SA HINABA-HABA ng prosisyon ay sa simbahan din sila natuloy. Dalawang buwan lang ang ginugol nila sa paghahanda sa kasal.
Kahit hindi sang-ayon ang mga magulang ni Slater na si Allison ang mapapangasawa nito ay dumalo pa rin ang mga ito sa kasal. Wala ngang kahit na sino o kahit ano na makakapigil dito.
Umulan man o bumagyo, kahit ano mang intensity ng lindol o kahit tsunami pa ang tumama, tuloy pa din ang kasal.
Napilitang umuwi ng Pilipinas ang mama ni Allison upang masaksihan ang kasal ng nag-iisang unica hija nito. Bitbit nito sa pag-uwi ang tatlong anak na lalaki na sina Chin 14 years old, Chin-hae 9 years old, Chin-hwa 5 years old. Pati ang sa wakas na sumeryoso ritong koreano na si Dong-Sun ay kasama rin.
Alas siete ng gabi ang kasal.
Naging napakaganda ng loob ng simbahan. Nakasindi lahat ng ilaw ng mga chandeliers na nakasabit mula sa kisame. Pinalamutian ng dilaw at puting rosas ang bawat sulok nito. Gold kasi ang napiling motif ni Allison. Ayon kasi sa wedding planner ay bibihira lang ang pumipili ng ganung color motif at napakaganda raw noong tignan sa gabi.
Naisipan din ni Slater na magpaputok ng fireworks pagkatapos ng kanilang reception. Hinango iyon sa nakitang eksena sa pelikulang My Best Friend's Wedding ni Julia Roberts.
Napakaganda ng ayos ng simbahan, pati na suot ng mga abay. Umani ang mga iyon ng papuri sa mga bisita nila.
Naroon nang lahat ng mga kamag-anak, kaibigan, abay, choir, at pari.
At habang naghihintay sa pag-uumpisa ng kasal ay tinugtog ni Troy sa organ ang kanta ni Shane Filan na Beautiful In White. Theme song nila iyon.
Lahat ng mga bisita ay halos mapabuntung hininga sa romantikong dating ng malambing na tugtugin. Ang sarap nga namang mainlove. Ayos na ayos na ang lahat sa simbahan.
Isa na lang ang kulang----ang bride.
Napatingin si Slater sa orasan ng simbahan. Nakatutok na ang mahabang kamay niyon sa numero eight. Dalawang minuto na lang bago mag-alas-siete. Dadating ba si Allison?
Biglang kumabog ang puso ng groom, kinakabahan ito. Sa pelikula lang nangyayari ang kagaya ng Runaway Bride. Sisipot si Allison. Sisipot si Allison...sisipot si Allison...sisipot.... paulit ulit nito sa isipan para mapakalma ang sarili.
Kinuha nito ang cellphone at tatawagan na sana nang... Pumarada ang puting Mercedez-Benz sa tapat ng simbahan.
Thank God!
Lalong na inlove si Slater kay Allison habang pinagmamasdan nitong naglalakad ang dalaga palapit sa altar.
Para nga naman siyang prinsesa na kumikinang sa kagandahan. Bagay na bagay sa kaniya ang wedding gown na ginagawa ni Rene Salud. Pati ayos ng bride ay umani ng papuri sa mga bisita roon.
"Siya ba ang mapapangasawa ni Slater? Maganda naman pala, at sexy pa, ha!"
"Ang ganda ng gown niya, sino kaya ang nag design?"
Ikan lang yan sa mga naririnig niyang papuri habang naglalakad sa aisle ng simbahan. Napangiti siya. Pinalibot noya ang tingin sa mga tao roon.
YOU ARE READING
We Meet Again( Complete )
RomanceMagpapakasal si Allison kay Slater dahil sa tatlong dahilan. Una tumatanda na siya. Pangalawa, for security reasons. Mayaman ito at may matatag na trabaho. Pangatlo, alam niya kung gaano ito kabaliw sa kaniya. Wala siyang pakialam kung hindi siya si...