SA TUWING uuwi sila sa bahay, ang lalaki pa rin ang nag-aasikaso ng pagluluto ng dinner nila. Kapag kasi si Allison ang pinabayaan niya sa kusina ay walang kalasa-lasa ang pagkaing niluluto.
Kahit pagod si Slater ay siya pa rin ang nagluluto.
"Allison, pag-aralan mo naman ang pagtimpla sa pagkain. Para kapag nawala ako rito ay hindi ka mapupurga sa delata," sabi nito habang hinahalo ang sinigang na baboy.
Parang wala siyang narinig. Patuloy lang siya sa panunuod ng VCD, Finding Neverland ang napili niyang panoorin.
"Allison narinig mo ang sinabi ko? Next week kasi pupunta ako sa Davao. May business meeting kami roon. Mga four days akong mawawala."
Hindi pa rin niya ito pinansin. Para siyang señorita, patuloy ang panunuod at hindi pwedeng maistorbo.
"Anak ni Peter Pan naman, o!" Nilubog ni Slater ang kamay nito sa tabong may tubig at winisikan siya. "Uy! Sabi ko pupunta ako Davao next week!"
"Ano ka ba! Bastos ka talaga. Bakit ka pa nangwiwisik ng tubig?" Naiinis na sabi niya at inirapan pa ito.
"Aba, ako pa bastos ngayon. Ikaw nga dyan ang kanina ko pa kinakausap hindj ka man lang kumikibo,"
"Naririnig ko naman, eh! Anong gusto mong sabihin ko? Wala namang problema sa akin kung pumunta ka doon. Kung gusto mo kahit hindi ka na bumalik, okay lang sa akin!"
"Grabe ka talaag, ang sama ng ugali mo. Ako na nga nagluluto dito tapos ginaganyan mo pa ko. Kapag nakakita ako doon ng babaeng maganda, marunong magluto at higit sa lahat mabait.... mag-impake ka na dito at lumayas na. Dahil walang lalaking makakatagal sa ugali mo. Ubod ng sama!" Pagbibiro nito.
Nilakasan niya na lang ang volume ng TV.
"At, naku, hindi lang pala masama ang ugali, bastos pa! Nagsasalita ako rito, nilakasan mo pa volume ng TV. Makikita mo, wala kang pasalubong sa akin," pang-aasar pa nito.
"Edi, huwag kang magdala ng pasalubong. Hindi naman ako nanghihingi sayo, ah. Sige ka. Pag-uwi mo baka wala na ako rito."
YOU ARE READING
We Meet Again( Complete )
RomanceMagpapakasal si Allison kay Slater dahil sa tatlong dahilan. Una tumatanda na siya. Pangalawa, for security reasons. Mayaman ito at may matatag na trabaho. Pangatlo, alam niya kung gaano ito kabaliw sa kaniya. Wala siyang pakialam kung hindi siya si...