Chapter Six

14 2 0
                                    

"SMILE," sabi ng French na babaeng pinakiusapan nilang kunan sila ng picture sa Eiffel Tower, sabay click nito sa digital camera.

Second destination namin sa listahan ay Paris, France. Halos lahat ng pwedeng gawin na pose ay sinusubukan nila. Talikuram, magkayakap, magharap, naghahalikan, nagsplit pa si Slater at pumatiwarik si Allison. Lahat ng sulok ng Eiffel Tower ay nagpapakuha sila ng picture.

"Grabe! Hindi ako makapaniwalang nandito na tayo sa France. Tingnan mo, Slater, ubod ng ganda ang Eiffel Tower!" Maya tono ng labis na paghanga sa boses niya. Kulang na lang ay pumalakpak siya sa labis na tuwa.

"Sino kaya ang gumawa ng Eiffel Tower? Ang galing ng pagkakagawa, ano!"

"Ehem! Actually, Its construction was begun in January 28, 1887 at natapos nung March 15, 1889. It was designed and built by a French structural engineer named Alexander Gustave Eiffel."

Napanganga si Allison. "Aba! Para ka palang walking encyclopedia. Saan mo naman nakuha yan?"

"Matagal ko nang alam yan. Mahilig lang talaga akong magbasa kaya ko nakilala kung sino ang gumagawa niyan."

"Ah, talaga?"

"Oo naman, ako pa! Talaga hindi lang talaga gwapo ang asawa mo, matalino pa!"

"Grabe ka, Slater. Hanggang signal number 10 na ang lakas ng hangin mo, ah. Baka pati yang Eiffel Tower ay bumagsak sa sobrang lakas ng hangin mo!" Sabat nito, sabay ismid.

Ayon sa mga turistang Pinoy na nakakwentuhan nila roon, pinakamaganda raw ang Eiffel Tower pagsapit ng gabi at nakasindi na lahat ng mga ilaw nito.

Kaya nga hinintay na nila ang takip-silim sa tapat niyon at habang naghihintay na lumubog ang araw ay panay ang kanin nila ng ice cream.

"Alam mo, Allison, mas masarap talaga ang rocky road."

"Hindi yata, mas masarap pa rin itong double dutch! Kahit ilang beses mong kainin...mmmm... ang sarap pa rin!" Dinilaan pa nito ang ice cream na nasa cone.

"Ano ba ang pinagsasabi mo? Basta! Talagang mas masarap pa rin ito." Nagkulay brown na ang nguso ni Slater sa kakakain ng chocholate ice cream.

Napatingin naman sa kaniya si Allison. "Naku, ang sagwa na ng itsura mo. Kalat na yang ice cream sa nguso mo. Mukha ka nang mongoloid!" Napabunghalit pa ito ng tawa.

We Meet Again( Complete )Where stories live. Discover now