"NAKAKAINIS! Bakit kasi halos lahat na yata ng tao sa metro manila dito lang sa MRT sumasakay tuwing umaga?" Naiinis na sabi ni Allison sa sarili habang naghihintay mg train sa Araneta Center-Cubao station.
Wala pa yatang pagkakataon na nakaupo siya sa loob ng train magmula nang maitayo ang MRT sa Cubao. Palagi na lang siyang nakatayo at nakikipag-unahang makipagsiksikan sa ibang pasahero tuwing papasok siya sa office.
Minsan sa sobrang dami ng pasahero, halos madikit na ang mukha ng ilan sa salamin ng sliding door. At kung liligon naman siya sa bandang kanan or kaliwa ay siguradong may isang mapalad na pasahero ang makakalips to lips niya. Sapul.
Kaya steady lang siya, parang isang istatwa, nakayuko na parang mahiyain, at hindi na nagtatangka pang lumingon-lingon sa mala posporong itsura nila sa loob ng train.
"Miss! Kasya ka pa!" Nakangiting sabi ng isang lalaki nang bumukas ang sliding door ng train.
"Sino yun?" Nagtatakang tanong niya sa sarili. Ginala niya ang mga mata.
Gaya ng karaniwan, hopeless ang itsura ng sitwasyon sa loob ng train. Sadyang mawawalan ng poise at kung anu-ano pa ang sinumang magtatangkang isiksik pa ang sarili sa train sa mga sandaling iyon.
"Miss! Bilisan mo! Dito, o, kasya ka pa!" Nagmamadaling tawag ng lalaki at pagkuwan ay inilahad sa kaniya ang kanang kamay nito. "Miss! Bilis!"
May kung anong kapangyarihan ang boses na iyon. Awtomatikong iniabot niya ang kamay sa estranghero.
Pagkahawak pa lang nito sa kamay niya, bigla na siya nitong hinila at pilit na pinagkasya sa kapiranggot, napakasikip at di mahulugang karayom na puwang sa loob ng train. Mabuti na lang at tao siya dahil kung isa siyang manika, siguradong nakalas na ang braso niya sa paghatak na iyon ng lalaki.
Nandyan ang mahipuan siya sa boobs, sa puwit, balakang, at sa iba pang maseselan na bahagi ng katawan. Ano ba yon!
Normal na ang mga eksenang gayon sa loob ng train, napaka suwerte nga ng mga lalaki roon. Nakakalibre ng hipo sa mga babae! Hindi naman pwedeng manampal dahil di talaga maiiwasang magkahipuan at magkadikitan ng katawan. Tiis na lang siya at magiipon ng pera pambili ng sariling sasakyan upang makaiwas sa ganung pangyayari.
"Araw-araw na lang na ginawa ng Diyos... kelan kaya ako yayaman!" Bwesit na pagmamaktol niya sa sarili habang nakatayo sa harapan ng mabangong lalaki.
Mabuti na lang gentleman ito, iniharang nito ang dalang knapsack sa pagitan nilang dalawa.
Asiwa ang posisyon niya. Ano nga ba ang bago roon? Kung pwede lang siyang dumikit sa bubong ng train na parang isang butiki, gagawin na niya para lang hindi na siya mahipuan ng ibang pasahero.
YOU ARE READING
We Meet Again( Complete )
RomanceMagpapakasal si Allison kay Slater dahil sa tatlong dahilan. Una tumatanda na siya. Pangalawa, for security reasons. Mayaman ito at may matatag na trabaho. Pangatlo, alam niya kung gaano ito kabaliw sa kaniya. Wala siyang pakialam kung hindi siya si...