"It's not what you think, Ivy," habol ni Zeoh nang umalis na ako sa room kung saan sila nag-uusap ni Kyline.
"Kaya ba? Kaya ka ba pumayag ka ng ganun-ganun lang sa pagpapanggap na bilag boyfriend ko kasi gusto mo si Kyline?" tanong ko.
"No, I don't like her!" pagtatanggi nito.
"Come on, Zeoh! You've been acting strange lately! Hindi mo ako pinapansin at para bang lagi kang inis sa akin, dahil ba sakanya?! Sana sinabi mo! Kaibigan mo ko, Zeoh! Mag-lilimang taon na tayong magkaibigan, halos wala akong tinatago sa inyo nila Primo tapos ganito?! Sa babaeng mahal ko pa?!" galit na sabi ko.
"So you still love her?" sabi nito.
"That's not the point here, Zeoh. Niloko niyo ako, niloko mo ako," pagdidiin ko.
"Hindi kita niloloko, Ivy. Hindi ko kayang gawin sayo yun," sabi nito.
"Bullshit!" malakas na sigaw ko.
Halos magtinginan lahat ng estudyante sa aming paligid pagkasigaw ko pero wala akong pake, ginagago ako eh.
Pero mukhang ayaw ni Zeoh yun, kaya naman ay hinila niya ako at iniwan si Kyline at ang nga estudyante na nakatingin sa amin.
Hindi ko naman hinayaan na hilahin niya ako kaya agad akong bumitaw. Magsasalita pa sana siya nang dumating sila Pirmo.
"Ano nangyayari sa inyo? Bakit parang nag-aaway kayo?" tanong ni Ram.
"Itong pinsan niyo, balak ata jowain ng ex ko," naiinis na sabi ko.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Ram
"I heard him talking with Kyline at nag-aaminan sila ng feelings nila na tinago nila sa akin," naiinis na sabi ko.
"I told you, I don't like her!" pagtanggi muli ni Zeoh.
"Shut up! I don't want to talk to you!" naiinis na sabi ko dito.
Aalis na sana ako nang pigilan ako ni Primo. "You're misunderstanding everything, Ken."
"Narinig ko, lahat! Hindi naman ako bingi at hindi na ako magiging tanga! Niloko ako niyan!" sigaw ko at tinuro pa si Zeoh.
"Sinabi na nga ni Zeoh na hindi niya gusto si Kyline. Si Kyline lang ang may gusto sakanya," sabi pa nito.
"Pinagtatanggol mo ba siya?" biglang tanong ko. "Don't tell me, alam mo?"
Bumuntong hininga ito at hinilot ang sentido. "It's not like that-"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at iniwakli ko ang pagkahawak niya sa braso ko. "Nagtaka pa ako, syempre, pamilya muna bago ibang tao," sabi ko at tuluyan ng umalis doon.
Wala na akong pake kung malapit na ang finals, hindi ko kayang pumasok ngayon na alam kong may pagkakataon na makikita ko sila, ang mga tao ginago ako at niloko ako.
They played me.
Hindi ako dumiretso sa bahay, dahil ayokong magtanong sa akin si Mama at ayokong mag-alala siya.
Dumiretso na lang ako sa bar na pag-aari ni Randall, gaya noong una kong punta dito ay sarado pa sila pero pinapasok pa rin ako dahil si Randall naman ang punta ko.
Tulala akong naghintay doon dahil sabi ng mga staff nito ay mamayang alas diyes pa ito pumupunta dito at alas nuebe pa ng umaga, isang oras pa akong maghihintay.
Napakiusapan ko naman ang staff niya at binigyan ako ng tatlong canned beer, kaya habang hinihintay ko si Randall ay uminom na lang muna ako.
Hindi naman nagtagal ay dumating na si Randall. "Nandito ka nanaman?" natatawang tanong nito.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Halik
Romance[Etereo Paraiso #1] Kizeoh Von Hugo is your typical heartbreaker. Never siyang nagpakita ng pake sa mga babaeng nakarelasyon niya or more like wala pa siyang sineryoso na babae. But little do they know, Zeoh is in love with one girl, babaeng hindi...