"Ang gago mo talaga eh, 'no?" naiinis na sabi ko.
Kaya naman pala sobrang lakas ng music nito sa kwarto niya kanina ay para hindi siya mahuling bumababa mula sa bintana at kanina kaya kami nagkasalubong ay balak niyang kunin ang motor niya.
Medyo tanga siya sa part na yon, dapat ay nag-commute na lang siya.
"Stop partying around, Zeoh! Malapit na ang finals! Okay, fine! We get it, matalino ka! Pero finals 'to Zeoh! Lahat-lahat dapat ibigay mo! Napakataas ng standard ng school, kaya kailang mo pumasa!" parang nanay na pagsesermon ko dito.
Tuluyan na ata akong nahawaan ni Primo. Nagpakawala akong ng mahabang hininga, alam ko namang hindi siya nakikinig at wala siyang pake sa mga sinasabi ko.
Actually, kahit hindi naman talaga siya mag-aral ay makakapasa siya at makakagraduate, matalino kasi talaga siya.
"Tapos ka na ba? Pwede ka na ba umalis?" walang emosyon na tanong nito.
Mas nadagdagan ang inis ko dahil sa sinabi niya. "No, I will stay here to make sure you're going to sleep here. Kung kailangan dito ako matulog, then fine! I'll sleep here," matigas na sabi ko.
Irritation was written all over his face when I said that. Wala siyang choice. "Don't think I wanted this to happen, Zeoh, kung ayusin mo yang sarili mo at makisama ka, wala sana ako dito."
"You do wanted this, Ivy! Ito naman ang gusto mo right? Bumalik sa dati! Ikaw kay Kyline at syempre ako sa buhay ko sa mga kung sino-sinong babae diyan sa paligid!" sabi nito.
"Just what the hell, Zeoh?! You think I wanted this?! Me wanting you to go and fuck girls around?! Ang gago ko namang kaibigan kung ganon! And for your information, I'm also still a girl!" inis na inis na sigaw ko sakanya.
Walang kwenta ang usapan na ito, hindi ko alam bakit namin pinagaawayan ito. Siya yung magulo dito eh! We just finished that fake relationship we had tapos bigla siya naging ganito ng walang dahilan!
"Ang gulo mo, Zeoh! If this about me not telling you na nagkabalikan kami ni Kyline, pwes! Hindi pa kami nagkakabalikan at wala na akong balak makipagbalikan!" sigaw ko. Hindi ko namalayan na napaamin na pala ako.
"What? Ako, magulo? Baka ikaw, you just told me right now na wala ka ng balak makipagbalikan kay Kyline, when all of this whole thing is about you getting back with her! Ano na nangyari? Bakit bumabaliktad ka ata?" mapangasar na sabi nito at ngumisi pa siya.
"Dahil sayo! Gulong-gulo na ako, dahil sayo!" I yelled.
Napakunot ang noo niya, paniguradong nagtataka sa mga pinagsasabi ko.
"Anong pinagsasabi mo?" tanong niya.
"Nagugustuhan na kita, Zeoh!"
Pareho kaming natigilan sa sinabi ko. Shit! Hindi ko alam kung anong sumunod na reaksyon niya at dali-dali akong umalis sa bahay nila. Nadaanan ko pa si Leo pero hindi ko na ito pinansin.
Ang tanga, Kenzienne! Ang tanga-tanga!
Malakas ang tibok ng puso ko habang nakasakay ako sa sasakyan na pinara ko para agad na makauwi. Unti-unti na akong kinakain ng tunay kong nararamdaman.
Tulala akong pumasok ng bahay, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Nakakabaliw.
"Huy!" saka lamang ako bumalik sa realidad nang tawagin ko ni Mama. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito.
"Opo, pagod lang siguro," sabi ko at bumuntong hininga.
"Masyado mo naman kasing linulunod ang sarili mo sa pag-aaral. Very good ka sa part na iyon pero kung magkakaganyan ka, ay nako! Take a break, baby," sabi nito at hinimas pa ang buhok ko.
I smiled a little. "Sige po."
Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa kama para matulog, kaso paikot-ikot lang ako, buti nga hindi ako na hihilo at hindi gumugulo ang kama ko sa bawat pag-iiba ko ng pwesto.
Umupo ako at tinignan ang phone kong nasa ibabaw ng lames na nasa gilid ng kama ko. Kanina pa yon nakapatay, simula noong pumunta ako sa bahay nila Zeoh, pinatay ko na iyon at wala akong balak buksan yon lalo nang mapaamin ako sakanya.
