HINDI INAASAHAN NI SLATER na makikita niya ang nawawalang wedding ring ni Allison. Nakita niya ito sa likod ng toilet bowl nang pulutin niyang sabong tumalsik doon habang siya ay naliligo.
Siya pa mismo ang magsusuot niyon sa daliri ng kaniyang asawa.
Pagkatapos niya maligo at magbihis ay pinuntaha niya agad ang asawa niya sa kusina.
"Allison nakita ko na ang wedding ring mo," masayang balita ko sa kaniya at isinuot sa daliri niya.
"Ang galing mo namang maghanap, saan mo ito nakita?" Anito pero nakasimangot nang muli nang maibalik ang singsing sa daliri nito.
"Nakita ko doon sa likuran ng toilet bowl." Siya naman itong napakasaya na muli iyong nakita. Hindi nga siya mapalagay hangga't hindi iyon nahahanap.
"Slater, baka gabihin ako mamaya. Dumating kasi si Heaven, yung high school friend namin nina Alyssa na nag migrate sa Paris. Kadarating lang niya kahapon."
"No, problem! Sige, sumama ka sa kanila. Just give me a call kung kailangan kitang sunduin, okay?"
"All right, thanks, Slater." Ginawaran pa siya nito ng ubod ng tamis na halik sa labi na labis naman niyang ikinatuwa.
"Huwag ka lang iinom nang marami," paalala niya.
"Opo, hindi ako magpapakalasing."
Mabait si Slater. Hindi siya mahigpit kay Allison.
Binibigyang laya niya ito na gawin ang mga gusto nitong gawin, basta huwag lang aabuso.
Mag-isa siyang kumain ng hapunan noong gabing iyon. Sinasabayan niya ang pagkain ng pakikinig sa mga tugtog ng favorite banda mula Can't Make It On Your Own ng U2 na nasundan pa ng ibang tugtugin ng Goo Goo Dolls, Train, Pearl Jam at River Maya.
Ang mga bandang iyon ang naging inspirasyon niya noong kumukuha pa ng kolehiyo sa U.P. hilig talaga niya ang music at dati naging member siya ng banda. Hindi nga lang niya sineryoso dahil pinili niyang nag constrate sa pag-aaral.
Tapos na siyang kumain at maghugas ng pinggan. Tahimik siyang nahiga sa sofa at napatitig sa kisame. Drops of Jupiter naman ng Train ang tumutugtog sa stereo.
Ano na kaya ang ginagawa ni Allison ngayon? Naisip niya.
Baka may kasama na yung ibang lalaki at nakikioagharutan.
Bigla tuloy siyang napabangon sa pagkakahiga sa sofa. Kinuha niya ang kaniyang cellphone para matawagan si Allison.
Nakaoff ang cellphone nito.
"Pambihira naman, dapat hindi siya nagpapatay ng phone. Paano na lang kung may emergency? Bat kaya nakapatay iyon? Matawagan nga si Alyssa." Bulong niya sa sarili.
YOU ARE READING
We Meet Again( Complete )
RomanceMagpapakasal si Allison kay Slater dahil sa tatlong dahilan. Una tumatanda na siya. Pangalawa, for security reasons. Mayaman ito at may matatag na trabaho. Pangatlo, alam niya kung gaano ito kabaliw sa kaniya. Wala siyang pakialam kung hindi siya si...