"Ewan ko sayo! Magsusuggest ka nag magsuot ako ng ganito tapos ayaw mo naman pala! Para kang tanga! Nakakabadtrip ka." iritang sabi ko dito at iniwan siya doon.
Pumunta na lang ako sa pool ng hotel which is nakita ko si Ram na kasama ang nobya niya.
"Oh, bakit di mo kasama si Zeoh? And what's with your outfit, it's not like you, you know?" tanong ni Ram nang umupo ako sa isang upuan sa tabi niya.
"Nakakainis yang pinsan mo, siya nagsuggest na magsuot ako ng ganito tapos ang sabi sa akin, ayaw niya daw nagsusuot ako ng ganito, parang sira lang diba?" iritadong kwento ko.
Tumawa lamang si Ram sa mga sinabi ko. "Oh, anyways, Quincy, this is Ken, kilala mo naman siya right? One of my friends." pagpapakilala sa akin ni Ram sa kasintahan niya.
"Yeah, nice meeting you, Ken." matamis na sabi nito.
"Yeah, you too. Sorry sa attitude ko, badtrip lang talaga ako sa boyfriend ko." sabi ko dito.
"So it was really official? Naging babae ka na talaga para kay Zeoh." natatawang sabi ni Quincy. "You two, actually are cute together."
Napabuntong hininga na lang ako. "Thanks." sabi ko at tipid na nginitian siya.
"Oh, babe, doon muna ako sa mga friends ko." pagpapaalam ni Quincy at tinuro pa ang mga kaibigan na nasa pool, agad naman pinayagan ni Ram ito. "See you around, Ken." pagpapaalam pa nito sa akin, tumango lamang ako at nginitian siya.
"So hanggang kailan niyo balak yan?" biglang tanong ni Ram pag-alis na pag-alis ng nobya niya.
Kumunot ang noo ko. "Anong balak?" tanong ko.
"Come on, Ken. I'm not stupid para hindi malamang hindi kayo nagpapanggap ni Zeoh. Kaibigan kita at pinsan ko naman si Zeoh, kilalang-kilala ko na kayo." sabi nito.
"Do you think, malaman ni Duke?" out of the blue na tanong ko.
"You tell me, Ken. Matagal mo na kaming kaibigan, hindi naman ganun katanga si Duke para hindi niya malaman." gaya ng kuya niya ganun din ang sinabi nito sa akin.
I sighed. "Sa susunod ko na lang poproblemahin si Duke, sasabihin niya naman sa akin kapag nalaman niya na." sabi ko at sinuklay ang buhok ko dahil sa frustration.
"How about Kyline? Do you think she'll know?" muling pagtatanong ko.
Ram shrugged. "Ikaw ang mas matagal niyang nakasama, we're not that even close para malaman ang sagot diyan sa tanong mo."
Sa hindi mabilang na pagkakataon muli ay bumuntong hininga ako pero sa pagkakataon na ito sumabay na ang pagtulo ng luha ko. I'm getting emotional, damn it. "I want her back, Ram. I love her so much." sabi ko pa rito.
Inabutan niya ako ng tissue. "I know. Kahit ako ang nasa posisyon mo, I want her back too but there are just things na kailangan mo na lang tanggapin na hanggang doon na lang talaga." sabi pa nito.
I dry my tears. "Susubukan ko pa rin, hindi ako susuko and I can feel it, mahal niya pa rin ako." sabi ko pa dito.
Naputol ang paguusapan namin nang may marinig kaming sigaw. "There you are!" sigaw ni Zeoh.
Inis ko siyang nilingon. "What do you want?!" inis na tanong ko rito.
"Magpalit ka na ng damit, Ivy." sabi pa nito at hinawakan ang braso ko ngunit hindi ako nagpatinag.
"Ayoko nga!" sabi ko rito at inalis ang pagkakahawak niya sa aking braso.
Tumawa si Ram kaya naman ay napunta ang atensyon namin ni Zeoh sakanya. "Stop being too protective, Kuya Zeoh. Beach ito, kaya normal sa mga babae na magsuot sila ng ganyan."
Zeoh sighed at tumabi na lang sa akin. "Fine, but I'll keep an eye on her." sabi nito at sinamaan pa ako ng tingin.
Umirap ako. "Wala na ako sa mood, matutulog na lang ako, maiwan na kita, Ram." sabi ko at tumayo na mula sa pagkakaupo.
Nakakalimang hakbang pa lamang ako mula sa pwesto ko kanina nang may maramdaman akong mga braso na pumulupot sa bewang ko.