Napabuntong hininga ako, siguradong sabog ang notif ko pagbukas nito. Nang bumukas ang phone ko ay hinayaan ko muna ito ilang minuto bago tuluyang gamitin, dahil naglalag ito kapag ginagamit at marami ang notif.
Kaso paglipas ng sampung minuto ay wala pa din nangyari. Napangiwi ako, ang assuming ko naman masaydo para isipin na tatadtarin ako ng message ni Zeoh.
Inis kong binalik ito sa ibabaw ng lamesa at bumalik sa pagkahiga, bahala siya diyan, kung ayaw niya akong kausapin.
Hindi ko namalayan unti-unti na akong hinila ng antok at paggising ko ay dumiretso na ako sa banyo para maligo pagkatapos ay ginawa ko na ang gawain ko sa umaga.
Nang matapos ay kinuha ko ang phone ko at dumiretso sa kusina para kumain ng almulsal. Dahil mas nauna ako gumising kay Mama, kumain na lamang ako ng cereals.
Habang kumakain ay chineck ko ang phone ko kung may nagtext sa akin.
From: Zeoh
You're probably asleep right now, let's talk tomorrow before the class start. I'll see you at the univ. See you, Ivy. Good Night ♡
Nabilaukan ako nang makita ko ang heart emoji sa dulo. Kailan pa siya natuto gumamito nun?! "Oh, ano nangyari sayo?" tanong ni Mama na kakagising lamang.
"W-Wala," sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain.
Tulala akong inubos ang cereals ko, hindi ko pa nga malalaman na ubos na yan kung hindi pa tinanong sa akin ni Mama kung bakit ko kinakain yung hangin.
Hanggang pagpunta ng school ay tulala ako, muntik pa nga ako mabangga ng tricycle, laking pasalamat ko ay kahit papaano ay may guardian angel pa din pala ako.
Nang dumating na ako sa school, dahil maaga pa ako ay dumiretso ako sa canteen, titignan ko kung may masarap na makakain kahit alam kong kakakain ko lang.
"Ate, isa nga po nito," turo ko sa champorado na nasa kaldero.
Kumuha siya ng plastic cup at nilagyan iyon pagkatapos ay inabot niya sa akin. Dahil dakilang tanga ako at hindi ko naisip na mainit iyon ay nabitawan ko iyon, natapunan pa ang palda ko.
"Ay hala! Pasensya ka na!" nag-aalalang sabi ng tindera.
"Hindi po, ayos lang. Ako po yung tatanga-tanga," sabi ko at pinulot ang plastic cup.
Gusto ko pa sana ako na ang maglinis sa kalat na ginawa ko kaso nagkakalat na ang champorado sa palda ko kaya naman ay dumiretso na ako sa CR.
Nilinis ko ang sarili. Tanga-tanga kasi Kenzienne.
Pagkatapos ko linisin ang sarili ko ay didiretso na sana ako sa klase ko ngunit mayroon akong narinig na ingay isang room na malapit dito sa CR.
"Ikaw ang mahal ko Zeoh." natigilan ako sa narinig ko, hindi ko alam kung dahil narinig ko ang pangalan ni Zeoh o dahil sa boses ng ex ko.
Hindi ko alam kung lalapit ba ako at sikreto silang papakinggan o hahayaan ko na lang sila magusap dahil pwede ko naman tanungin mamaya si Zeoh sa pinagusapan nila.
Sa huli ay napagdesisyon kong pakinggan sila. "I choose you, Zeoh. I promise I won't tell Ken, after all I never loved her, it was always been you."
Halos madurog ang puso ko sa narinig ko. Kaya ba siya nakipagrelasyon sa akin para mapalapit kay Zeoh? All this time, si Zeoh pala talaga ng mahal niya at hindi ako. Lahat ginawa ko at binigay ko pero hindi naman pala niya talaga ako minahal.
"Wala ka talagang sasabihin kay Ivy, dahil ayokong masira ang plano ko," rinig kong sabi ni Zeoh.
Hindi ko kayang manatili dito at pakinggang lang sila kung paano nila ako balak tulyan na sirain kaya ay lumabas ako mula sa pinagtataguan ko.
"Ang galing," pagsasalita ko. Para silang nakakita ng multo nang makita nila ako. "Oh? Gulat na gulat?"
"K-Kanina ka pa diyan?" tanong ni Kyline.
"Oo, narinig ko na lahat. Lahat ng dapat kong malaman."
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Halik
Romansa[Etereo Paraiso #1] Kizeoh Von Hugo is your typical heartbreaker. Never siyang nagpakita ng pake sa mga babaeng nakarelasyon niya or more like wala pa siyang sineryoso na babae. But little do they know, Zeoh is in love with one girl, babaeng hindi...