanggap mo, unti-unti din mawawala yan." bulong nito.
"Ang daling sabihin ano? Ang dali-dali sabihin pero kapag gagawin na- wala na, nganga na. Tapos ang mahirap pa eh bigla mong maalala lahat ng masasayang nangyari sa inyo kapag magsisimula ka nang kalimutan siya. Tangina lang diba? Ganun siguro kagalit sa akin yung mundo. Gusto ko, Zeoh. Gustong-gusto kong kalimutan siya, gusto ko magalit sakanya, gustong-gusto ko pero mukhang tama ka nga may pumipigil sa akin. Pinipigilan ako ng-"
"Pinipigilan ka ng nararamdaman mo." pagpuputol niya sa sinabi ko. Napatikom ang bibig ko at lalong lumakas ang pag-iyak ko dahil tama ang sinabi niya.
Sa hindi mabilang pagkakataon ay muling bumuntong hininga ito. "Ngayon alam mo na? Alam mo na ang sagot sa tanong mo?" Napakunot ang noo ko dahilan para saglit na tumigil ako sa pag-iyak at nagtatakang tinignan siya. "Pareho lang tayo, Ivy. Pareho tayong pinipigilan ng mga nararamdaman natin."
Hindi na ako makapagsalita sa sinabi niya, hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin, kaya naman ay nanatili akong nakatitig sakanya, hinihintay ang susunod na mga kataga na ilalabas niya mula sa bibig niya ngunit nabigo lamang ako nang mag-aya itong umuwi. "Tara na, magpahinga na tayo, marami pa tayong gagawin bukas." nakangiting sabi nito at tumayo mula sa pagkakaupo niya.
Pagkatayo, inalok niya ang kamay niya para makatayo rin ako at agad ko namang tinanggap iyon.
Tahimik kaming bumalik sa hotel hanggang sa makarating kami sa tapat ng kwarto ko ay hindi siya nagsasalita. Akala ko ay mananahimik na lang ito hanggang makapasok ako nang pipihitin ko na sana doorknob ng kwato namin nang magsalita pa ito.
"Don't let your feelings drown you, Ivy."
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Halik
Romansa[Etereo Paraiso #1] Kizeoh Von Hugo is your typical heartbreaker. Never siyang nagpakita ng pake sa mga babaeng nakarelasyon niya or more like wala pa siyang sineryoso na babae. But little do they know, Zeoh is in love with one girl, babaeng hindi...