"Damn it, Ivy. You shouldn't have wear a swimsuit." sabi nito habang inaayos ang tuwalya na kasama niyang pinulupot sa aking bewang.
"Ano ba, Zeoh! Ano ba ginagawa mo?! Bitiwan mo nga ko." sabi ko habang pilit na inaalis ang tuwalya na pilit niya pa ring pinupulupot sa akin.
"Wag kang makulit! You have a stain." bulong nito kaya naman ay agad na nanlaki ng mata ko at tinanggap ang tuwalya na pinulupot niya sa akin.
Kaya pala ganito na lamang ang pag akto ko, ang pagsusungit ko kay Zeoh at ang pag-iyak ko sa harap ni Ram.
Humiwalay ako sa pagkayakap niya sa akin at hinarap ko siya. "A-Anong araw ngayon?" tanong ko rito.
"16th of April." sabi nito.
Shit, Kabuwanan ko nga.
Agad akong tumakbo patungo sa kwarto ko, narining ko pang sumunod sa akin si Zeoh. Habang naghahanap nang maisusuot ay naghanap din ako ng pads para sa period ko, kaso sa kasamaang palad ay wala akong nadala.
Ang tanga, Ken! Ang tanga-tanga! Bat ngayon pa?!
Lalabas na sana ako upang bumili ng pads ngunit hinila ako ni Zeoh. "Hey, tinagusan na rin yung tuwalya. Saan ka pupunta?"
Napakagat ako sa labi ko. Nagdadalawang isip kung siya ba ang pabibilihin ko ng pads dahil siya lang naman ang maasahan ko sa mga oras na ito.
"Zeoh..." nagaalangan natawag ko. "Bilhan mo naman ako ng pads." nahihiyang bulong ko.
"What?" iritang tanong nito dahil hindi niya narinig ang sinabi ko.
"Wala akong pads, pwede ba na..." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bumuntong hininga ito.
"Stay here, I'll buy it." sabi nito at iniwan ako sa kwarto ko.
Pumasok ako sa banyo para simulan nang linisin ang sarili ko, natapos na akong maligo ngunit wala pa rin Zeoh, kaya naman ay naghintay pa ako ng ilang minuto sa loob ng banyo.
Until I heard a knock. "Hey, andito na ko." sabi nito.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at inilabas ang kamay ko, naramdaman ko naman na may inabot siyang plastik sa akin, nang maipasok ko iyon sa loob ay agad kong sinara ang pinto.
"T-Thank you!" mahinang sabi ko pero alam kong rinig niya iyon.
Mabuti na lamang ay naayos ko na ang sarili ko nang tawagin kami para sa una naming activity.
"Okay, for our first activity, you'll have an obstacle course to pass." paninimula ng guro namin. "Your group mates will be your own classmates, so everyone gather up with your assigned groups." Nagsimula na nga kaming pumunta sa sari-sariling grupo namin.
Habang nakikipag-usap ako isa sa mga kaklase ko, nilapitan ako ni Zeoh. "Saglit lang guys." excuse ko sa mga kaklase ko.
Hinarap ko naman si Zeoh. "I think you shouldn't join, baka makasama yan sa kalagayan mo ngayon." sabi nito.
"Ayos lang ako, hindi naman ganun kaselan ito." sabi ko at nginitian siya.
Bumalik na ako sa grupo namin at nagsimula na magplano sa gagawin naming technique para sa obstacle course na gagawin namin.
"Okay!" muling pagsasalita ng guro namin. "Students, please stick with your group patungo sa ating location kung saan mangyayari ang maliit na palaro, shall we?"
Unti-unting nawawala ang mga estudyante sa hotel ng lobby at nagtungo kami palabas kung saan inihanda ang maliit na palaro.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na kami doon. "Everyone, before we start! I'll tell you the rules." paninimula nito. "The shortest time na makakalagpas sa obstacle ay ang mananalo and kailangan ay dapat kumpleto hindi yung purong unuhan lang, kaya dapat may team work! Naiintindihan ba?"
"Yes!" sigaw naming mga estudyante. "So let's start! Ang mauuna ay ang mga tourism students." sabi pa nito.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Halik
عاطفية[Etereo Paraiso #1] Kizeoh Von Hugo is your typical heartbreaker. Never siyang nagpakita ng pake sa mga babaeng nakarelasyon niya or more like wala pa siyang sineryoso na babae. But little do they know, Zeoh is in love with one girl, babaeng hindi...